I found someone I never want to lose. Hindi mo matuturuan ang puso kung kanino ito titibok. Gener was my mistake at sa lahat ng pagkakamaling nagawa ko, meeting Gener is never a regret.
Mabigat ang tumbong kong tumayo mula sa kaliwang front seat ng nirentahang kotse ni Gener habang pinagmamaneho niya ako papunta sa Narita Airport.
I tried to hold his hand pero nilayo niya sa akin iyon bago ko pa mahawakan. Alam ko galit sa akin si Gener sa pagkakataong ito. I remember that look on his face habang nagmamaneho at alam ko mula sa kanyang kaliwang pehiperal view, nakikita niya ako na nakatingin lang sa kanya at tahimik na pinapanood siyang ipagmaneho ako.
"Ingat ka sa Pinas ha, susulatan mo ako." Biro mo tapos sabay tumawa ka pa nga noon eh. Pero ramdam at tagos na tagos sa akin ang sakit sa likod ng biro mo.
Hanggang sa makarating na tayo sa Narita, 30 minutes before my flight nakuha mo pang magbiro ule. Sabi mo pa nga "Eris, pahinging souvenir!" Nilingon pa nga kita noon kase iyon kanalang muli nagsalita matapos ang biro mo na sulatan kita.
"Ano gusto mo?" Ang sagot ko pa nga sayo noon.
Tapos may malaki kang pagkakangiti tapos sinabi mo, "Hindi ano kundi sino."
"Eh sino nga ba?" Sagot ko naman. Wag mong ikaila na hindi ko napansin na kamuntikan ka nang maluha noon bago mo ako sagutin. Nag alibi ka pa nga sa akin na kunwari napuwing ka pero ang totoo, pinipigilan mo lang na maiyak.
"Pwede bang ikaw nalang? Can I keep you as a souvenir?" Sabi mo tapos yung mata mo talagang gusto nang pumatak ang luha.
Natatandaan ko ginawa ko bago kita sinagot nun, naiyak ako. Ewan ko ba ramdam ko ang biglaang pagrupok ng mga luha ko. Naiiyak na ako noon, Gener. Dinaan ko nalang sa yakap para hindi mo makita na umiiyak na ako. "Tandaan mo 'to Gener, you are my favorite "what if" bulong ko sayo kasabay ang mahigpit at pinakahuli ko nang yakap na gagawin ko sayo.
Tapos, nang sa tingin ko ay nakakaya ko nang pahintuin ang pagpatak ng luha ko, hinalikan kita sa noo. Tapos, narealize ko na totoo yung sabi sa kanta na pinakinggan natin ng paulit ulit kagabi ang sabi sa kanta "It's sad to belong to someone else when the right one comes along."
Magdamag lang tayong nakahiga habang magkahawak kamay. Hindi tayo bumibitaw sa isa't-isa. We just lie awake in your room. Naiisip ko na sana hindi nalang 'to lahat wishful thinking na sana ikaw nalang ang naging "right one" ko instead you being the "someone else"
Pero, Gener, she doesn't know about you. Paano ko sasabihin sa kanya na kapag sinasabihan niya akong namimiss niya ako sa Pinas, ikaw naman ang kasakasama ko? Na sa tuwing nag "I I love you" siya sa akin sa Skype, ikaw naman ang minamahal ko dito sa Japan. Nalulungkot ako na kapag nagkukwento siya sa akin ng mga pangarap niya para sa magiging anak naming dalawa, eh ikaw naman ang nasa isip ko kung paano kaya ang future nating dalawa. Paano kaya kita mailalagay sa puso ko ng tama? Gener, Alam ko I can get lonesome pag uwi ko sa Pinas. Mamimiss lang kita ng sobra sobra. Paano kapag sinalubong niya ako tapos ikaw naman ang nakikita ko patakbo palapit sa akin mula sa arrival area?
I want to live with you in another world pero mananatili nalang iyong lahat sa utopian dream ko para sa ating dalawa.
Day two ko sa Japan at tandang tanda ko pa kung paano mo ako inaya noon sa may Koiwa station para lang kumain ng ramen kase sabi mo nagugutom ka na kakaikot natin sa Shibuya. Hindi mo pinansin ang isang oras na layo ng byahe makakain kalang ng ramen sa may Koiwa. "Masarap kase ang ramen doon eh." Ang sabi mo pa nga.
Pumasok tayo sa may ramen house, Mojinzō Koiwa ang pangalan. Nagtanggal tayo ng suot nating sapatos bago sumampa sa dulong cubicle kung nasaan ang pinili mong mesa natin. Ginaya ko lang ang ginagawa mo. Aliw na aliw akong panoorin ka noon kase halatang sanay na sanay ka na.