56

5.4K 109 5
                                    

Mabilis na lumipas ang mga segundo, naging oras naging araw, mga araw na naging buwan.

Isang buwan na naman ang lumipas. Anim na buwan nang buntis si Gladys, tatlong buwan na ring buntis si Jenna, isang buwan nang nakatira si Angel kasama sina Alex at Gladys.

Malaki na rin ang ipinagbago ni Angelo simula nung dumating si Vanessa, bumalik na ang dating masayahin nitong itsura. Mas naging masigla siya. Palaging may pumupuntang doktor upang i-check up si Angelo.

Konting buwan nalang at maging maayos na si Angelo. Nang dahil sa drugs na nasa katawan nito ay nakakagawa ng hallucinations ang utak niya at nakakapag isip ng kung ano ano.

Laking pasasalamat lamang nila ng hindi na malala ang kalagayan ni Angelo, palaging nakaalalay si Vanessa sa lahat ng bagay.

Sa pagsikat ng araw ay tumunog ang cellphone ni Vanessa, mabilis namang nagising ang dalaga at nakita ang pangalan ng caller. Kaagad siyang tumayo at nagtungo sa veranda upang maiwasan na marinig ni Angelo ang usapan nila.

"Honey?"

"Mommy!" Masiglang sagot ni Angel sa kabilang linya na nagpasaya kay Vanessa

"Honey, how are you? Did you miss me already?"

"Yes, I already miss you. Why can't I see you? I want to see you mommy" pagtatampo pa ng bata.

"Don't worry honey, I will see you soon. After this, I will come back then I have a big surprise for you" malambing na saad ni Vanessa.

Siguro nga ito na yung tamang pagkakataon na malaman ni Angelo na may anak sila.

Hindi alam ni Vanessa na nakatayo si Angelo at nakikinig sa sinasabi ng babae.

"Honey, I miss you so much. I will come back and will give you big hugs and kisses" masayang sambit ni Vanessa na nagpakuyom ng kamao ni Angelo.

Huwag niyang sabihin na may ibang lalaki si Vanessa pero bumalik parin siya pinaglalaruan lang ba siya nito?

"Huh? You want your surprise now? Why?" Rinig pa niyang sambit ulit ni Vanessa at ang masayang tawa nito

Mabilis na tumalikod si Angelo at bumalik sa kama at masama ang loob na nakaupo rito, sakto rin naman na pumasok sa loob si Vanessa at balak na sanang gisingin si Angelo pero nakita niya itong nakaupo sa higaan at madilim ang tingin sa kanya.

Napatawa na lamang nang mahina ni Vanessa at lumapit sa lalaki. Hawak ang kanyang cellphone ay itinapat niya ang speaker sa tenga ni Angelo na ikinagulat naman ng lalaki

"Hello? Mommy? Are you with daddy? I want to talk to him!" Demand pa ni Angel

"He's here honey, he's listening"

"Really? Daddy? Are you listening?"
Napatingin naman si Angelo kay Vanessa na nanlalaki ang mga mata ngunit ngumiti lang ang babae

"Hello?"sambit ni Angelo

"Waahh! I have a daddy! I just heard his voice! Uncle! Uncle! I'm currently talking to my daddy!" Masiglang sigaw ni Angel at excited na tumakbo kay Chain

"Daddy! Daddy can I see you? Can I meet you? Can I go where you are? Daddy?" Sunod-sunod na tanong ng bata at excited na hinihintay ang sagot ng ama.

Mabilis namang napatawa si Angelo sa batang nasa kabilang linya.

"Yes, where are you?"

"Uncle! My daddy said yes! He said yes! Daddy I'm going to your place! Your place!" Bibong sigaw ng bata na nagpatawa ulit kay Vanessa at Angelo

"Alright honey, be good. We will wait for you here okay? We'll hung up now" sambit ni Vanessa

"See you sweetheart" saad din naman ni Angelo

"See you! Bye-bye!" Pagkatapos ay namatay na ang tawag.

Pagkatapos ng tawag ay nagtataka namang tumingin si Angelo kay Vanessa.

"She's our daughter. Nung umalis ako ay buntis na ako nun, at ikaw ang ama. She's turning six this year and she looks like you" masayang turan ni Vanessa

"What is her name?"

"Angel, our angel" sabi ni Vanessa at niyakap niya ang lalaking ngayon ay masayang masaya dahil sa kanyang nalaman.

Malapit ng mag gabi nang may bumusina sa labas ng gate ng mga Ramirez. Kaagad na pinagbuksan ito ng mga katulong at lumabas doon si Chain at si Angel.

Sina Valentine naman at Lerionne ay nagtataka kung bakit masayang masaya ang kanyang anak ng makarinig ng busina ng sasakyan. Baka may hinihintay lamang na bisita.

Laking gulat nila ng makarinig sila nang boses ng bata.

"Mommy? Daddy?"

Tumayo naman agad ang dalawa at tumignin sa may pinto, si Vanessa naman ay ngumiti lamang pati na rin si Angelo

Pumasok ang isang lalaki at ang isang batang babae na nasa edad lima hanggang anim na taon.

Nang makita nito si Vanessa ay mabilis itong tumakbo at tumalon sa mga bisig ng kanyang ina.

"Mommy! I miss you!"
Napatawa na lamang si Vanessa

"Baby, your daddy is beside me. Don't you want his hug?" Nakangiting sambit ni Vanessa

Nagliwanag naman ang mga mata ni Angel at napatingin sa katabi ng kanyang ina.

"Your my daddy?"

Tumango naman si Angelo at ngumiti sabay extend ng mga kamay nito, mabilis naman na yumakap si Angel at halos ayaw na humiwalay sa kanyang ama.

"Baby, did you already forgot about your mommy just because you have your daddy now?" Kunwaring pagtatampo ni Vanessa na nagpatawa lang nang mahina kay Angelo

Hinapit ng lalaki sa bewang si Vanessa at hinalikan ang pisngi nito ng buong pagmamahal.

"Daddy! Kiss me too! You can't be unfair!" Turan ng bata na may kasama pag pagnguso na nagpamukhang cute sa batang babae

"Alright, alright. Daddy loves you too" sagot ni Angelo at hinalikan ang ulo ni Angel

Sina Lerionne at Valentine naman ay napanganga sa nasaksihang eksena. May apo na pala sila matagal na?

Kung ganon ay isa itong malaking balita ngunit kapag nalaman ito ng kalaban ay madadamay ang bata, mabuti pang sa ngayon ay huwag munang ipaalam sa iba.

Pagkatapos ng gulo ay i-a-announce sa lahat ang tungkol sa kanilang apo at mga magiging daughter-in-law na din at magkaroon ng malaking selebrasyon para sa gaganapin.

Napakasaya sana kung walang gulo, hindi maiwasang malungkot ni Vanessa, kung sana ay buhay pa ang kanyang panganay na anak ay siguro masaya silang lahat.

Nakakalungkot lamang talagang isipin na sa kanilang henerasyon nagsimula ang lahat ng kaguluhan na pati ang mga anak nila ay nadadamay na sa mga problema nila noon.

Ngayon ay mga anak na nila ang sumalo ng mga problemang umusbong sa sama ng loob, nadamay na ang buong pamilya nila ngunit isa lang ang maipapangako nila. Pagkatapos ng gulong ito ay wala nang kasunod pa. Sana.

You Are MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon