30

7.3K 156 3
                                    

Madilim ang nakapalibot na aura kay Alex nang makarating ito sa sariling pamamahay. Imbis na salubungin siya nina Macy ay hindi na lamang nila ginawa dahil alam nilang galit ito.

Padabog na binuksan ni Alex ang pintuan ng kuwarto nila ni Gladys at umupo sa upuan kaharap ang lamesa nila.

Galing naman sa banyo si Gladys at napansin niya ang binata na halatang galit na galit. Dahan-dahan niyang nilapitan ang binata at niyakap sa likod, nagulat man ang binata pero nang mapagtantong si Gladys ito ay naging mas relax ang lalaki.

"May nangyari ba?" Mahinang tanong ni Gladys at tumingin sa repleksiyon nilang dalawa sa salamin.

"Kagagawan ni Kuya ang nangyari. Si kuya ang may gawa" nanginginig ang boses ni Alex habang isinumbong ang buong nangyari sa mansiyon ng mga Ramirez.

Umalis naman sa yakap si Gladys at umupo sa katabing upuan ng lalaki. Iniharap niya ang mukha ng binata paharap sa kanya.

"Alex, diba sinabi mong may sakit ang kuya mo? Huwag mo siyang sisihin. Hindi naman siguro niya kagustuhan ang nangyari, ang taong nagkakaroon ng problema sa pag-iisip, minsan hindi nila alam na nakagawa sila ng kasalanan" mahinahong pagpapaliwanag ni Gladys sa lalaki

"Bakit parang ang dali sayong magpatawad? But I can't easily forgive him. He hurt you and he killed our child"

Umiiling naman si Gladys at ngumiti ng puno nang hinanakit. Marahan niyang hinaplos ang pisngi ng lalaki at hinawakan naman ni Alex ang kamay ng dalaga at pumikit, dinamdam ang malalambot na kamay ng babae.

"Alam kong hindi madali ang magpatawad, masakit isipin na sarili mo pang kapatid ang gumawa nun pero Alex, hindi mo din ba naitatanong kung ano ang nararamdaman ng kuya mo? Kung ano ang pakiramdam ng paulit-ulit kang sabihan na baliw? Kung ano ang pakiramdam ng mawala sa sarili? Hindi rin madali ang pinagdadaanan ng kapatid mo. Sobra ang galit na nararamdaman mo kasi alam kong minahal mo ang kapatid mo. Alam kong nahihirapan kang magpatawad ngayon pero alam ko rin na dadating ang araw at maiintindihan mo ang lahat" paliwanag ni Gladys at pagkatapos ay hinalikan niya ang noo ng lalaki.

"Nagluto ako ng sinigang, kain na tayo?" Pag-aya bigla ni Gladys sa lalaki. Wala mang gana ang binata pero hinila na siya ng babae palabas sa kanilang kuwarto.

Napangiti nalang si Alex pagkadating nila sa dining area, nakahanda ang mga pagkain at nakaupo na sina Macy.

Nakakatuwa isipin na kahit mga bodyguard lang sila ay kasabay nila sa hapag kainan ang kanilang amo. Mas masaya pa kasi mabait ang magiging asawa nito.

Natapos ang gabi na tahimik pero hindi mabigat ang presensya. Napakapayapa na animo'y walang kaguluhan.

Kinaumagahan, maagang nagising si Alex at nag ayos ng sarili habang hindi pa sumisikat si haring araw.

Natapos sa pag aayos si Alex at bumalik sa higaan para titigan ang kanyang mahal na reyna habang mahimbing na natutulog.

Hindi naman nito namalayan na unti-unti nang sumikat ang araw at dahil sa nakabukas na bintana sa balkonahe nila ay nasinagan ng araw ang napakagandang mukha ni Gladys.

Kasabay ng pag ihip ng hangin at ang paglipad ng manipis na kurtina na nasa balkonahe nila ay ang pagtama ng sikat ng araw sa pisngi ng mala-anghel na mukha ng babae.

Dahan-dahan namang napamulat ang mga mata ng dalaga at unang-una nitong nasilayan ang mukha ng lalaki na kasalukuyang nakatitig sa kanya

"Alex?" Mahinhin na tawag ni Gladys sa pangalan ng lalaki na ngayon ay napangiti sa hitsura ng dalaga.

"Rise and shine my lady. Ready yourself, we're going somewhere" saad ni Alex sa babaeng kagigising lamang at naguguluhang nakatingin sa kanya.

"Saan tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ni Gladys sa lalaki. Ngumiti naman si Alex at inipit ang ilang hibla ng buhok ng dalaga sa tainga.

"You'll know soon. Go and wash yourself"

Naguguluhan man pero sumunod rin ang babae at nag ayos. Pagkatapos maligo ni Gladys, pagkalabas niya ay ngumiti lamang si Alex at inabutan ang babae ng puting damit.

Isa itong puting dress na nababalutan ng lace. Long sleeve ito at hanggang tuhod ang haba. Mas lalo pang naging mala anghel ang kagandahan ni Gladys nung pag braid siya ng buhok.

Nakasuot naman ng white t-shirt at black jacket si Alex tapos ay naka jeans ito.

Iginiya ni Alex si Gladys papunta sa isang sasakyan ng lalaki. Nagtataka si Gladys habang pinagmamasdan ang kanilang nadadaanan. Puno ng kuryosidad ang babae pero hindi siya nagtanong at hinintay na lamang na matapos ang biyahe.

Mas lalong nagtaka si Gladys nang huminto sila sa isang sementeryo. Sa pagkakaalala ni Gladys ay wala siyang kamag anak na inilibing dito.

Bumaba sila at patuloy lang siyang sumunod sa lalaki na naglalakad sa kalagitnaan ng sementeryo. Huminto si Alex sa isang maliit na puntod na may pangalang 'Vladimir Ramirez'

"Hon, meet our son Vladimir" pakilala ni Alex kay Gladys. Napatakip sa bibig ang babae at bumuhos ang kanyang mga luha.

"Our child is still 4 months, the doctor said its possible to know its gender so I did everything. And he is a boy. I named him Vladimir meaning 'renowned prince' he is our prince" paliwanag ni Alex kay Gladys.

Napangiti naman si Gladys at lumapit sa maliit na puntod at lumuhod sa harapan nito. Hinawakan niya ang puntod kung saan inilibing ang kanyang anak at doon ay patuloy na bumuhos ang kanyang luha.

"Vladimir, my child. Anak ko, ako ang mama mo. Namimiss na kita, sobra-sobra. Sana maging masaya ka kung saan ka man ngayon, mahal na mahal kita anak. Kahit anong mangyari, ikaw pa rin ang anak ko at mamahalin kita habangbuhay." Pakiramdam ni Alex ay mawawasak ang kanyang puso sa nasaksihan. Masakit mawalan ng anak bilang isang ama, paano pa kaya ang nararamdaman ng isang ina?

Ang sakit isipin na gustong-gusto mong hintayin ang paglabas ng sarili mong anak pero hindi pa man oras ay bigla na lamang itong nawala na parang bula.

Kahit sinong magulang, masasaktan kapag nawala ang pinakahihintay mong anak, ang pilit mong inalagaan kahit mahirap, ang pilit mong pinoprotektahan.

Pero kahit masakit tanggapin, kahit mahirap ay kailangan. Hindi naman kasi natin kailangang huminto sa isang parte ng nakaraan, kailangan nating ipagpatuloy ang nasimulan at harapin ang kinabukasan.

You Are MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon