62

6.3K 112 1
                                    

Gabing-gabi na ngunit sa oras na ito ay nagkakagulo sa loob ng hospital. Nagpaikot-ikot lang si Gladys dahil sa kaba at takot sa maaaring mangyari kay Alex.

Wala namang ipinagkaiba ang takot na nadarama ni Jenna habang nakaabang sa Emergency Room kung nasaan si Cloud.

"Gladys! Jenna!"

Rinig nilang sigaw nang bagong kararating lamang na si Vanessa. Medyo natagalan ito sa pagpunta dahil pinatulog muna niya ang kanyang anak na si Angel bago pumunta sa hospital. Sobrang laki ng takot niya nang marinig niya ang balitang isinugod sa hospital si Angelo pati ang mga kapatid nito.

"Kumusta sila?" Salubong niyang tanong kina Gladys na umiiling lang hudyat na hindi rin nila alam kung ano ang lagay ng tatlong magkakapatid ngayon.

"Miss Gladys" rinig nila ang pagtawag nina Xian sa pangalan ni Gladys kung kaya't napatingin silang lahat kay Xian, Macy, Chris at Chain na kararating lang at may mga benda pa ang kanilang mga sugat na natamo nila sa laban.

"Mabuti naman at maayos na kayo ngayon" sambit ni Gladys dahil hindi malubha ang kanilang natamo sa nangyaring madugong labanan.

Ilang oras matapos ang nangyaring pagsabog ng bomba ay umatras ang mga kalaban nang malaman nilang wala na ang kanilang pinuno na naging dahilan upang maging ligtas at nasa maayos na kalagayan ngayon silang lahat, ngunit nakakalungkot isipin na napuruhan ang tatlong magkakapatid dahil sa nangyari.

"Mabuti at ligtas ka rin Miss Gladys, kundi lagot kami kay boss niyan" biro pa ni Chain na naging dahilan upang medyo mabawasan ang tensyon na namumuo dahil sa kaba nilang lahat sa maaaring mangyari sa magkakapatid.

Nagulantang na lamang ang lahat ng sumigaw bigla ang isa sa mga nurse dito sa hospital.

"Doc! kailangan ka po namin ngayon, malala po ang kalagayan ng bagong dating na pasyente" pagbibigay alam ng isang nurse sa isang doktor na paalis pa lamang sa Operating Room.

Biglang dumaan sa harapan nila Gladys ang katawan ng dalawang taong kilala nilang lahat na nakahiga sa isang hospital bed na animo'y wala ng buhay.

Nanlamig bigla ang buong katawan ni Gladys nang makita niya ang naghihingalong mag-asawang Ramirez, walang iba kundi ang mga magulang ng tatlong magkakapatid.

Mabilis na kumilos ang mga nurse at ipinasok kaagad ang mga ito sa Operating room.

Mabilis na tumayo si Gladys upang tingnan kung ano na ang nangyayari sa mga magulang ni Alex.

******************
Read more at my new account @MissJSWrites

You Are MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon