32

6.7K 142 1
                                    

Hindi pa sumisikat ang araw ay gising na si Harry, ang hari ng entertainment industry. Mayroon itong kausap sa telepono at mukhang seryuso ang pinag uusapan ng mga ito.

Maya-maya pa ay mabilis na nagbihis si Harry at umalis sa kanyang mansiyon at pumunta sa isang resort at nakikipagkita sa isang lalaki na inutusan niyang mag imbestiga sa babaeng si Gladys.

"Sir, the DNA test is positive. Gladys Reign Entigro is your biological daughter. " pagrereport ng investigator kay Harry at ibinigay ang mga papeles.

"The result of the investigation says that she grew up with only her aunt named Teresa. Base sa imbestigasyon ay ang alam lamang ni Gladys ay kaibigan niya ang babaeng nagngangalang Jamie Santos pero ito ay ang tunay na anak ni Teresa. Ayon sa mga nakakakilala sa kanila noon ay malaki na si Gladys, nasa edad 1 taon na ito mahigit nang makita ng mga tao na dala siya ni Teresa Entigro."

Habang nagpapaliwanag ang lalaki ay lihim na napakuyom ang kamao ni Harry. Gusro niya talagang malaman kung sino ang walang hiya na dumukot sa anak niya. Bakit nito kinuha ang kanyang anak at ano ang motibo nito. Hanggang ngayon kasi ay wala pa ring lead kung sino ang kumuha sa anak nila pero na kay Teresa lang pala ang bata.

"Positive din ang resulta na anak ni Teresa Entigro si Jamie Santos. Dalawang taon ang tanda nito sa anak mo. Habang sinusubaybayan ko itong si Jamie Santos ay mukhang may hindi pagkaka-unawaan ang dalawa dahil hindi na ito nagkikita. Samantalang si Gladys naman, medyo nahirapan pa ako makakuha ng hibla ng kanyang buhok pero nakausap ko ang kasama nito na si Alexander Ramirez"

Napatingin si Harry sa lalaki ng banggitin nito ang pangalan ng bunsong anak ni Lerrione. Nangunot ang noo nito at nagtatakang nagtanong sa investigator.

"What do you mean?"

"Sir, nakipag ugnayan po ako kay Alexander Ramirez tungkol sa pagkuha ko ng DNA test ni Gladys pero meron siyang demand, iyon ay kailangan ko ding sabihin sa kanya ang resulta"

"So? What happened?"

"Nahuli niya po kasi ako at mabilis siyang kumilos para makakuha ng impormasyon sakin. Sa katunayan ay naghihinala ako sa katauhan nito, mukhang kasali siya sa ibang organisasyon"

"Then, what is his connection to my daughter?"

"Sa totoo lang ay may hindi magandang balita tungkol dito. Remember the accident in the party of Mr. Maldives? She is your daughter, she miscarriage that night" pagbalita ng lalaki

"What? My supposed to be grandchild died?"

"Yes sir, and the father of that child is Mr. Alexander Ramirez. Also, when I investigated the accident, I didn't discover anything. Mukhang may pumigil sa pagkalat ng balita at mabilis itong nakalimutan ng mga tao"

"Forget about that, I want to know my daughter's life"

"Sa ngayon ay nakatira ito sa mansiyon ni Alexander Ramirez, kaibigan niya rin ang bunsong anak na babae ng mga Maldives. Bukod sa nakunan siya ay hindi na siya lumalabas ng mansiyon" paliwanag ng lalaki kay Harry.

"I want you to investigate the accident in the past. I want to know who the hell kidnapped my daughter 19 years ago"

******************
Time: 8:43 pm

Sa opisina naman ni Alex, mariin itong nakatitig sa resulta nang DNA Test ni Gladys.

Masaya ang binata dahil nalaman na niya ang totoong pagkatao ng dalaga at may halo rin itong takot at lungkot, paano nalang kung kukunin siya ng kanyang tunay na pamilya sa kanya?

Napabalik sa realidad si Alex ng biglang tumunog ang cellphone niya, unknown number ang nakalagay dito ngunit na puno ng koryusidad ang binata kaya walang imik niyang pinindot ang answer button.

Pagkasagot ng tawag ay wala itong ibang naririnig kundi ang mga mahihinang kaluskos lamang sa kabilang linya. Hindi alam ni Alex ngunit bigla itong kinabahan lalo na ng marinig ang ungol na para bang nahihirapan.

Mahihinang ungol ng ibang lalaki na para bang pinahihirapan sila, nang bigla nalang siyang nakarinig ng malakas na paghampas ng matigas na bagay sa katawan ng isang babae, napasigaw naman ito at kasunod ay narinig niya ang nakababasag na sigaw ng isang babaeng nanghihingi ng tulong.

"Wag!!" Sigaw ng isang dalaga at hindi nagkakamali si Alex, kaboses nito si Gladys.

Para makasigurado ay tumawag pa ulit si Alex sa cellphone ni Gladys ngunit walang sumasagot rito, tumutunog lamang ito.

Mabilis na tumayo si Alex at kaagad na tumakbo palabas ng opisina nito. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib, parang wala na itong marinig kundi ang malakas na tunog lamang ng kaba sa kanyang dibdib.

Hindi niya kakayanin kung may mangyari na namang hindi maganda sa babae.

Pagkarating nito sa parking lot at kaagad na pumasok siya sa sariling sasakyan at mabilis itong pinaandar.

Sa kabilang dako naman ng parking lot, may anino na tahimik na nagmamatyag sa kilos ng binata. May nakalagay na itim na bagay sa kanyang tainga.

Nang makita niya na nakasakay na ang lalaki sa sasakyan ay napangiti ito at napahawak sa earpiece niya.

"Mission Complete" bulong ng anino at tumalikod na.

Si Alexander naman ay kabang-kaba at hindi alam ang gagawin, sobra-sobra ang takot nito sa maaaring mangyari sa dalaga.

Hindi naman napansin ni Alexander ang mga kotse at motor na nakasunod sa kanya, nang madaanan niya ang kalsada na may katabing bangin ay doon na niya napansin ang mga sasakyang kanina pa sumusunod sa kanya.

Napalaki ng mata si Alexander at pinabilis ang sasakyan ngunit kahit anong gawin nito ay nakasunod pa rin ang mga ito. Masyadong mahaba ang daanan na may bangin, nang nasa may bandang ilalim na sila ng dagat ay mabilis na ipinaikot ng isang kotse at inunahan ang kotse ni Alex.

Mabilis din namang isiniksik ng isa ang kotse ni Alex malapit sa may nag sisilbing harang ng bangin at kalsada.

Pilit na pini-preno ni Alex ang sasakyan ngunit sa kasamaang palad ay ayaw nitong gumana. Mahigpit na lamang na napahawak sa manobela ng sasakyan si Alex at ipinalangin na sana kahit nasa panganib siya ay nasa mabuting kalagayan ang babaeng mahal na mahal niya.

Kasabay ng malakas na pagbangga ng puting sasakyan sa sinasakyan ni Alex ang malakas na pagkahulog nito sa ilalim ng bangin at gumulong-gulong ito papunta sa malalim na dagat.

Sa malakas na tunog na *boooom!* ay malakas na sumabog ang sinasakyan ni Alex at napahinto ang mga sasakyan na may kagagawan ng lahat.

"Check the car, we can't leave until we cannot confirm that he is dead!"

Mabilis na sumunod ang ilan sa utos ng lalaki. Sumuong sila sa may bangin ngunit lumubog na ang nagbabagang sasakyan ni Alex.

Napailing na lamang ang nangunguna sa kanila sabay hawak sa earpiece nito.

"We can't confirm if he's dead or alive." saad ng lalaki at mabilis silang umalis sa lugar na iyon.

Sa mansiyon naman ni Alex kung nasaan si Gladys ay hindi maipaliwanag ng dalaga ang nararamdaman. Parang may masamang nangyari.

Nang makuha ng dalaga ang cellphone niya ay nakita niya ang isang missed call ni Alex, nagtataka naman ang dalaga dahil hindi naman tumatawag ng ganitong oras ang lalaki pero tumawag naman pabalik ang babae ngunit wala namang sumasagot.

Tinawagan niya si Cloud ngunit sabi nito ay nagmamadaling umalis si Alex kanina at hindi sinabi kung saan pupunta.

Malakas ang kabog ng dibdib ng dalaga, hindi ito mapakali sa upuan hangga't sa umabot na ng hating gabi at nahihirapan pa rin itong matulog, nasanay kasi ito na palaging nasa tabi nito ang lalaki.

Pero biglang may malakas na nagbukas ng pintuan ng kuwarto at nakita nito sina Macy, Chris, Xian at Chain na namumutla habang hinihingal at nanginginig na nakatingin kay Gladys.

You Are MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon