46

5.9K 124 3
                                    

"May gusto sa isa't isa si Jake at Valentine, si Harry naman ay may gusto kay Zia. Magkapatid si Zia at Jake, magkambal ang dalawa. Samantalang ako ay may gusto kay Valentine pero dahil nga may gusto na siyang iba ay nagpaubaya nalang ako

Hindi naman kami masyadong kilala sa school na pinapasukan namin, normal lang kaming estudyante noon na gustong maging memorable ang high school life namin.

Hanggang sa isang araw, may nag transfer sa school at iyon ay si Dianne ang ina mo, Gladys" pagpapakilala ni Lerionne sa ina ni Gladys.

Kaagad namang nawala ang antok ni Gladys at akmang iimik na sana nang biglang hinawakan ni Alex ang mga kamay ng babae at nginitian ito, naiintindihan naman ng dalaga kaya napatango na lamang ito.

"Mabait si Dianne, matalino, maganda at talented. Halos lahat nasa kanya na, hanggang sa nakuha niya ang atensiyon ni Harry. Nagsimulang maging close ang dalawa nang magkasama sila sa isang play na dapat ay si Zia pero nagkataon na nagkaroon siya ng sakit kaya pumalit si Dianne.

Simula noon ay naging close ang dalawa, palagi na silang magkasama at halos nawawalan na ng time si Harry sa amin. Hanggang sa nalaman nalang namin na ipinagkasundo sila ng mga magulang nila.

Hindi namin alam kung paano iyon nangyari, basta bigla na lamang inataki sa puso si Zia. Dinala namin siya sa Hospital at sinabing lumalala na daw ang sakit niya, ayaw niya kaming makita lalo na si Harry.

Nagalit si Jake dahil sa nangyari sa kapatid niya kaya nag-away sila ni Harry. Maraming sinabi na masasakit na salita si Jake kay Harry pero nanghihingi lang ng tawad ang ama mo Gladys. Alam ko na nahihirapan din soya, walang nakakaalam sa amin na may sakit pala si Zia.

Hanggang sa bigla na lang silang umalis nang bansa, habang wala sila ay mas lalong naging close ang mga magulang mo, iha. Nakikita ko kung paano nila minahal ang isa't isa, samantalang si Valentine naman ay palaging umiiyak dahil hindi man lang nagsabi si Jake sa kanya na aalis pala siya.

Nag kanya-kanya kami sa college. Magkahiwalay na kami ng school na pinapasukan, magkasama si Harry at Dianne tapos ako ay lumipat sa Baguio at doon nag college, si Valentine naman ay nandun pa rin sa Manila at hinihintay na bumalik si Jake."

Nakikinig ng mabuti ang dalawa habang nagkukwento si Lerionne sa buhay nilang magkakabarkada.

Kitang-kita nina Alex at Gladys ang sakit na dumaan sa mga mata ni Lerionne.

"Pero bigla na lamang nagbigay nang imbitasyon ang dating paaralan na pinapasukan namin bilang reunion namin.

Akala ko noon ay hindi sila darating dahil nasaktan sila noon, lahat kami. Pero sa gabing iyon, muli kaming nagkita pero kulang kami. Wala si Zia at Jake, hindi pa rin sila bumabalik.

Read more at my new account @MissJSWrites

You Are MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon