03

10.7K 252 3
                                    

Ramdam kong may humahaplos sa buhok ko. Hindi ko alam pero magaan ang loob ko.

Gusto ko pa sanang maramdaman ang haplos niya pero bigla akong nakakaramdam ng pagsusuka kaya walang pag aalinlangang napaupo ako at mabilis na tumakbo sa pinto na unang nakita ko.

Pagbukas ko ay nakita kong puro damit kaya naghanap ulit ako ng pinto at pagbukas ay isang hallway ang nakita ko. Huling nakita ko ang pinto na nasa kaliwa ng higaan kaya mabilis akong tumakbo doon at nakita ko ang toilet bowl kaya mabilis akong lumuhod at sumuka.

Naiiyak ako, ang sakit sa sikmura. Umiiyak ako habang sumusuka, isang buwan na akong sumusuka tuwing umaga pero hindi pa rin ako sanay.

Naiisip ko palang ang pakiramdam nung unang beses akong magsuka sa bagong bahay na inuupahan ko, parang hindi ko na kakayanin.

Hindi ko nakayanan at nanlalambot ang buong katawan ko, muntik na akong bumagsak pero may lalaking sumalo sakin at inalalayan akong sumuka. Pagkatapos ay iniabot niya sakin ang baso ng tubig, walang pag alinlangan ko itong kinuha at nag mumog para matanggal ang amoy ng suka sa bibig ko.

Nakita ko namang ini-flash ng lalaki ang isinuka ko kaya agad akong napatingin sa kanya.

Nang mapatingin ako sa mukha ng lalaki ay biglang nanlaki ang mga mata ko. Gulat na makita ang taong nakasama ko ng gabing yun. Natatandaan ko pa ang mukha niya at hindi ako nagkakamali. Siya nga yun. Ang ama ng anak ko.

Kusa ako napaatras kaya tumama ang likod ko sa inidoro, bigla akong napa aray dahil dun.

Lumapit naman sakin ang lalaki at binuhat ako palabas ng banyo. Dahan-dahan na inihiga sa malawak na kamang kulay puti na may nakalinya sa gilid na kulay asul.

Maganda sa mata ang kuwarto, pati kama. Ang mga unan na kulay asul. Ang buong kuwarto na kulay puti pero halos mga disenyo ay kulay asul.

May balkonahe din na natatakpan ng manipis na kurtinang kulay puti na may disenyong kulay asul rin.

Napakagandang pagmasdan sa mata. Hindi ko maipagkakaila ang paghanga na nakikita ko sa buong kuwarto.

Tiningnan ko ang lalaki na nakatingin lang sa reaksyon ko. Ang kulay brown na mga mata niya. Medyo tan na balat at maskulado. Ang tatoo na nakaikot sa buong braso niya na dragon.

Siya nga ang lalaking iyon, ang ama ng anak ko. Siya nga.

"Ikaw" tanging lumabas sa bibig ko habang nakatingin sa kanya.

Nakakagulat, paano niya ako nahanap? Bakit niya pa ako hinanap? Hindi ba siya nagsisisi sa nangyari nang gabing yun? Hindi niya ba ako pandidirihan katulad ng iba?

"Yes, it's me. How have you been?" Saad niya habang nakatitig sakin

"Its been 2 months" saad niya sakin.

Tama, dalawang buwan na ang lumipas ng mangyari yun. Hindi ko alam pero natatakot parin ako.

Napayuko ako at iniisip ang mga nangyari sakin. Napangiti ako ng mapait.

"Mm, dalawang buwan na nang mangyari yun. Bakit mo pa ako hinanap?" Mahinang sabi ko habang nakayuko. Natatakot ako na baka sabihin niyang disgrasyada ako, na baka sabihin niyang ang landi ko, na baka pandirihan niya ako katulad ng ginawa ng mga taong nakakaalam ng pagbubuntis ko.

Hindi ko man aminin pero mas masakit isipin na mismong ama ng anak ko ang titingin sayo na parang sinasabing nakakadiri akong tao.

Hindi ko alam kung nasaktan lang ako ng sobra sa mga nagdaang araw o emosyonal lang ako dahil buntis pero unti-unting tumulo ang luha ko.

Habang inaabangan ang sasabihin niya, natatakot akong malaman kung ano ang gusto niyang sabihin pero masaya akong nakita ko ulit siya.

Inangat niya ang kanyang kamay, sa takot ko na inakalang sasaktan niya ako ay mariin akong napapikit. Hinihintay na sampalin niya ako pero naramdaman ko nalang na hinawakan niya ang baba ko at iniangat ang mukha ko para magtagpo ang tingin ko sa kanya.

"Why are crying?" Tanging lumabas sa bibig niya. Hindi ko inaasahan ang sasabihin niya kaya napatingin ako sa mga mata niya.

"Stop crying, I won't hurt you" saad niya at pinunasan ang mga luhang pumatak sa mukha ko.

"B-bakit?"umiiyak na tanong ko sa kanya

"Anong bakit?"

"Bakit hindi ka galit? Bakit hindi mo ko pinandidirihan? Bakit hindi mo ko pinagsabihan ng masasakit na salita? Bakit hindi mo ko sinaktan? Bakit---"

"Shhh" pagpapatigil niya sakin

"I won't do it, I won't hurt you." Sa sandaling lumabas ang mga salitang yan sa kanya ay hindi ko mapigilang umiyak ng husto.

Meron pa, meron pang taong hindi ako tiningnan ng katulad ng iba. Hindi niya ako sinaktan.

Pakiramdam ko ang sama-sama kong tao, naaalala ko ang ginawa ko nung nalaman kong buntis ako.

Sa ginawa kong yun parang pakiramdam ko gusto ko nang mawala sa mundo dahil sa kahihiyang ginawa ko. Ang sama-sama ko.

"Sorry, sorry, sorry" paulit ulit akong nanghihingi ng tawad sa kanya. Alam kong matindi ang ginawa ko. Ginusto kong patayin ang bata.

"Hey, hey. Why are you apologizing?" Nag-aalalang tanong niya sakin

"Patawad, hindi ko sinasadya. I'm sorry. Patawarin mo ko"

"Calm down, and tell me what happened" pagpapakalma niya.

Pero nang sinabi niya yun ay bigla akong napahagulhol.

Niyakap niya ako pero patuloy ako sa pag-iyak.

"Shhh, stop crying. Tell me, what happened?"tanong niya sakin

"I'm sorry" ang bigat sa pakiramdam, ngayong kaharap ko na ang ama ng anak ko, anong sasabihin niya kapag nalaman niyang sinubukan kong patayin ang magiging anak namin?

Magagalit na ba siya? Paaalisin na ba niya ako?

"Patawad, hindi ko kasi alam ang gagawin ko. Sinubukan kong patayin ang bata na nasa sinapupunan ko nang malaman kong buntis ako. Sorry" umiiyak ako ang sinasabi sa kanya na nagsisisi ako. Alam ko namang mali.

'Baby, mapapatawad mo kaya si mommy kapag nalaman mo na sinubukan kang patayin ni mama?'

Humiwalay siya sakin at pinunasan ang mga luhang nagpapatakan sa mukha ko habang pinagpatuloy ko ang sinasabi ko.

"Nagulat ako noon, hindi ko alam ang gagawin ko. Siguradong magagalot si auntie pag nalaman niya to, ang bata ko pa para magkaanak. 20 palang ako at graduating palang ng college. Hindi ko alam ang gagawin ko ng araw na yun. Nakakalito, nakakatakot. Mahaharap ko ba ang mga kaklase ko kapag nalaman nilang buntis ako? Kung sarili kong kaibigan tiningnan ako na parang may sakit ako at ang sama kong tao. Ang sakit lang kasi, nalilito lang naman ako. Lahat ng taong nakakaalam pinag uusapan ako na para bang salot ako. Natatakot ako, at yun lang ang naiisip kong paraan" umiiyak na sumbong ko sa kanya.

Parang medyo gumaan ang loob ko ng may kakampi na ako, pero magiging kakampi ko pa ba siya ngayong alam na niya ang ginawa ko?

"Gladys, right?" Mahinahong tanong niya. Napatingin ako sa mga mata niya habang humihikbi.

"I'm not angry so don't cry"

You Are MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon