54

5.3K 129 5
                                    

Sa madilim na silid kung nasaan nakagapos ang binatang si Cloud ay may dalawang anino na pumasok sa silid at pinagmamasdan ang lalaki.

Kahit man nakapikit ang mga mata ni Cloud ay ramdam niya ang presensya nang dalawang taong pumasok sa silid na kinaroroonan niya.

Dahan-dahang naglalakad ang dalawa palapit sa kinahihigaan ni Cloud, nang akmang hahawakan na sana ng isa ang taling nasa kamay ng binata ay mabilis na nagmulat si Cloud at malakas na sinipa ang taong ito. Napaatras naman nang kaunti ang taong ito pero nakakagulat na nakatayo pa siya ng maayos pagkatapos nang nangyari.

Nagulat naman ang kasama ng nakaitim na lalaki at mabilis na nagtaas ng kamay.

"Cloud! Dito kami para tulungan ka!" Sigaw ng boses babae na kasama ng lalaki

Sandali napatigil sa Cloud at nakatingin lamang sa dalawang taong ito.

"Who are you?" Sa pagtanong na ito ni Cloud ay tinanggal ng dalawa ang itim na maskarang suot nila at doon ay nakita ni Cloud sina Macy at Xian.

"May kailangan kang malaman, Cloud. Sumama ka muna samin" sambit ni Xian kay Cloud.

Mabilis na kumilos ang dalawa at tinanggal ang posas sa kamay ni Cloud pagkatapos ay dahan-dahang binuksan nila ang bintana at mabilis na kumapit sa tali na inilagay nila para mabilis maakyat ang kuwartong kinaroroonan ni Cloud.

Sumilip ang lalaki at nakita niyang nakahandusay sa sahig ang limang nagbabantay sa labas ng bintana at sa  ibaba ng bahay.

Tahimik na umalis ang tatlo at  lumisan sa lugar na iyon. Samantala ay ilang minuto ang nakalipas nang dumating ang lolo ni Cloud, napansin agad nito na may kakaiba sa mansion.

Mabilis na nagunot ang noo ng matanda at tinawag ang isa sa mga bodyguard na naririto sa mansiyon.

"Tingnan niyo kung nasa loob pa si Cloud" utos nito, nagtaka man ang mga nagbabantay ngunit hindi na nagreklamo ang mga ito at tiningnan na lamang nila kung naroroon pa ba ang kanilang binabantayan. Ngunit biglang namutla ang utosan na ito sapagkat hindi niya nakita ang katawan ni Cloud.

Mabilis siyang tumakbo para tingnan kung saan pumunta at mabilis siyang tumakbo sa matanda para sabihin na nawawala ang apo nito.

Madilim ang gabi at nakatayo sa gitna ng kagubatan ang dalawang lalaki at isang babae.

"Ako si Macy at kasama ko ay si Xian, kamusta ka Cloud?"

"Bakit kayo nandito?" Pagtatanong pa ni Cloud sa dalawa.

"Dahil nandito ka" pagsagot naman ni Xian na ikinakunot ng noo ni Cloud.

"What do you mean?"

"Sundan mo kami, sigurado akong matutuwa ka sa surpresa namin sayo Cloud" saad ni Macy at nauna nang maglakad.

Sumunod naman ang dalawang lalaki.

Halos dalawang oras na silang naglalakad ngunit wala paring maaninag na kahit ano si Cloud, naisip niya tuloy kung pinaglololoko lang siya ng dalawang ito.

"Nandito na tayo" napahinto sa pag iisip si Cloud nang biglang umimik si Macy, napatingin si Cloud sa harapan nila.

May isang bahay na gawa sa kawayan. Napakaganda at simple lang, hindi mo siya masasabing malaki pero hindi din naman siya maliit.

Simple but elegant ika nga nila.

"Cloud, wag masyadong maging masaya ha?" Paalala ni Xian at tumawa nang mahina.

"Chris! Nandito na kami!" Sigaw ni Macy

May lumabas na isang lalaking matipuno sa bahay. Nanlaki ang mga mata nito ng makita si Cloud na nakatayo sa harapan ng bahay na para bang ito ang kanyang tagapagligtas.

"Cloud! Salamat at nandito ka na! Waaah! My savior!" Sigaw ni Chris at tumakbo papunta kay Cloud, mabilis namang umiwas si Cloud kaya hangin ang nayakap ni Chris kaya napasimangot naman siya.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Cloud.

At para bang dininig ang kanyang tanong dahil may lumabas na babae sa bahay na galit na galit.

"Hoy Chris! Bumalik ka dito! Diba sabi ko sayo na magtanim ka pa ng mga bulaklak? Sino may sabi sayo na sabihan akong mataba ha? Hala! Magtanim ka ng bulaklak doon at nang mapakinabangan ka!" Galit na sigaw ni Jenna kay Chris.

Mabilis namang nagtango si Chris sa likod ni Cloud.

"Sorry na, joke lang naman eh! Di ka mataba, ikaw ang pinakasexy sa lahat pramis! Gabing gabi pagtatanim-in mo ko ng halaman?" Nakasimangot na tanong ni Chris.

Habang pinapagalitan ni Jenna si Chris ay titig na titig ang mga mata ni Cloud sa dalaga.

Napahinto naman si Jenna at napansin niya ang isang lalaki na pinagtataguan nang hampas lupang si Chris.

Nanlaki bigla ang mga mata ni Jenna at makikita mo sa mga mata niya ang saya nang makita niya ang lalaking kanyang pinakamamahal.

"Cloud!" Sigaw ni Jenna at tumakbo papunta sa lalaki.

Mabilis na yumakap si Jenna na sinuklian din naman nang mahigpit na yakap ni Cloud

"Buti okay ka lang. Salamat at nakita din kita. Miss na miss na kita" nagtatampong saad ni Jenna habang mahigpit na nakayakap sa lalaki

Napangiti na lamang si Cloud sa ugaling ipinapakita ni Jenna at marahang hinalikan ang ulo ng babae tanda ng kanyang matinding pagmamahal dito.

"Sorry I'm late" sa sinambit na ito ni Cloud ay puno ng hinanakit dahil matindi ang pagsisisi nito nang hindi niya nailigtas ang dalaga sa gitna ng panganib.

"It's okay, ayos lang naman ako eh. Ang mahalaga magkasama na ulit tayo" malambing na saad ni Jenna at mahigpit na niyakap ang lalaki

"Sandali, sandali. Xian at Macy, dito din ba kayo titira?" Tanong ni Chris sa dalawa na tumango lang.

Bigla namang napahawak sa sariling ulo si Chris na animo'y may malaking problemang kinakaharap.

Read more at my new account @MissJSWrites

You Are MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon