Chapter Ten

294 12 9
                                    

Five long years ago, I have packed my suitcases kasabay ng pagsara ng posibilidad na magkikita ulit kami. We blocked, deleted, erase all the memories we ever made together. We parted ways for five long years. Walang contact sa isa't-isa we both flow anywhere the wind blows nakagawa ako ng sarili kong buhay at alam kong ganun din siya.

Ang inakala kong huling gabi na nang pagkikita naming muli ni Gener pagtapos ng concert ay nasundan pa ng isang gabi at nasundan pa muli ng ilan pang mga gabi hanggang sa nakasanayan na at naging tila night routine na naming dalawa. Every night puro lang kami usap tapos beer minsan usap lang pero mas madalas may beer. Tatawa siya. Tatawa kaming sabay tapos iinom ng maraming beer tapos susuka siya tapos tatagay uli tapos kwento nanaman at tatawa uli ganun lang, Aamin ako, whenever Gener's talking, everytime na tumatawa siya, tila nanunumbalik ang lahat ng alaala noon na binaon ko na five years ago. It was gone with the wind but It's all coming back to me ika nga sa kanta ni Celine Dion.

"Sir, extend pa po ba kayo?"

"Oo kuya mga dalawang oras pa kami."

Pangatlong balik na ng crew dito sa KTV room na nirent namin. Naka tatlong beses nading sumagot si Gener na "Mga dalawang oras pa kami" Hinahayaan lang kita ang saya saya mo kase parang ilang taon kang hindi nakahawak ng mic sabik ka sa videokehan.

Habang kinakanta mo yung "Too Young" ni Jack Wagner hindi ko mapigilan ang huwag kang hangaan. Sanay na sanay ka sa kinakanta mo Gener dahil oo nga pala sabi mo sa akin limang taon na ang nakalipas na ikaw lagi ang pinapakanta sa inyo kapag may nag-iinuman. The way you spoke each word kinilabutan ako kase it is really all coming back to me again. Ayaw ko na sana mag reminisce, but I can't help it. Hindi ko alam Gener kung sinasadya mo ba para maimpress ako sayo, pero ano man yang plano mo, lakas ng epekto sa akin.

Sabi sa kanta, "True loves comes once in a lifetime, if it's true then you'll be back in mine" kaya siguro tayo muling pinagtagpo kase baka may pagkakataon na tayo muli na maayos ang gusot nating nakaraan. Binirit mo yung huling line, "I was too young!!!" Tapos sabi mo "Whoo!" Tapos inisang lagok mo yung mojito sa baso mo. May mga pagkakataon na inaaya mo akong kumanta pero tumanggi ako kase mas nag eenjoy akong panoorin ka. Para akong nanonood ng libreng concert ng isang amatuer artist. Natapos ang dalawang oras, tumabi ka sa akin tapos nag aya ka sabi mo lipat tayo sa roofdeck pumayag ako.

"Naging masaya ka ba?" Tanong ko sayo.

"Oo naman, kinaya ko naman nang wala ka eh." Sagot mo tapos uminom ka ng beer.

Hindi ko alam kung dahil lang ba may alak na tayo sa katawan kaya ganito na ang usapan natin.

"Bakit parang malungkot ka?" Tanong mo sa akin. "Hindi ka ba masaya sa asawa mo?"

"Hindi na kami okay ngayon, Gener."

"Hindi na kayo okay? Eh hindi ba siya yung pinili mo kesa sa akin siya pa nga ang inuwian mo tapos ako yung inalisan mo tapos ngayon ganyan isasagot mo hindi na kayo okay?" Ganyan ka kabulgar Gener.

"Nagkamali ako. Siguro kaya tayo pinagtagpo muli kase para talaga tayo sa isa't-isa."

"Sinasabi mo ba na sana ako nalang yung pinili mo?"

"Parang ganun."

"Labo mo, pre."

"Gusto lang kita maging masaya."

"Kaya mo ba ako iniwan noon kase iniisip mo sasaya ako?"

"You should know that there's a big difference between hoping for you to be happy and hoping for you to be with me. If I keep pushing myself to you, I'm not filling up your happiness but instead I'm filling up mine. Ayoko maging makasarili noon Gener. Ayokong may pagsisihan ka bandang huli."

SouvenirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon