Chapter Eleven

294 14 21
                                    

Nabalitaan ko na ilang araw ka na daw walang kain. Nabalitaan ko na nagkukulong kalang daw sa loob ng kwarto, hindi makausap at walang kibo. Gener, hindi ko mapigilan ang sarili ko na huwag kang pakialaman. Maybe, may natitira pang concern ang puso ko para sayo. Matapos ang gabing iyon, yung sinukaan mo ang kotse ko halos dalawang linggo rin tayong walang usap. Naging literal na strangers tayo sa isa't-isa sa loob ng dalawang linggo. Balibalita nga umuwi ka na daw sa inyo sa may Binangonan tapos ang iba ang sabi, may girlfriend ka na daw na binabahay kaya hindi ka na sumasama sa mga gimik ng mga new profound friends mo na naging ka vibes ko na din somehow.

So, dalawang linggo akong naging honest kay Anne.
Walang alak, walang yosi, walang drunken Binangonan accent, walang tawa mo, walang suka at higit sa lahat wala ka. I've been faithful to my wife nang nawala ka. I considered myself as a good father kay Bobby pero kahit na anong effort pa ang ipakita ko, Anne still think na niloloko ko padin siya In my act, no but in my heart, yes. Gener, you are a hard habit to break.

One night, hindi ko inaasahang gabi, we were having a family dinner sa isang mall sa Ortigas. Nag ring ako phone ko, nagulat ako kasi pangalan mo ang lumabas. I answered your call.

"Hello." Sabi ko.

"Asan ka? I need you." Sabi mo sa kabilang linya.

"Andito sa mall, nilabas ko family ko. Pwede tawagan kita mamaya?"

Nakita ko na napatingin sa akin si Anne.

"No, wag mong ibaba. Please, I need you. Gusto kita makita."

"Ano kase, I'm having a quality time with my.. my son and my... wife tawagan kita about sa business proposal mo mamaya after this."

"Wag!" Medyo nag-iba boses mo. Nagtaka ako kase hindi ka naman ganyan. Iba ang pagkakakilala ko sayo Gener.

Hindi ko alam pero I suddenly became uneasy. Hindi ko alam kung dahil ba sa manaka-nakang pagtingin tingin sa akin ni Anne o dahil sa biglaang tawag mo.

"Excuse me?" Ako habang pinaninindigan ko na kausap ko ay ang business partners namin ni Anne.

"Wag mong ibaba. Kapag sinubo mo yang hawak ng asawa mo, I swear mag-iiskandalo ako dito." Sabi mo.

May hawak ngang tinidor si Anne na may lamang pasta, kinabahan ako lalo kase aware na ako na andito kalang pala sa paligid.

"Wag mong gagawin yan without my approval." Ako habang patuloy sa alibi.

"Eris, nangangawit na ako. Kainin mo na please." Sabi ni Anne. Ang ginawa ko nalang kinuha ko sa asawa ko yung tinidor at ako na mismo ang sumubo nun sa sarili ko.

"Gusto ko lang marinig na sabihin mo sa akin na mahal mo ako. So, I love you."

I caught off guard. Na on the spot ako at hindi talaga ako handa. Kung ano man itong plano mo, naguguluhan ako.

"Ano, wala man lang bang I love you back?" Sabi mo.

Suddenly, kahit na kabado ako, niyakap ko si Bobby tapos sinabihan ko ng "I love you."

"I love you, too, Daddy!" Bobby answered.

"Mas mahal kita, Eris. Tandaan mo yan." Binaba mo yung tawag doon lang nawala kaba ko.

Sinubukan kitang pasimpleng hinanap ng mga mata ko, pero wala akong nakitang Gener sa paligid.

.
.
.
.

Hindi dapat kita tinawagan kase hindi naman na dapat tayo nag-uusap pa after nung eksena mo sa resto noong nagdaang gabi pero, andito ka ngayon kasabay ng yung bagong porma: semikal na bumagay naman sa payat mong pangangatawan, naka suot ka ng puting long sleeves tapos cap na itim may suot ka pang headphones ang cool mong tignan kase lalo kang bumata.

SouvenirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon