Chapter Seven

358 10 8
                                    

Day 6, Urayasu, Chiba, Tokyo Disney Resort (東京ディズニーリゾート)

Dark times, hard times dumadaan din tayo sa ganyan, nagkakatampuhan din tayo. Magagalit ka syempre ako naman susuyuin kita kase ayaw ko magagalit ka sa akin. Sinusuyo kita na parang may tayo, katulad ng ibang couple jan. We started acting like a real couple simula nang magtampo ka sa akin noong nalaman mo na I have Anne as my Fiancé sa Pilipinas.

Niyayakap kita at hinahalikan na akala mo na talagang tayo. Nagtatabi tayo sa kama mo inuubos ko ang oras ko sayo na parang tayo. Sinasamahan kitang magpuyat at magpakalasing na akala mo tayo. Sinasamahan kita sa lahat ng lakad mo, nag-aalala ako sayo na akala mo talagang may tayo. Pinapakinggan ko yung mga kwento mo na parang tayo. Tumatawa ako sa mga jokes mo na parang tayo. Sumasabay ako sayong kumain na parang tayo. I started to care about you as If we are a real couple. Hindi nga lang tayo nagsasabi ng I Love You sa isa't isa pero alam kong alam mo na ginusto mo rin 'to. Walang kasiguraduhan pero masaya. Isa itong big leap of faith para sayo Gener. I understand your part. I'll always hold your hand na parang ako na ang lalaking para sayo. Tinititigan kita na akala mo may assurance na magtatagal tayo.

"Pwede naman natin gawin lahat eh, wag lang yung isang bagay, just don't ever make me promises." Sabi mo noong nasa Disneyland tayo.

"Edi mamahalin nalang kita sa kung ano kaya mong ibigay." Sabi ko sayo tapos tinitigan kita. Hindi ka nakatingin sa akin eh naglalakad kasi tayo.

"Kung mahal mo ako dapat ako piliin mo." Sabi mo habang naglalakad tayo tapos naaamoy ko yung fabcon sa suot mong maroon jacket.

"Kung mahal mo din ako, bakit pinapapili mo ako?" Sagot ko naman.

You always makes me smile. You always gives me this feeling na hindi ko mapaliwanag but one things for sure, you will never be mine. Mananatili ka nalang talaga sa utopian dream ko. Kahit na mahal na mahal mo pa ang isang tao kung hindi para sayo, hindi para sayo. Not everyone you love will stay kase alam mo na may Fiancé ako alam mo na siya at siya parin at mas pipiliin ko kase nga sabi mo I'm just being "Responsible." Not everyone you trust will be loyal kase alam ko may tiwala ka sa akin at alam kong alam mo din na hindi ako magiging loyal sayo 24/7 kase I have Anne. Maghahati ang loyalty ko sa inyong dalawa.

"Ayokong mangako. Kung ano lang yun kaya ko yun lang ang maibibigay ko. Sana kuntento ka na sa kung anong kaya ko." Sabi mo habang pinapatapos natin yung Disney parade. Pinapatapos kase hindi naman talaga tayo nanood.

"Marunong naman akong makuntento." Sabi ko pabulong sayo.

Ngingiti ka pero may halong lungkot. "Sinasabi mo lang yan para paasahin ako."

"Wala ka bang tiwala sa akin?"

"Wala, walang salita ang magiging sapat para malaman mo kung gaano kasakit yung pinaramdam mo sa akin, Eris. Tuturuan ko na muna ang sarili ko na magtiwala kailangan ko na munang pagkatiwalaan ang sarili ko bago ako magbigay ng tiwala sa iba."

"Willing naman ako mag-antay eh."

"Hindi eh, pero sana naisip mo man lang na yang Fiancé mo at ako ay magkaibang tao! Kaya mo lang ba ako ginaganito kase hindi mo nakuha yung gusto mo sa Fiancé mo ngayon?"

"Gener, gusto kong mapunan yung kulang sa puso ko kase nakita ko yon sayo."

Naiyak ka lalo. Hindi ko alam pero naiba yata yung interpretasyon mo sa sinabi ko ang sabi mo, "Wag mo akong mahalin para lang gawin mong pantasya. Hindi mo talaga ako mahal Eris so please, let me go kailangan ko ring lumaya."

"Gener, wag naman oh."

"Ang hirap kase sayo pinagsasabay mo kami. Sana matuto kang mamili kung sino sa amin ang mamahalin mo. Anong laban ko sa Fiancé mo? 5 years yon! Ako? Thirty days lang!"

"Pakinggan mo naman ako Gener please. Wag.. wag ka namang ganyan oh." Hindi ko na rin mapigil maluha kase alam ko ramdam ko na iiwan mo na ako.

"Alam mo kase Eris naniniwala ako na ang tunay na pagmamahal hindi nakakapanakit." Tapos hinarap mo ako. Umiiyak ka Gener, napupuno na ng luha yung mata mo pero alam ko, nagpipigil ka lang. "Kaya kung yang pagmamahal mo magiging dahilan para may ibang masaktan, mas magandang magparaya ka nalang."

"So, iiwan mo ako ganun?" Sinubukan kitang lapitan tapos aakapin sana kaso bigla mong pinigilan tapos sabi mo sa akin na natatandaan ko pa hanggang sa ngayon...

"Wag mo kong lalapitan tapos yayakapin na parang wala tayong problema, wag mong gawing casual ang lahat. Sige, ako nalang ako nalang ang masasaktan maging masaya ka lang."

Gustong gusto na kitang akapin sa mga oras na iyon Gener wala man lang akong maitulong baka sa simpleng yakap ko baka.. baka lang naman gumaan ang pakiramdam mo. But you wouldn't let me. You wouldn't even let me touch you. Masakit Gener kase naging close minded ka noon but I know I derserve it. Hindi madali yang pinagdadaanan mo.

And that was it. Our first break up. Six days in total. Nag walkout ka muli sa akin sa pangalawang pagkakataon. At sa unang pagkakataon sa buhay ko, naramdaman ko yung guilt feeling kasabay nang pakiramdam na panghihinayang. Gusto sana kitang habulin pero hinayaan ko nalang. Masakit pero may mga bagay na kahit anong pilit natin kung hindi talaga para sa atin, hindi talaga. Somethings are really just not meant to be parang tayo, pinagtagpo pero hindi itinadhana.

Facebook.com/BaeMeetsDre

SouvenirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon