14

7.9K 177 8
                                    

Dumaan ang ilang araw at tuluyan na akong nakalabas sa hospital. Palaging nanjan ang mga kasama ni Cloud sa tabi ko.

Gusto kong itanong sa kanila kung kamusta na si Alex pero pagbukas ko nang topic ay iiwasan lang nila ang tanong at hindi makatingin sakin ng deretso.

Pilit din silang gumagawa ng jokes kahit corny, lagi nila akong binibilhan ng prutas kahit hindi ko naman sinabi. Kapag may nakita akong junk foods at gustong kainin ay basta nalang nilang kukunin sakin at gagawing rason ang anak ko.

Palagi din akong naka wheelchair kahit kaya ko namang tumayo.

Noong hindi ako pumayag mag wheelchair ay muntikan pa akong madulas, lahat sila ay sobrang takot na parang akala mo sila yung madudulas.

Todo alalay sila sakin, hindi din nila ako hinahayaang mapag isa. Lagi silang nandun para mapangiti lang ako.

Palagi din akong binibisita ni Jenna at sinabing excuse na daw ako at pumunta nalang sa graduation.

Minsan nakakapagtaka na talaga ang mga kilos ng mga tao, gusto kong mag luto pero sasabihin lang nila na may cook naman daw kaya hindi na kailangan.

Nasa bahay parin ako ni Alex, kahit na may hindi magandang nangyari sa pagitan naming dalawa, hinihiling ko pa rin na magpakita na siya sakin

Hanggang sa umabot ng gabi. Nakakapanibago kasi tahimik, akala kasi nila na natutulog na ako kaya lumabas na sila sa kuwarto ni Alex kung saan ako natutulog.

Hindi ko alam kung kailan pero naging amoy vanilla na ang buong kuwarto na dating amoy lalaki talaga.

Ganun din ang amoy ng mga inuutusan ni Alex bukod kay Jenna na hindi nagpapabango

Hindi ko na namalayan na unti-unti na ring napapapikit ang mga mata ko sa antok. Tatlong araw na nung huling magkita kami ni Alex, kamusta na kaya siya?

Hanggang sa nilamon na nang kadiliman ang buong diwa ko.

***********************

Wala sa kaalaman ng dilag na may aninong kanina pa siyang pinagmamasdan, nang makita niyang tulog na ang dalaga ay lumabas na siya sa pinagtataguan.

Doon ay makikita ang anino nang pagiging perpekto na katawan ng lalaki

Kaagad na lumapit si Alex sa dalaga na mahimbing na natutulog.

Pinagmasdan niyang mabuti ang mukha ng dilag na para bang kinakabisado ang bawat parte nito. Tinanggal niya ang suot na sapatos at dahan-dahang tumabi sa dalagang mahimbing na natutulog.

Ini-angat niya ang ulo ng dilag at ipinatong sa kanyang braso, niyakap niya ito at inilapit sa kanyang katawan.

Ilang araw din silang hindi nagkita, para bang naging parte na ang dilag sa pang araw-araw ni Alex.

Ilang araw na rin niyang pinagmamasdan ang dalaga sa malayo, noong kamuntik nang madapa ang dalaga ay sobrang sama ng tingin niya sa mga gagong iyon dahil pinapabayaan lang nila si Gladys na masaktan.

Ramdam naman ng mga ito ay tingin ng kanilang amo kaya kaagad nilang inalalayan ang dilag, napapalunok na nga lang ang mga ito dahil sa kaba.
Mabilis silang maubusan ng buhay dahil lang sa pagkakadapa ng dalaga. Minsan pa nga ay nababanggit na nila ang lahat ng klase ng dasal para lang huwag masaktan o magalusan man lang ang mahal na reyna.

Para bang naramdaman ng dalaga si Alex dahil kaagad itong yumakap sa kanya ng napakahigpit na animoy nakasalalay dito ang kanyang buhay.

May pagmamahal na makikita sa mga mata ng binata at ang pag-aalala sa dalaga.

Unti-unting inilapit ni Alex ang kanyang mga labi kay Gladys at masuyong hinalikan ang ulo nito na may kasamang pangungulila, pagkasabik at pagmamahal.

Hiling lang niya na sana ay mahalin din siya ng babae katulad ng pagmamahal niya rito. Hindi man sa ngayon ngunit sana mangyari ito.
Gusto niyang pagkatiwalaan siya ng dalaga.

"Alex" sambit ng dilag sa kanyang pagtulog.

Nagulat naman si Alex rito, namiminss na ba niya ito? Hindi na ba siya ipagtatabuyan? Kahit ngayong gabi lang, pwede bang magpanggap ang lalaki na minahal na siya ng babae nang buo?

Kahit ngayon lang dahil alam niya sa sarili na sa oras na sumikat ang araw, hindi na muli niyang mayayakap ang dalaga sa loob ng isang araw.

Nakakamiss din kasi ang mga araw na magkasama silang dalawa, kahit silang dalawa lang ay pakiramdam niya buo na ang araw niya.

Ngunit kahit gaano niya kagustong makasama ang dalaga kung ayaw naman nito, wala na siyang magagawa.

Hanggang nakaw lang ng haplos ang lalaki. Gusto niyang maranasan ang yakap ng babae bago pa sumikat ang araw, bago pa siya umalis, bago pa maidilat ni Gladys ang kanyang mga mata.

Mabilis na tumakbo ang oras at dumating na ang oras nang pag alis ni Alex sa tabi ng dalaga. Pakiramdam nito'y napakabilis ng oras at hindi pa niya gustong umalis at mawalay ulit sa minamahal.

'Hon? Kailan mo kaya ma-re-realize na palagi akong nandito sa tabi mo, handa kang protektahan. Na mahal na kita sa sandaling nalaman kong ikaw ang babaeng hinahanap ko. Noong una kitang masilayan.Kailan mo ba ako pagkakatiwalaan?' Gusto mang sabihin ito ni Alex ay alam niyang wala ng oras dahil malapit ng sumikat ang araw.

Bigla namang gumalaw si Gladys hudyat na malapit na siyang magising, kaagad namang tumalon si Alex sa balkonahe at nawala na siya na parang bula.

Dahan-dahang bumukas ang mga mata ni Gladys at sumalubong sa kanyang ang medyo madilim pa na kalangitan at ang hanging nanggagaling sa bukas na pintuan sa balkonahe.

Nakakapagtakang isinara naman niya ito kagabi pero bakit bukas ito ngayon? Pakiramdam niya rin ay medyo gumaan ang pakiramdam niya, para bang nakasama niya si Alex sa pagtulog. Alam niyang imposibleng mangyari iyon pero hinihiling din niyang sana makatabi na niya ulit si alex. Mayakap at makasama.

Nakakamiss naman si alex, samantalang si Alex naman ay nakatingin sa balkonahe kung saan ang tinutulugan ni Gladys. Kasalukuyan na nakatayo ang binata sa ilalim nang puno na mayroon ang bahay.

At sa oras na ito, unti-unti nang nasilayan ng dalawa ang pagsikat ng araw ang pagdampi ng sikat nito sa kanilang balat na may init na para bang niyayakap ka upang maging maginhawa ang buong araw mo.

Kaagad na umalis si Alex sa mansiyon. Habang iniisip ang kanyang minamahal. Ang nag iisang babae na mamahalin niya habambuhay.

Kailan kaya ulit magkakasama tayong dalawa, kailan kaya natin maramdaman ang yakap ng isa't isa. Nakakamiss ang panahong gumigising tayong dalawa sa yakap ng isa't isa.

You Are MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon