Chapter Thirteen

284 13 12
                                    

Napapadalas na ang pagdaan-daan ko sa simbahan dahil gusto kong maliwanagan kung sino ba sa kanilang dalawa ang mas matimbang. Hindi naman ako pumapalya sa pagiging ulirang Ama ko para kay Bobby, nagagawa ko naman ng maayos yung responsibilidad ko sa kanya bilang Ama kahit na pa hindi kami nagsasama ni Anne sa iisang bubong nasanay nalang ako sa set up na palitan kami kay Bobby. Hindi ko narin inoopen pa kay Anne yung estado namin sapat na para sa akin na paminsan minsan ay lumalabas kaming tatlo para sa family bonding, nagkukunwari kami ni Anne na walang problema kapag kasama namin si Bobby. Alang ala nalang sa anak ko kaya ko ito ginagawa.

While I'm on my third shot of whiskey bigla mo akong tinawagan Gener naging excited ako bigla kase mga tatlong araw kading walang paramdam.
Galing mong mag timing kase kauuwi ko lang galing family dinner kasama yung asawa ko at si Bobby. Napatingin ako sa oras kase late na almost past eleven na ng gabi. Nagulat ako sa binungad mong sinabi pagkasagot ko ng tawag mo. Ang sabi mo kase, "Nasa unit ka na ba?" Tapos sinunandan mo pa nang, "Halos tatlong oras na kasi ako dito sa parking area ng unit mo, Eh. Tatlong oras na kitang inaantay."

"Bakit hindi mo ako sinabihan agad? Text man lang sana." Sabi ko habang nagmamadaling pumunta kung nasaang parking area ka.

"Biyernes ngayon di ba? may dinner kayo ng asawa't anak mo ayaw kong makaistorbo kaya inantay nalang kita hanggang sa nakatulog ako dito. Di ko na kayo ginambala."

Nang makita ko kung saan ka nakapark, kinatok ko yung bintana ng kotseng dala mo. Tapos pagbaba ng salamin, binungaran mo ako ng isang malapad na ngiti tapos sinabi mo, "Akin ka naman ha."

"Laki ng ngiti mo eh paano kapag natagalan pa ako sa pag-uwi ano gagawin mo?"

"Oh edi aantayin kita, kita mo nakatulog na nga ako eh. Lika na."

"Saan tayo pupunta?"

Tinignan mo yung suot ko ngayon.. sando na puti tapos boxers tapos sinabi mo, "Punta tayo Baguio."

"Loko ganito suot ko?"

"Oo pwede na yan, Pre! Lika na."

"Loko magpapalit na muna ako."

"Pag sa asawa mo okay lang na ganyan suot mo, tapos pag sakin, bawal?"

"Loko ka bakit ba lagi mong kinukumpara si Anne sayo?"

"Asawa mo yun, Pre malamang. Okay na yang suot mo para ganahan ako sa pagmamaneho." Tapos kumindat ka.

At dahil sa hindi talaga ako makatanggi sayo sumama ako sayo na ang suot lang ay boxer shorts at sandong puti tapos telepono lang dala ko. Walang pera.

"Ang saya nang ganito yung patago kitang nakikita. Pre, sensya na ha medyo na miss lang talaga kita eh." Sabi mo habang nagmamaneho.

"Pre? Oh akala ko ba "Kosa" tawagan natin?"

"Ganito kase yun eh, naisip ko medyo awkward ang kosa kaya pre nalang para medyo may angas."

"Ahh.."

Tinignan mo ako. Tapos sabi mo, "Langya naman pre, parang ayaw mo yata akong makasama lagyan mo naman ng buhay yang sagot mo yung tipong.." Tumigil ka sa sinasabi mo kase lumiko ka kaya ako na nag tuloy.

"Tipong ano?"

"Yung tipong miss na miss mo ako ganun sana, pwede ba?"

Tinignan kita tapos nilapit ko mukha ko sa mukha tapos hinalikan kita. Muli, na on the spot nanaman kita. "Ayan, ayos na ba yan sayo?"

Nakita ko na may pagkain sa likod ng kotse mo take out from Mcdonald's "Oh, ano 'to?" Sabi ko.

"Ah yan ba? La yan pre, wag mo nang pansinin. Binili ko kase yan kanina pre akala ko kasi madadatnan kita eh nalimutan ko, biyernes pala ngayon, araw nyo pala ng asawa't anak mo.. ayun pre, pagkain sana natin yan eh kaso malamig na yan kaya tapon na natin." Paliwanag mo habang nagmamaneho hindi ka nga makatingin sa akin nun tapos medyo utal kapang magpaliwanag. Halatang nahihiya ka pa. "La lang pre, korny ba?"

SouvenirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon