Nakakabinging katahimikan ang namamayani sa ating dalawa Gener habang ipinagmamaneho mo ako pabalik ng Manila. Pauwi sa amin. Pabalik sa pamilya ko. Pabalik sa asawa ko.
Gustong gusto ko na sanang magsalita kaso baka hindi mo lang ako sagutin diba nga may kasabihan, "Action speaks louder than words" at alam kong nasaktan nanaman kita.
Muling nag ring ang telepono ko, tumatawag muli si Anne. Naramdaman ko na medyo binilisan mo yung takbo habang kausap ko si Anne sa kabilang linya. Tinignan kita, seryoso ka habang nakatutok lang ang mata sa daan. Hindi mo ako pinapansin. Magkasama nga tayo pero pakiramdam ko hindi ako nag-eexist sa mga oras na ito.
Kahit hindi ako magtanong, alam kong galit ka o baka masama nanaman ang loob mo alam ko kase na pagdaraanan mo ang ganitong sitwasyon kasi pamilyado na akong tao. Mali ako na dinala kita sa ganitong mundo pero hindi ko talaga kayang wala ka. Hindi kita kayang pakawalan.
"Ako naman magmamaneho, baka pagod ka na." Basag ko sa katahimikan.
"Kaya ko." Sagot mo. "'La ka magawa? Sagutin mo yang tawag ng asawa mo mukhang kailangan na kailangan ka na talaga ng anak mo." Medyo may angas mong sagot pabalik sa akin.
Medyo nalungkot ako sa sinagot mo sa akin kahit na mahinahon naman iyon. dahil ramdam ko yung bigat ng damdamin mo doon Gener. Galit ka. Nasaktan nanaman kita at patuloy lang kitang masasaktan. Alam ko.
"Birthday mo ngayon, 'diba?" Tanong ko. Sinusubukan kong alisin ang "dead feeling" sa pagitan naming dalawa. Tapos matagal ka bago sumagot.
"Birthday ko ba ngayon?" Sabi mo.
"Ay sa lahat ng ayaw ko yung tanong din ang isasagot eh."
Tapos no reaction ka na as If wala kang pakialam sa sinabi ko. Pakiramdam ko tuloy itinutulak mo ako palayo sayo, at that very moment.
"Gener ba talaga pangalan mo baka hindi ah." Sabi ko mayamaya.
"Alam mo real name ko, "Tanga."
"Tanga? Ay di ah, bakit naman tanga?" Medyo dinaan ko sa pag ngisi baka kasi nagbibiro kalang. "Bakit "Tanga"? Tanong ko.
"Tanga, kase Totoo Akong Nagmamahal sayo Gaano man kasakit Ay titiisin ko." Ramdam ko ang himig ng kalungkutan mo doon.
Tapos, ako naman ang natahimik sa sinagot mo. Ang bilis mo namang bigyan ng meaning ang salitang "TANGA".
Huminga ako ng malalim tapos tumingin ako sa gawi mo. "We both know that we are going to pay for this.." sabi ko.
"Alam mo ba nung ininom ko yung last bottle ng Gin noon sa Izakaya? Nahilo agad ako tapos tinignan kita tas sayo na umikot mundo ko." Dagdag pa ni Gener.
Sa tuwing tinititigan ko si Gener, kakaibang tuwa ang nararamdaman ko. Masaya ako. Masayang masaya ang puso ko. Mahal ko si Gener at alam kong ganoon din siya sa akin.
"Kasama naman kita hanggang sa dulo nito, 'diba?"
"Oo naman." Pero habang sinabi ko yun sa kanya, nakaramdam ako ng takot. Takot na baka isang araw mapagtanto niya na basta na lamang akong hiwalayan.
Nakarating kami sa ospital kung saan sinugod ang anak kong si Bobby. Bago ako bumaba sa sasakyan ni Gener, hinawakan niya ako sa kaliwa kong tuhod.
"Ipapahiram na muna kita kay Anne. Kailangan ka ng asawa't anak mo. Kailangan ka ni Bobby. Pero sa susunod akin ka naman ha?" Sabi mo. Wala na yung himig ng pagtatampo.
Tango lamang ang naisagot ko bago bumaba. Hindi ko kayang ngumiti dahil alam ko masakit ito para kay Gener. Pinanood ko ang pagharurot mo sa sasakyan. Umaasa ako na balang araw magiging maayos din ang sitwasyon nating dalawa.