36

6.3K 162 0
                                    

Sa tunog nang tilaok ng manok ay nagising si Alex o kilala sa probinsya bilang Gabriel.

Gwapo kasi at matalino kaya kaagad nakilala nang buong baranggay. Nakita kasi ng pamilya ni David si Gabriel sa tabi ng dagat.

Kasalukuyang nag aalmusal si David at alex.

Maya-maya lang ay dumating ang babaeng tinatawag nilang Ara, halata itong may gusto kay Alex. Sa buong baranggay siya ang pinaka maganda kaya lang wala pa sa kalahati ng ganda ni Gladys ang babaeng ito.

"Hi gabriel" bati ni Ara napasipol naman si David sa bagong dating na babae.

"Di ko alam na walang pagkain sa inyo at dito ka pa dumayo para mag almusal" sabi ni David kay Ara na medyo natatawa pa. Nainis naman ang babae at inirapan lamang si David.

"Yun oh! Taray! Di ka papatulan ni kuya Gabriel. Wag ka nang umasa"

"Pwede ba manahimik ka?" Inis na saad ni Ara kay David.

"David, may cellphone ka ba?" Pagtatanong ni Alex kay david. Napatingin naman si David kay Alex na nagtataka

"Syempre naman kuya! Mahirap pag walang cellphone no" sabi nito sabay abot ng cellphone niyang luma niya pero touch screen naman.

"May load?" Pagtatanong ni Alex na ikinatango naman ni David habang puno ang bibig. Si Ara naman ay tahimik lang sa tabi.

"Salamat, may tatawagan lang ako" pagpapaalam ni Alex at lumabas sa maliit na bahay.

Sandaling nag riring ang phone ni Gladys, kasalukuyan kasing nagsusuka si Gladys sa banyo. Walang tao sa loob ng mansiyon kasi may ipinagawa siya sa kanila.

Nagtataka naman si Alex at sandaling itinigil ang pagtawag, bumalik siya sa maliit na bahay at naabutan niya si David at Ara na nagtatalo na naman.

Iniabot ni Alex ang cellphone pabalik kay David.

"Nakausap mo?"

"Hindi sinasagot eh, siguro mamaya na lang" sabi ni Alex.

Tanghaling tapat at tumutulong si Alex sa pangingisda kasama tatay ni David, si David naman ay namimili sa palengke kasama din si Ara ng biglang tumunog ang cellphone ni David palatandaan na may tumatawag.

Nagtatakang tiningnan ni David ang numero na tumatawag sa kanya, napasilip din si Ara at nagtaka rin ngunit sinagot naman ito ni David.

"Hello?" Rinig nila ang malambing na boses ni Gladys

Nagulat naman si David sa narinig at napatingin ulit sa cellphone

"Hello, sino po sila?" Magalang na tanong ni David sa kabilang linya.

"Sorry, I thought you called me earlier? Wrong number lang ba yun?" Mahinang tanong ni Gladys sa kabilang linya.

"Baka nga po wrong number, wala po akong natatandaan na tumawag ako sa number na to eh"

"Ganun ba? Sige salamat nalang, bye" pamamaalam ni Gladys at pinatay ang tawag.

Binaba na rin ni David ang tawag at umuwi na sila sa kanilang bahay kasama si Ara na inaabangan ang pagdating ni Alex.

Sandaling napaisip si David, bakit sinabi niyang ako ang tumawag? Eh wala naman talaga akong natatandaan na tumawag ako sa numerong iyon.

Binalewala lamang iyon ni David at inayos ang kanyang mga pinamili ngunit naalala niyang nakitawag pala si Kuya Gabriel niya sa kanya kaya tinext niya ang kaninang numero.

[Hi po, hindi po ako ang tumawag kanina. Baka po si kuya, nakitawag lang po kasi siya sakin eh. Baka po kilala mo] text ni David sa number ni Gladys

Hindi naman ito napansin ni Gladys kasi nagpapacheck-up siya sa doktor para makumpirma kung totoo nga ba na buntis siya.

" congratulations misis, your one month pregnant. You need to be more careful for your baby, eat nutritious foods and always sleep 8 hours a day. Bawal magpapuyat kapag buntis, nakakaapekto ito sa bata. Bawal ka din ma-stress" paliwanag ng doktor kay Gladys

Sa ngayon ay walang nakakaalam na buntis si Gladys, pagkadating sa mansiyon ay kunwaring malungkot si Gladys. Sinalubong naman siya ng apat.

"I'm not pregnant, hindi lang daw maganda ang nakain ko. Tungkol naman sa menstruation ko, simpleng na late lang ito but I am not pregnant" paliwanag ni Gladys at may luha pang pumatak sa mga mata niya

Hindi pwedeng sabihin ni Gladys na buntis siya, ayaw nitong maging delikado ang buhay ng anak niya

Gabi na nang makabalik si Alex galing sa pangingisda kasama ang tatay ni David, wala na kasing ina si David dahil namatay ito nang ipinapanganak pa lamang siya.

"Tay!" Salubong ni David sa kanyang tatay kasama si Alex.

"Ara? Bakit ka pa nandito? Hindi ba nag aalala ang magulang mo? Gabi na ah?" Nag aalalang tanong ng matanda

"Hindi po, alam naman nilang nandito ako" saad naman ni Ara at ngumiti kay Alex.

Si Gladys naman ay naghahanda na sa pagtulog ng mapansin ang isang text message, hindi alam ng dalaga pero umaasa siyang sana si Alex ang tinutukoy ng nagtext sa kanya.

Kagat labi na tumawag si Gladys sa numero ni David.

Kasalukuyan namang kumakain ang apat ngunit naistorbo ito ng biglang tumunog ang cellphone ni David. Hindi na niya tiningnan ang caller at deretso niyang sinagot at ni-loudspeak ang kanyang cellphone.

Sa oras na ito ay katatapos lamang kumain ni Alex at umiinom na ito ng tubig ng biglang magsalita ang nasa kabilang linya.

"Hello?" Ang malambing na boses ni Gladys ang narinig ng mga tao sa loob ng bahay.

Napahinto si Alex at napalingon sa cellphone ni David, si david naman ay napatingin lang sa kanyang kuya Gabriel na napahinto at nakaangat pa ang mga kamay na may hawak nang baso.

"Hello?" Tanong ulit ni Gladys. Unti-unting bumaba ang kamay ni Alex at dahan-dahang tumulo ang kanyang mga luha.

Napansin nila ang luha ni Alex. Nakatitig lang din si Ara sa reaksyon ni Alex.

Ngayon ay alam na niya kung bakit nakitawag si Alex sa kanya, siguro ay kasintahan ito ng kuya Gabriel niya. Kinuha niya ang cellphone niya at inabot kay Alex.

Napatitig lamang si Alex sa cellphone at napatingin sa nakangiting si David.

"Sagutin mo na kuya, mukhang namimiss ka na rin nito eh" biro pa no David na nagpangiti kay Alex.

Nanginginig na inabot ni Alex ang cellphone ni David kahit tumutulo pa ang luha nito.

"Hon" nanginginig ang boses ni Alex na sumagot sa tawag.

Nagulat naman si Gladys at napatingin ulit sa cellphone.

"Omygod! Buhay ka, thank god." Nagsimula na ring umiyak si Gladys dahil narinig na nito ang boses na matagal na niyang gustong marinig

Ang mga tao naman sa loob ng maliit na bahay ay nakatingin lang sa reaksyon ni Alex, rinig na rinig nila ang mga hikbi na kumakawala sa babae na nasa kabilang linya.

"Miss na miss na kita. Nasaan ka na ba? Sobrang nag aalala na ako sayo" umiiyak na sambit ni Gladys

"I miss you too, hon. I miss you so much" nahihirapang saad ni Alex at marahan na pinunasan ang mga luhang kumakawala sa mga mata niya.

Sa wakas, nakausap niya na rin si Gladys. Narinig na niya ang boses nang babaeng sobra-sobra niyang mahal.

You Are MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon