Chapter Nine

303 11 10
                                    

"What, pre? Eris Abueva is inviting me to a rock concert? Haha seryoso ba 'to?"

"Oo naman pre, mag-aaya ba ako sayo kung joke joke lang? Pre naman oh."

"I know you kase you were never into rock music kaya nililinaw ko lang baka kase nabinggi lang ako."

"Pre, I'm serious! Please come with me sagot ko na ticket mo sumama kalang!"

"Wow, parang tinggalan mo ako ng karapatang tumanggi doon ah."

"Pre naman, di ako nagbibiro. Are you with me or not?"

"Teka, bakit ako? Wala ba sila Bryan? Si Andrew?"

"Alam mo naman na may mga pamilya na sila and ikaw nalang ang single kaya ikaw tinawagan ko pre please. Sumama ka na. All expense paid 'to, Sagot ko lahat."

"Teka teka lang, bakit naging interested ka yata bigla sa rock concert? Anne is never into rock also tsaka wala naman akong kakilala na pwedeng mag-impluensya sayo. Wait, are you womanizing? Babae dahilan neto no?"

"Fuck, parehas kayo ni Anne ng tingin sa akin. Hindi ba pwedeng gusto ko lang mag relax?"

"You can relax sa rock concert? Haha iba ka na talaga. Tapos naging hard drinker ka na din. Really pre, what's gotten into you? This girl is changing you kung sino man siya."

"Pre, wala nga akong ibang babae. I just wanted to watch the concert hindi ba pwede yon?"

"Teka wait di talaga ako convince eh hahahaha."

"Pre, seryoso ako."

"Okay. Sige basta libre mo ha."

"Oo na sumama kalang samahan mo lang ako!"

Kahit mga Colleagues ko pinaghihinalaan na nangangaliwa ako kay Anne. Ganun ba nila ako kakilala na kahit sa simpleng choice of music genre paghihinalaan ako? Iba ang kaba ko habang bumibili ng ticket sa online. Sana Lord, tama 'tong gagawin ko then I crossed my fingers tapos hinalikan ko pa muna bago ko I-click yung "Print" button.

Wala naman sa plano ang maiwan ko ang susi sa loob ng sasakyan ko pero naiwan ko na nga at sobrang badtrip ako! Sa mismong araw pa talaga ng concert! Excited ako sa desperadong plano kong ito.

"Mamaya mo na problemahin yan tara na pasimula na ang concert!"

I can name a few songs na tinugtog ng Incubus pero mostly hindi talaga ako familiar I just enjoy the voice and the loud noise of the crowd and the instruments. Hindi naman ako fan ng Incubus tulad ng karamihan dito ngayon meron kasi akong goal at sana hindi ako mapahiya.

"Pre, sure ka ba na familiar ka sa mga songs nila?"

"Oo naman, inaaral ko nga yan sa gitara eh."

"Oh pota marunong ka na rin palang mag-gitara? Pakilala mo nga ako minsan jan sa babae mo baka sakaling matuto ako mag drive ng manual."

"Loko! Wala nga akong ibang babae!"

"I know you, lalaki din ako Eris kaya wag ako."

"Hindi ko naman magagawa yun sa anak namin ni Anne."

"Once a cheater, always a cheater."

"But not me. Pinagsisihan ko na yun."

"Pero na miss mo diba?"

"Ang alin?"

"Yung feeling of freedom and loving someone you can never be yours."

"Baliw pre, asan ang freedom doon?"

"Yung freedom mong lumandi hahaha."

Sinamaan kita ng tingin tapos nag-iba ka ng topic.

"Eh kamusta na kaya yung nakilala mo noon sa Japan?"

SouvenirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon