Manila, Philippines
Present TimeYou don't meet a person by accident. There is always a reason: a blessing or a lesson. Sa kaso ko, nang makilala ko si Gener I became alive. Much alive. Unang beses nagtama ang aming mata alam ko na siya na ang taong iisip-isipin ko kapag mag-isa ako, siya na ang taong mamimiss ko kapag mag-isa ako, siya na yung taong magpapangiti sa akin yung tipong sa kanya na iikot ang mundo ko, yung tipong gusto mong makausap at makasama. Gener became my life. Pero, nag-iwan naman iyon sa akin ng matinding leksyon, karma is just around the corner.
Anne, my wife always brings out the demon in me. Our relationship is going nowhere. Hindi na kami healthy para sa isa't-isa. Anxiety ruled over us lalo na kapag tinatalakan ako ni Anne nang malaman niya na may kabit ako noon sa Japan. Hanggang ngayon, five years later, Limang taon na anak naming si Bobby ang tingin niya sa akin ay parang hayop.
"Bobby, what's wrong?"
"Daddy, I miss Mommy! I want Mommy!"
"Bobby, diba naipaliwanag ko na sayo ito? Sa weekend makikita mo naman si Mommy eh, ngayon sa akin ka na muna. Ayaw mo ba makasama si Daddy?"
We had this arrangement na every weekend kay Anne si Bobby habang M-W-F sa akin ang bata. Depende na sa bata kung kanino siya sasama kapag T-TH. The truth is, maybe karma is now in session. Hindi na ako umuuwi sa bahay ni Anne. Pumupunta lang ako every 5 am just to see my Son. Mahirap ang ganitong arrangement pero iyon ang utos ng korte.
"Nahihirapan ang bata because of your stupid arrangement!" Sigaw ko kay Anne.
"Ang bata ba talaga o ikaw? Umamin ka na kase na nilalamon ka na ng konsensya mo sa pangloloko mo sa amin ng anak mo!"
"Goddammit, Anne! Limang taon na tayong kasal hanggang ngayon ganyan parin ang tingin mo sa akin? Please, mag mature ka naman kahit para sa bata nalang!"
"Simula ngayon, Eris. Kasal nalang tayo sa papel. Alam mo pasalamat ka hindi ko tinuloy ang kasong ipapataw ko sa kabit mo--" pinutol ko sasabihin ni Anne.
"Hindi mo tinuloy because wala kang matibay na ebidensya! Narealize mo na siguro bandang huli ikaw lang din ang magiging katawa-tawa!"
"Ayoko nang marinig yang kasinungalingan mo Eris! Sawang sawa na akong umintindi sayo. Kapag tinatanong kita galit ka, kapag nilalambing kita inaayawan mo ako eh ano pang ibig sabihin non? Niloloko mo uli ako. Niloloko mo nanaman ako!"
"This conversation's getting stale! Bahala ka na sa kung ano yang pinaniniwalaan mo either way, you are only going to think what you believe. Hindi mo na ako masasaktan sa mga binibintang mo sa akin!"
"Ikaw pa ang may ganang masaktan ngayon after you cheated on me!"
"Oo, Anne. I cheated on you kase hindi niya ako tinignan sa kung ano ang hindi ko kayang gawin but tinitignan niya ako bilang tao. Hindi tulad mo!"
After that pointless point of view, hindi ko mapigilan ang maiyak while I drive myself home. I am renting a small apartment around Cubao. Naiiyak lang ako kapag naaalala ko yung mga sintemyento sa akin ni Anne.
"Ano pare! Hindi ka pa ba uuwi? Umuwi ka na!"
"Ayoko pa wala naman akong uuwian eh."
"Seryoso ba kayo jan ni Anne. Your set up is ridiculous, guys grow up!"
"Tell that to Anne, hindi sa akin."
Naisandal ko ang ulo ko sa manibela. Anne gives me hard time. Lagi nalang niya ako pinapahirapan ng ganito pumayag ako sa set up niya kahit walang kwenta kasi kay Bobby. Dahil nalang sa anak ko kaya ko ito ginagawa.
"At sana naman kapag nag file ako ng annulment wag mo na akong pahirapan."
"Okay."
"Minahal mo ba ako Eris?"
"Ako ba Anne, kahit kailan ba tinuring mo akong asawa?"
"You cheated on me."
"Isang beses lang yon! Limang taon mo na akong hindi mapatawad?"
"Pinaniwala mo ako na hindi mo ako lolokohin pero ikaw pala 'tong magbabasura ng wedding vows natin! How dare you! How dare you, Eris! How dare you break my heart!"
"So ano nanaman 'to Anne, iiyak ka nanaman tapos hahamumin mo ako ulit ng hiwalayan? Tell me, may kaluluwa ka pa ba?"
"You jerk!" You jerk!" Hiyaw ni Anne habang pinaghahampas niya yung dibdib ko.
"Anne, sawa na ako mabuti pang tuluyan na tayong maghiwalay. Kukunin ko si Bobby. Isasama ko siya sa Japan at doon na kami maninirahan."
"Hindi mo pwedeng gawin yan! Hindi mo pwedeng ilayo sa akin si Bobby! Wag mo siyang ipakilala sa kabit mo sa Japan!"
"For the last time. I did not cheated on you ever again. Alam mo sa inaarte mong yan baka manalo pa ako sa kasong isasampa mo sasabihin sayo nang korte na mentally incapacitated ka para alagaan si Bobby."
After that talk, umuwi ako sa apartment ko na lasing. Naging lasenggo na ako dahil kay Anne. My life is a waste! Ang galing din tumayming ng karma ang galing! Isang beses ko lang ginawa habambuhay ko na palang pagsisisihan. I open the radio. Funny kase ang song na nadatnan ko ay ang kantang "Please, Forgive Me" ni Bryan Adams. Napangiti ako kase hanggang ngayon napapasaya padin ako ni Gener.
Pinikit ko ang mata ko sinubukan kong sariwain yung kung paano kinanta ito ni Gener sa Japan. Bumalik ako sa nakaraan yung amoy ng beer, yung suka ni Gener sa sahig at sa jacket ko, yung amoy ng hininga niya lahat yun nanumbalik sa ala-ala ko. Nang matapos yung kanta, naluha ako. I miss you Gener more than I thought I could. Ang hirap palang wala ka, ang hirap palang wala ka na.. I want you back. Bakit sabi nila kung mahal mo pakawalan mo? Bakit mo papakawalan kung pwede mo pa namang ipaglaban? Sana pinaglaban ko nalang si Gener.
"Kiss me before I fucking lose my mind. Wala nang atrasan 'to. Ayoko nang mag take ng risk lalo na at hindi kita makakasama sa future."
Hindi mo ako sinagot. Tapos tinanong ko sayo "Masaya naman tayo diba?"
"Masaya tayo ngayon paano bukas, sa makalawa, pag-uwi mo?"
Ako naman tumahimik. Tapos bigla ka nagsalita, "Mamimiss ba ako?"
"Oo naman."
"Hanggang kailan tayo masaya?"
Sa lahat ng tanong mo, iyan ang mahirap sagutin dahil hanggang sa ngayon, wala pa din ako maisagot sa tanong mo na yan sa akin. That was then, habang nakapikit ako narinig ko ang isang advertisement sa radyo
"Mega Manila get ready for Incubus!"
Agad na napadilat ako that was then, nakaramdam ako ng kaunting pag-asa.
Facebook.com/BaeMeetsDre