06

9.3K 226 7
                                    

Sa pagtanong kung yun ay hindi naman sinagot ni Alex pero nakangiti lang siyang iniipit ang buhok ko sa may tainga ko.

"Nope" sabi niya at tumingin dun sa lalaki.

"Ah hehe aalis na muna ako, may gagawin pa pala ako miss gladys."

"Pero diba sabi mo may sasabihin ka? Pwede naman akong umalis, tapos na rin naman akong kumain"

"Let him go, finish this first. I'll let someone buy some things for you"sabi ni Alex kaya tumango nalang ako.

"Ah aalis na ako bye~" pagpapaalam ng lalaki pero bigla akong nakarinig na parang nagkakagulo sa labas.

Napatingin ako kay alex na ang sama ng tingin sa pinto. Napahinto din naman yung lalaki at parang naiiyak na habang nakatingin sa may pintuan.

Nang biglang bumukas ang pinto ay lumabas ang 2 lalaki at isang babae.

"Tumabi ka nga jan!" Sigaw ng lalaki na kulay itim ang buhok.

"Aba Chain! Ako nauna,ikaw ang tumabi!" Inis namang sigaw nung lalaking blonde ang buhok

"Ano ba! Tumigil nga kayo" sigaw naman nung blonde na babae.

Nagtatalo pa rin sila nang biglang nagsalita si Alex

"Get.out." may diing pagkakasabi niya

Sabay-sabay naman tumingin ang tatlo at sumigaw
"Wag kang makisabat!" Pero saka palang nila na-realize na si alex pala ang nagsasalita.

Napatigil silang lahat at napatingin sa dereksyon namin na nanlalaki ang mga mata

"Sorry boss!!" Sigaw nilang lahat na ikinabigla ko naman.

Muntikan pa akong mahulog sa upuan pero nahawakan agad ako ni alex sa baywang.

"Macy" banggit ni alex sa pangalan na nagpalunok naman sa babaeng blonde kaya Macy siguro ang pangalan niya.

"Yes boss"

"Buy some clothes for Gladys" utos niya sa babae.

"Sige boss"

Teka, hindi ako makapaniwala na inuutusan niya lang ang mga to, mukha pa namang magaganda ang lahi at mayaman.

Nakanganga ako ng marinig yung utos ni alex. Pwede ko namang kuhanin yung gamit ko sa bahay.

"Alex, pwede ko namang kunin yung gamit ko sa bahay. At may pasok pa din ako ngayon" sabi ko pa.

"It's fine" yun lang ang sinabi niya at tumayo na, inalalayan din niya ako patayo at saka humawak sa bewang ko paakyat ng hagdanan.

***************
"Hindi ako makapaniwala! May babae si boss?" Tanong ni Chain, yung maitim ang buhok

"Takte! Nakita niyo yun? Ang lambing niya sa babae. First time yun" sabi ni Christopher na blonde ang buhok

"Ang ganda nung babae, girlfriend niya? Future wife?" Sunod-sunod rin namang tanong ni Macy

"Nakita niyo yung suot nung babae? Diba, damit yun ni boss? Mukhang may mapapakasalan na si boss!" Singit naman ni xian ang lalaking kanina pa nakatayo sa may pintuan.

"Uy xian! Nanjan ka pala?" Tanong naman ni Christopher nang mapansin ang nagsalitang si Xian.

Sinong mag-aakalang buhay pa pala ang lalaking nauna sa kanila?

"Bahala kayo, pupunta muna akong mall" sa pagsabi na yun ni Macy ay napatingin sa kanya ang tatlong lalaki na nagtataka.

"Anong gagawin mo dun?"

"Bakit ka mag ma-mall?"

"May balak ka pang mag shopping?"

"Gago! Pinapabili ako ni boss ng damit ni Gladys. Teka, ano bang size niya? Siguro coca-cola body yun" sabi ni Macy at naglalakad na paalis.

Nagkatinginan naman ang tatlo bago tumakbo papunta sa babae

"Sama kami!"

*******************

"Alex? Sino ang mga yun?" Nagtatakang tanong ko sa kanya

Kasi naman mukhang mga mayayaman pero inuutos-utusan niya lang

"I'm their boss" yun lang ang sinabi niya

Oo nga naman

"Uuwi na kaya muna ako? May pasok pa ako mamaya eh, kailangan ko yung uniform ko"

"Alright, I'll go with you" sabi pa niya at tumayo na para magpalit ng damit. Eh ako? Ganito lang suot ko?

Pagkalabas ni alex sa closet ay tumabi naman siya sakin at umupo sa kama

"We'll just wait for Macy." Yun lang ang sinabi niya na tinanguan ko nalang.

Kamusta na kaya si auntie? Siguradong nagagalit na yun kasi hindi ako tumatawag sa kanya mahigit isang buwan na.

Mahigit dalawang oras rin ang hinintay namin bago dumating si macy. Mukha pa siyang galit. Kasunod niya ay ang tatlong lalaki kanina na malawak ang ngiti.

Inabot ni Macy ang hawak niyang limang paper bags. Samantalang lagpas pa sa sampu ang hawak nilang tatlo.

"Boss, ito po yung pinili kong damit para kay miss Gladys." Nakangiting sabi ni Macy pero nung tumingin siya sa tatlo ay ang sama ng tingin niya.

"Wag niyo nga yang ibigay! Gag* ba kayo?"inis na sabi ni Macy sa tatlo

Pero imbis ay hindi nila pinansin si Macy at inabot nila ang mga paper bag na hawak nilang tatlo sakin.

Nagtataka man pero tinanggap ko naman.

Tiningnan lang ni alex ang tatlo na ikinalunok nila at dahan-dahang umaatras.

"Stop" yun lang ang sabi niya na nagpahinto sa tatlo kakaatras.

Ano bang meron ang paper bag na to?

Pagbukas ko ay mga panty at bra. Ang lalapad at malalaki, nanlaki naman ang mata ko habang nakatingin sa loob ng paper bag.

Nagtataka naman si alex at kinuha sakin ang paper bag na hawak ko.

Pagkakita niya ng laman ay biglang nanlamig ang buong paligid. Ang dilim ng tingin niya sa tatlo.

"You" yun palang ang sinabi niya ay tumakbo na palabas pero mas mabilis pa rin sa Macy kasi naharangan kaagad niya ang pintuan.

"How. Dare. You." Bawat salitang binabanggit ni Alex ay may diin.

Habang masama ang tingin niya sa tatlo ay kumuha naman ako ng isa pang paper bag. Mas malaki ito at parang may gumagalaw sa loob.

Kinuha ko ito at pagkabukas ko ay nakita ko ang isang cute na cute na maliit na pusa. Sobrang puti ng balahibo niya. Makapal na balahibo.

"Meow"

Napangiti ako ng sobra sa nakita ko at kinuha ang pusa. Kinalong ko at hinimas-himas ang malambot niyang balahibo.

Napansin to ni Macy at napatingin sa pusa. Tumingin pa siya sa lalaking unang pumasok kanina sa bahay ni alex.

Sa tuwa ko ay tinawag ko si Alex na ang sama ng tingin sa tatlo na takot na takot na sa kanya.

"Alex! Tingnan mo oh, ang cute diba?" Tanong ko sa kanya habang ipinakita ang pusang hawak ko.

*******************

Ang kaninang malamig na Alex ay kaagad biglang naging maamo ng makita niya ang dalaga na tuwang-tuwa sa nakita niyang puting pusa.

"Yeah" tanging sabi niya nang nakangiti at lumapit sa paper bag na binigay kanina ni Macy.

"Go and get change. We'll visit your house later" sabi niya nalang sa dalaga

Napahinga naman ng maluwag ang tarlong binata na nakatingin sa boss nilang kanina lang parang papatay na ng tao pero ng makita ang ngiti ng dalaga ay biglang naging maamo

'Akala ko talaga katapusan ko na' isip ng tatlo habang sa loob-loob ay laking pasasalamat nila sa bago nilang babaeng amo.

You Are MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon