Parang kahapon lang dahil hanggang ngayon ramdam na ramdam ko pa din kung paano mo kinanta yung "Please, Forgive Me" ni Bryan Adams. Pang apat na araw ko sa Japan. Unang beses kong malasing. Malasing sa tuwa kasama ka. Bakit sa dinami dami mong kinanta yang kanta na yan ang tumatak sa akin?
Tandang tanda ko yung mga kinanta mo noong gabing iyon nang nag Izakaya tayong dalawa. Lalo na kapag nakakarami ka nang inom tapos ang ligalig mo na tapos sinukaan mo pa nga ako noon eh. Napagkamalan mo pa akong taga immigration tapos sabi mo "Sir, I will renew my Visa soon. Please. Please. Don't sent me to jail. Please."
Tatlong beses mo akong sinukaan Gener. Kaya ang ending, umuwi ako na ang suot ay manipis na t-shirt dahil nasukaan mo din ang jacket ko. Kahit na malamig noon naging init ko naman yung hininga mo habang buhat buhat kita sa likuran ko. Tapos habang buhat buhat kita kumakanta ka pa rin ng "Please, forgive me I can't stop loving you.." sa tono mong Binangonan accent. Hindi ko alam kung concious ka noon pero alam ko parang binulong mo yon sa tainga ko. Naamoy ko yung bango ng fabcon sa suot mong jacket. Kumapit pa nga yon sa damit ko. Hindi ka mabigat Gener kasi nailabas mo lahat ng kinain mo sa loob ng KTV.
Dahil ba gusto ko yung pagkakakanta mo sa parteng "Please, forgive me I can't stop loving you" o baka tumatak sa akin yung mga linyang "I remember the smell of your skin.. I remember everything.. I remember all your moves.. I remember you" Ako ba, mapapatawad mo pa kaya ako kapag sinabi kong mahal parin kita hanggang ngayon Gener?
I still remember those drunken nights. I remember those empty bottles na hindi ko alam kung paano natin naubos. I remember the way you talk with your drunken Binangonan accent kapag lasing ka. Natatandaan ko yung amoy ng hininga mo at kung paano ka magsalita noon. I miss everything about you, Gener. Mananatili nalang siguro lahat ng iyon sa utopian dream ko.
One thing I am sure of is naging gabi nating dalawa yon. Ikaw at ako. Patawarin mo ako noon Gener kasi gusto na sana kita halikan at ikama. Pinigilan ko lang kase lasing na lasing ka talaga. Inaya kita noon spin the bottle kase sabi mo kaya mo pa. Pagdating natin sa apartment mo, sumuka ka ule. Pero pagtapos mo sumuka inaya mo ule ako sa inuman. Sabi mo pa nga "Ikaw, isang round pa tayo!" Dinuro mo pa nga ako noon eh. Yung Binangonan accent mo. Nalaman ko na ganun ka talaga magsalita may alak man o wala. Miss ko na yon, Gener.
Tapos ang sagot ko sayo noon, "Kaya mo pa ba?" tapos ang sinagot mo, "Ang mga taga Binangonan hindi magpapatalo lalo na sa inuman. Ako pa hinamon mo!" Nakakatuwa kase lasing ka na talaga. Lalo kang naging mistisuhin kase sa lamig at ispirito ng alak sa katawan mo.
Ang lakas ng loob mo Gener na magpabili pa ng apat na Sapporo sa 7 Eleven. Binigyan mo ako isang lapad. Sabi ko pa nga, "Laki neto. Sobra 'to." Tapos sagot mo, "Kaya mo na yan. Bili ka na." Pipikit pikit ka na noon tapos namumula. Mapilit ka kaya ang ending napalabas ako at ako na mismo ang bumili ng Sapporo. Gamit ko ang pera ko. Pagbalik ko, nadatnan kita na nakahiga na sa sahig. Ginawa mong panapin yung suot mong jacket. Lumuhod ako ng kaunti para kalabitin ka, "Gener, huy, huy, ano kaya mo pa ba?" Hindi ka sumagot noon kaya tumayo na ako para itabi nalang yung binili kong beer. Pero nahawakan mo kamay ko napatigil ako.
"San ka pupunta? Dito ka lang. Game na." Sabi mo sa drunken Binangonan accent. Kahit na nakapikit ka na makulit ka talaga. Tapos bigla ka bumangon. Umupo ka tapos tinitigan mo ako.
"Alam mo, pogi ka. Sana kung naging babae ka lang, kanina pa kita kinama jan eh." Tapos tawang lasing ka. Pati pagtawa mo mahinahon na may accent.
Matagal ako nakatayo hindi dahil sa hawak mo pa din kamay ko kundi sa sinabi mo na baka ikama mo ako.
"Kaya mo pa ba?" Tanong ko sayo.
"Ako pa ba? Ang mga taga Binango-"
"Ang mga taga Binangonan hindi basta sumusuko sa alak. Oo na alam ko na po." Ako na nagtuloy ng sasabihin mo.