"Eris, minsan pangalan, minsan zodiac sign, minsan kapag nagkamali ka eerisin mo." Unang biro mo sa pang limang araw ko sa Japan. Umaga yon matapos kang mag walk out sa akin.
Meron akong limang dahilan na pinanghahawakan kaya ka nag stay sa piling ko, Gener. Una, Baka hindi uso sayo ang mapagod. Na kahit ilang beses ko nang pinaramdam sayo na parang hindi tayo para sa isa't-isa, nag-aabang ka pa rin. Hinihintay mo na titingin ulit ako sayo, yayakapin ko at bubulong ng "Sorry kanina. Mahal na mahal kita. Alam mo yun."
Parang noong nangyari sa apartment mo hindi ko alam narinig mo pala yung usapan namin ni Anne. Akala ko nakatulog ka na sa kalasingan pero mukhang nalimutan ko yata na laking inuman ka at hindi basta basta mapapatumba. Gener, sa lahat ng nakilala ko ikaw ang talagang tumatak sa puso't isipan ko. Yung angas at lalaking lalaking datingan mo may tinatago din palang soft side kapag pamilya mo na ang topic. Gener, alam mo ba na fan na ako ng buhay mo?
Gener, sabi mo lumaki ka sa inuman kaya ka natuto sa iyong drunken Binangonan accent na may pagkahawig sa pananalita ni Robin Padilla. Sabi mo panga "Kosa" ang call sign natin parang secret code. Lahat ng iyan mananatili sa Utopian dream ko.
"Walang araw akong hindi nagmumura tangina kaseng bibig 'to kiss mo nga." Pangalawang biro mo sa pang limang araw ko sa Japan. Biro nga lang ba yon? Sarap kasing patulan eh.
Kung sasakyan ko yang biro mo gusto ko sana sabihing may hugot song ako para sayo ang title ay "You're right. I left." Kase I already found the right one sa katauhan mo pero I am the one who left you in the end. Mananatili kang number one sa puso ko Gener. Somewhere deep inside my heart may parte doon sa may bandang right atrium ang nakalaan para sayo. Mananatili ka doon walang iba kundi ikaw. Kung may isang bagay man akong dinidipendehan hinihiling ko na sana we stay strong. Patawad kung minahal kita ng sobra kahit na bawal.
"Sorry na." Yinakap kita mula sa likuran. Niyakap ko braso mo tapos naamoy ko yung shampoo mo sa buhok tsaka yung fabcon na kumapit sa suot mong damit. Gusto ko sanang halikan yung batok mo pero nagpigil ako. Ayokong isipin mo na pervert akong tao. Ayokong masayang ang kagaya mo Gener hindi mo yon deserve. I care Gener and I miss you. A lot.
"Sakit pala umibig. Wala pang isang linggo na magkakilala tayo nahulog na agad ako. Wala pang isang linggo yan 'eto na nalaman ko sayo paano pa kaya sa mga susunod pang linggo? Baka malaman ko na isa sa inyo baog kaya naghahanap ka ng iba." Ramdam ko doon yung tampo mo mula sa iyong Binangonan accent. Lakas mong maka Robin Padilla, Gener.
"Please, hindi ako sa kung ano yang inaakala mo." Inalis mo yung pagkakayakap ko sayo. Humarap ka sa ibang direksyon. Yung hangin naamoy ko yung fabcon ng damit mo.
"Alam mo ba, first time our eyes met, alam ko na I already did found the right one. I know this sounds stupid but It's real. This is crazy pero sana paniwalaan mo na hindi kita niloloko."
Tandang tanda ko noon hindi mo ako kinikibo. Nanood ka noon ng mga past games ng Ginebra na paborito mong PBA team. Hobby mo ang magbasketball tuwing hapon pagtapos mo manood ng Showtime. Kwento mo noon na may maliit na court kayo sa may likod bahay nyo na nakasabit sa poste ng meralco yung ring habang napapalibutan kayo ng kawayan at ilog. Siguro mga halos apat na oras mo akong hindi kinikibo. Nakaubos na ako ng kalahating kaha ng yosi pero hindi mo talaga ako kinikibo. Abala ka sa pinapanood mong past games ng Ginebra. Literal na nakalimutan mo ako sa loob ng apat na oras.
"Saan ka pupunta? Dito ka lang..." Magbabanyo sana ako. "Sa tabi ko.." napangiti ako. Alas sais yon. Tandang tanda ko na ang oras 6:17 pm sa Japan. Tapos lihim akong napangiti tapos sabi ko sa sarili ko "Hindi mo rin ako natiis. Pabebe."
Mabilis pa sa alas kwatro na lumapit at tumabi ako sayo. Ewan ko ba parang nakisama din yung kidney ko at hindi ako bigla naiihi. "Miss mo ko no?" Bungad ko sayo. Nanood ka pa din ng laban ng Ginebra.
"Mahilig ka ba mag basketball?" Tanong mo pero hindi mo ako nililingon o tinitignan.
"Hobby lang. Tsaka para sa body built na din." Sagot ko.
"Mahilig kasi ako sa basketball noon pagtapos ko tulungan si nanay sa maliit na karinderia niya. Kase ganito yon pagkagising ko tutulungan ko si nanay mag gayat tapos kapag ayos na mag-uurong naman ako tapos pagtapos syempre maaga ka nagising mahihiga ka sa hapon manood ka showtime tapos pagdating ng hapon basketball na." Kwento mo. Pinakinggan ko pa din kase ang sarap mong panooring magsalita. Yung drunken Binangonan accent mo na ala Robin Padilla.
"Nagtatampo ka ba sa akin?" Direkta kong tanong sayo. Hindi naman sa ayaw kong pakinggan yung kinikwento mo pero gusto ko lang din malaman baka may tampo ka sa akin. Ayaw ko kasi mangyari yon Gener.
"Asar ako sayo." Sabi mo.
"Mapapatawad mo ba ako?"
"Kung hindi ka na magsisinungaling sa akin. Baka."
"Baka? So hindi ka pa sigurado?"
"Baka mamaya may responsibilidad ka na pala sa Pinas tapos tinakasan mo lang kaya ka andito sa Japan. Baka mamaya lumabas pa akong kabit mo."
"Wow. Tibay mo naman mag-isip. Advance."
"Naniniguro lang."
"Sorry na."
Tapos bigla mong sinabi.. "Eris, minsan pangalan, minsan zodiac sign, minsan kapag nagkamali ka eerisin mo." Tapos tumawa ka yung drunken Binangonan accent mo.
"Talaga?" Sabi ko naman. "Buburahin mo na ako sa buhay mo?"
Tinignan kita Gener pero hindi ka man lang lumingon sa gawi ko kahit na magkatabi tayo. Alam ko hindi ka na nanonood ng replay ng PBA. Hindi mo ako sinagot..
Gener, masakit sa akin na nagkakaganyan ka. Mali na ako inaamin ko sayo yun pero sana pakinggan mo naman na hindi ko naman intensyon na lokohin ka o gaguhin na tulad ng iniisip mo. Hindi ako baog Gener. Wala sa amin ng Fiancé ko ang baog. Gener hindi pa pwedeng ikaw ang nakilala ko na ayaw ko nang mawala?
Pangalawang matibay na dahilan kung kaya ka nag stay sa piling ko kase baka natatakot lang ako. Natatakot ako na mawala ka sa akin kaya ayokong umalis. Umaasa ako na pwede pang magbago. Umaasa ako na pwede pang maayos ang lahat. Natatakot akong mawala ka kasi mahal na mahal kita.
Tinitigan kita sinubukan kong hawakan ang iyong kamay pero bago ko pang nagawa yon napatingin ka na sa gawi ko that when I mouthed to you "I'm sorry"
"Kahit ano pang sorry mo, wala na narinig na ng tainga ko, Eris. Hindi na mabubura ng sorry mo yung laman na ng utak ko tsaka sinaktan mo ako eh." Sabi mo pero hindi mo ako tinitignan man lang. "Tatak na yun sa akin."
"I did not mean to crush you, Gener.. I am so sorry, will you still forgive me kosa?" Sa wakas, hinayaan mo na akong hawakan yung kamay mo.
"Only if you remain. Only if, Eris. Only if."
Kung nalalaman mo lang ang tumatakbo sa isipan ko habang sinabi mo sa akin yan noon. I know I did hurt you pero hindi ko naman intensyon na lokohin ka sasabihin ko naman sayo eh, yun nga lang, nalaman mo ng mas maaga sa inaasahan.
Facebook.com/BaeMeetsDre