Chapter Fourteen

453 16 13
                                    

"Please, forgive me I know not what I do... Please, forgive me I can't stop loving you.." Rinig kong parte ng kanta ni Bryan Adams nang magising ako mula sa aking wet dreams???

Nakatalikod ka na mula sa akin. Tapos matigas at bukol na bukol parin ang titi ko sa boxer shorts na suot suot ko mula pa kahapon. Naalimpungatan ako dahil naka repeat mode pala yung "Please, Forgive Me" bumangon ako at pinatay na iyon.

"Tangina mo, Gener hanggang sa panaginip ko, dinidemonyo mo talaga ako.." Sabi ko sa sarili ko habang nakangiti kang pinagmamasdan habang natutulog kang payapa.

Hinawakan ko noo mo kung may lagnat ka pa buti naman at medyo sinat nalang siguro. Inantay kong literal na humupa yung titi ko dahil ang tigas niya talaga bago ako bumangon at naalala ko nga pala na ngayon ay kaarawan ni Gener. July 25 ang kaarawan mo at ngayon iyon..

Ang plano ko talaga ay i-surprise ka tapos naalala ko pala na wala nga pala akong kapera-perang dala bukod sa cellphone at suot kong sando at boxer short, so napaisip talaga ako ng malalim habang nagkakape sa labas. Pero, mukhang umaayon talaga yung plano ko sa akin habang nagkakape kase ako, may narinig akong usapan na pupunta daw sila sa bagong bukas na SM hypermarket di kalayuan kung nasaan kami ni Gener ngayon. Kaya naman ang ginawa ko dali dali akong tumawag sa aking cellphone at sinabihan ko na padalhan ako ng pera ng assistant ko sa office.

Gamit ang kotse ni Gener, wala nang hiya hiya sa suot ko, nakakuha ako ng pera sa Western Union habang sinabay yung mag-ina kanina kase sa kanila ko nagka-idea sa pa-surprise ko kay Gener.

.
.
.
.

Pagdating ko,  agad kitang sinilip, sakto tulog na tulog ka parin. Medyo nag isip isip na muna ako ng plano may nabili ako maliit na cake, actually mocha cake ito kase naubusan na daw ng chocolate buti nalang talaga at attentive ang secretary ko. I also bought candles mini lang kulay blue. May binili din akong dalawang party hat para sa aming dalawa ni Gener.

Aantayin kitang magising. Yan ang plano pero matapos ang maraming beses na pagbukas sara ng pinto dahil nagdadalawang isip ako kung gigisingin ba kita o aantayin nalang na kusa magising, hindi ko natiis ang sarili ko at sinaluhan na din kita sa kama. Humiga ako. Mula sa likuran mo, sinampa ko yung hita ko sa hita mo. Niyakap kita tapos muli kong naamoy yung fabcon na humawa nanaman sa kobre kama at sa kumot natin. Mainit ka padin pero masarap lang sa pakiramdam kase malamig sa labas tapos ganito pa suot ko. Niyakap lang kita ewan ko kung dinadama ko lang yung body heat mo basta, masarap sa pakiramdam na yakap lang kita. Nang maramdaman ko na medyo tumitigas nanaman yung titi ko, agad na dumistansya ako. Ayaw ko naman isipin mo na sinasamantala kita habang tulog. Bakit ba kasi ang sensitive ng titi ko?

"Happy birthday to you.. happy birth..day to you.." kinantahan kita ng pabulong habang yakap yakap padin kita patalikod. Alam kong gising ka na dahil kanina pa nagalaw yung mga daliri mo sa paa.

"Ang lamig.. yakapin mo pa ako please.. pre, please.." sabi mo.

"Akin nalang yang sakit mo.." bulong ko habang yakap ka.

"Ang lamig.... Eris, yakapin mo lang ako please.." Tapos humarap ka sa akin tapos tinitigan ko mga mata mo tapos nagtanong ka sabi mo, "Bakit?"

Tapos ngumiti ako tapos sinabihan kita ng, "Wala lang. I'm glad I met you."

Hinawakan mo mukha ko gamit ang iyong dalawang mainit na palad. "Galing mambola."

"Di kita binobola sinasabi ko lang yung laman ng puso ko ngayon." Tapos lumapit ako sayo tapos hinalikan ko labi mo.

"Wala pa akong toothbrush."

"Wala akong pakelam." Bulong ko habang titig sa mga mata mo.

"Sana ganun lang kadali lahat no? Pag kiss mo biglang okay na tayo.. pero, malabo eh. Madali lang talagang magpakatao alam mo mahirap? Yun yung maging tayo."

SouvenirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon