64 EPILOGUE part 2

5.9K 109 13
                                    

(One Shot Story)

/Extra Story/

Unang pagkikita, isang mahinhin na babae ang nakakuha ng aking pansin. Maganda, matalino at matapang.

Isa akong transfer student, sa isang sulyap palang ay alam ko nang siya na ang hinahanap ko.

Nagsimula ang lahat sa asaran, bilang isang high school student ay masasabi kong sa mga panahong ito ay dito ko naranasan ang pinakamasayang panahon sa buong buhay ko.

At iyon ay nagsimula nung makita ko siya. Si Ella.

Galit siya sakin noon dahil palagi ko siyang inaasar. Isa akong binata na torpe pagdating sa pag-ibig.

Di ko man lang masabi ang totoo kong nararamdaman sa babaeng pinakamamahal ko

At sa wakas! Dumating din yung araw ng pagtatapat ko sa kanya. Sinabi ko ang tunay na naramdaman ko.

Mas lalo akong naging masaya at halos mapatalon sa tuwa ng malaman kong gusto rin pala niya ako.

Doon na nagsimula ang buhay naming dalawa at ang pagsisimula ng mga pagsubok sa aming pag iibigan.

Ang mga masayang panahon na akala ko, ay may hangganan din pala.

Natukso ako, sa isang babaeng ubod ng ganda. Akala ko ay nagkamali ako noong una pero nung nagpakilala siya at nung nagtagal ay sinabi niyang mahal niya ako ay nagpadala ako sa tukso.

Nagpadalos-dalos ako, nagkaroon kami ng relasyon ng patago nang hindi nalalaman ng girlfriend ko, ang babaeng pinakamamahal ko.

Akala ko, kaya ko.

Nung nalaman niyang may iba ako, umiyak siya sa harapan ko. Sinabi niya sakin na nasasaktan siya.

Bawat luhang pumapatak sa mga mata niya, pakiramdam ko tinutusok ng ilang libong karayom ang puso ko. Sobrang sakit.

Ang pinakamasakit pa nun, di man lang niya ako pinagbuhatan ng kamay para ilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman niya. Hindi niya ako sinaktan kagaya ng iba.

Umiyak lang siya sa harapan ko, sobrang sakit. Sobrang sakit na makita siyang umiiyak at nasasaktan dahil sa kagaguhang ginawa ko. Kasalanan ko ang lahat ng ito eh!

Gusto kong ibuka ang mga bibig ko at maghingi ng tawad, na sana bigyan niya pa ako ng isa pang chance para itama ang mga mali ko. Pero di ko alam kung bakit parang may tape ang mga bibig ko at hindi ko kayang sabihin sa kanya.

Pero sobrang sakit nung sinabi niya, nung magmakaawa siya sakin dahil nasasaktan na siya.

Sabi pa niya:
"Parang awa mo na, sobrang sakit na. Ayoko na, sobrang pagod na ako sa pagtatago mo ng sekreto sakin tungkol sa relasyon mo sa ibang babae. Break na tayo"

Pakiramdam ko binuhusan ako ng malamig na tubig, sa pagtalikod niya ay pakiramdam ko gumuho na ng tuluyan ang mundo ko.

Hundi ko man lang namalayan na tumulo ang mga luha ko.

Nakakatawang isipin na umiiyak ako dahil ang gago ko eh, kasalanan ko ang lahat ng to.

Wala eh, gago talaga ako. Ang tanga ko para pakawalan pa ang babaeng nag iisang minahal ko dahil lang sa tukso.

Lumipat siya ng ibang school, hinanap ko siya pero hindi ko siya makita. Nagtanong ako sa lahat ng kakilala niya at mga kaibigan niya pero wala.

Nakipagbreak ako sa babaeng naging dahilan ng lahat. Di ko siya masisisi dahil ako naman kasi ang may kasalanan ng lahat eh

Nagalit siya sakin, sinampal niya ako at sinabing "Wala na kayo ng girlfriend mo! Bakit kailangan mo pa siyang hanapin? Magsama kayo!"

Napagkasunduan namin noon na itago ang relasyon namin sa girlfriend ko, alam niya na may girlfriend ako pero di ko man lang naisip na hindi niya ako tunay na minahal dahil puro pera lang ang habol niya sakin.

Sobrang nagsisisi ako sa nangyari.

Nagtapos ako ng kolehiyo at naging suma-cum-laude sa isang international school.

Ginawa ko ang lahat ng ito para sa pinakamamahal ko. Para kay Ella.

Nagkaroon ako ng trabaho at naging direktor ng isang malaking kompanya, naging successful ako sa buhay pero hindi parin ako naging masaya. Dahil kulang at walang kulay anh buhay ko kung wala siya at di ko siya kasama.

Isang araw, nagkaroon ng reunion ang mga ka batch ko. Sa araw na yun, nakita ko siya.

Napakaganda niya sa isang kulay puting damit, nagmumukha siyang anghel at diyosa sa paningin ko.

Nilapitan ko siya at kinausap.

Nanghingi ako ng tawad, nakita ko sa mga mata niya ang sakit, pighati at lungkot. Pero mas nakaka depress yung wala man lang siyang galit para sakin.

Akala ko sisigawan niya ako, sisisihin sa mga nagawa ko, sampalin, suntukin at saktan. Tatanggapin ko lahat, pero nginitian niya lang ako.

Isang malungkot na ngiti na nagpabiyak ng puso kong matagal ng nawasak.

Pinatawad niya ako at ngitian, pinasalamatan niya pa nga ako eh.

Read more at my new account @MissJSWrites

You Are MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon