38

6.7K 155 2
                                    

Napaiyak na lamang si Gladys nang maramdaman na niya ang yakap ng lalaking matagal na niyang hinahanap-hanap.

"Alex, miss na miss na kita" humihikbing saad ni Gladys at mas lalo pang sumiksik sa yakap ni Alex.

Mahinang napatawa si Alex sa ginawa ng babae at mas hinigpitan din ang yakap pero mabilis na kumawala si Gladys at marahang hinaplos ang pisngi ng lalaki.

Mabilis niyang hinalikan sa pisngi ang lalaki, ang mga tao naman na nanonood sa dalawa ay naiiyak at napapayakap sa isa't isa. Sobrang sweet kasi nila, ang mag asawang matagal na hindi nag kita at nung muling nagkita ang dalawa ay para bang hindi na nila kayang mahiwalay pa sa isa't isa.

Umasim naman ang mukha ni Ara, hindi kasi matanggap na mas maganda pala ang asawa ni Gabriel. Wala siyang laban eh. Edi sila na maganda ang lahi.

Kinuha ni Gladys ang mga kamay ni Alex at tinapat ito sa sariling tiyan, nagtataka namang napatingin si Alex sa dalaga na nakangiti lang.

"Alex, I'm 1 month pregnant." Masayang pagbabalita ni Gladys sa lalaki. Napatulala naman si Alex nang panandalian at biglang binuhat ang babae sabay malakas na sigaw ng "yes!"

Napatawa na lamang si Gladys at nang makababa siya ay kaagad na hinalikan ni Alex ang mga labi ng dalaga.

Napanganga na lamang ang mga taong nanonood, may ilan silang kasamang mga bata kaya tinakpan nila ang mga mata ng mga inosenteng bata ngunit pilit naman ng mga ito na tinatanggal ang mga kamay ng magulang na nakatakip sa mga mata nila.

Itinigil ni Alex ang paghalik sa babae ng kapusin ang mga ito ng hininga. Kapwa hinihingal ang dalawa.

Maya-maya pa ay lumapit na ang couple sa mga tao at masayang ipinakilala ni Alex si Gladys.

"David, this is my wife Bea. Bea, this is David, sa kanila ako nakikitira ngayon" paliwanag ni Alex. Kahit na nagtataka si Gladys sa ipinakilala ni Alex ay ngumiti parin ito.

"Hi, salamat ng sobra kasi inalagaan niyo ang asawa ko. Thank you so much" hindi napansin ni Gladys na tumulo ang ilang butil ng luha sa mga mata  niya.

"Hala! Ate bea, baka sabihin ng mga kapitbahay na inaaway kita. Bakit ka umiiyak?" Saad kaagad ni David na nagpatawa kay Gladys.

"Hon, stop crying" malambing na sambit ni Alex at pinunasan ang mga luha ng babae.

"I'm just happy" bulong ni Gladys na sapat na para marinig ng mga malapit sa kanya.

Napairap na lamang si Ara sa sinabi ni Gladys. Siniko naman siya ni David kaya nagsimula naman ang pagtatalo ng dalawa.

****************

Dahil sa pagdating ni Gladys ay naging mas maingay ang buong baranggay. Masaya sila at nagkita na ang mag-asawa ngunit may isang hindi nasisiyahan, walang iba kundi si Ara.

Naghanda ang magkapitbahay ng masasarap na pagkain, para bang may fiesta dahil ang dami nilang hinanda. Nagpasalamat naman si Gladys sa mga tao kaya napangiti na lamang ang mga ito dahil sa bait na taglay ng babae.

Naisipan ni David na mag swimming silang lahat, napangiti naman si Ara at nag swimsuit. Binigyan naman ni Ara ng swimsuit si Gladys, akmang aabutin na ni Gladys pero napansin ni Gladys ang madilim na aura ni Alex kaya alanganing napangiti nalang si Gladys sa babae.

"Sorry, ayokong mag swimsuit eh" dahilan ni Gladys at binawi ang kamay na kaninang aaboy sana ng swimsuit.
Napataas naman ng kilay si Ara at napatingin kung saan nakatingin si Gladys, nakita niya si Gabriel kuno niya na masama ang tingin sa swimsuit na hawak niya. Napalunok na lamang si Ara, kaya pala.

Lumapit naman si Alex sa dalawang babae at kaagad na humawak si Alex sa bewang ni Gladys.

"she's not allowed to wear that" nakakunot-noo na saad ni Alex

"Ah, hindi naman ako magsusuot. Tara nalang kumain ng barbeque nila dun" aya ni Gladys kay Alex at Ara.

Nakasuot na naman ng swimsuit si Ara at sumunod na sa dalawa. Hawak kamay na naglalakad ang mag-asawa sa tabing dagat.

Napahanga naman si Ara sa kanilang dalawa. Suot ni Gladys ang dress niya kanina at naka messy bun ang buhok nito, si Alex naman ay nakasuot na nang shorts at white t-shirt.

Nakaalalay si Alex kay Gladys sa bawat hakbang nito, makikita ang saya sa mata ng dalawa sa muli nilang pagkikita.

Nagustuhan naman ni Gladys yung tubig dahil sa linis nito at sa ganda ng kulay asul na dagat.

Nag pretty eyes pa si Gladys at ipinagsalikop ang dalawang palad para payagan siyang mag swimming ni Alex. Napangiti naman ang lalaki sa ginawa ni Gladys. Mabilis na hinalikan ni Alex ang pisngi ng dalaga at ngumiti.

"Just this once, okay?" Sunod-sunod na tumango si Gladys at masayang tumakbo papunta kay Ara.

"Ara! Pwede pahiram ng damit? Mag su-swimming tayo" excited na pag-aya ni Gladys kay Ara.

Pinahiram naman siya ni Ara ng damit, isang bikini pero nakasuot ng malaking white t-shirt si Gladys.

Napatili si Ara sa ganda ng katawan ni Gladys nung nagbibihis ito.

"Ang ganda ng katawan mo! Pwede ka na magmodel!" Tili ni Ara at unti-unti nang nagugustuhan si Gladys.

Napatawa nalang si Gladys at niyakap nalang bigla si Ara.

"Ang cute mo naman, hahaha. Next time, invite kita sa bahay" natutuwang sambit ni Gladys at pinakawalan na si Ara.

"Talaga?!"

"Oo naman! Hahaha ang cute mo talaga" sabay pisil ni Gladys sa pisngi ni Ara.

Narinig naman ni David at Alex ang tili ng dalawang babae, mabilis silang napatakbo sa kinaroroonan ng dalawa at doon ay nakita nilang nagtatawanan ang dalawa habang nagkukwentuhan.

"Ang sweet niyo! Ninang ako ha? Sana baby boy yan, gusto ko ng gwapong inaanak" masayang saad ni Ara kay Gladys.

Napatawa naman si Gladys at biglang niyang pinisil ang pisngi ni Ara na naging dahilan para halos mangiyak-ngiyak na si Ara.

"Ah, ate bea. Alam kong cute ako pero masakit na pisngi ko. " naluluhang saad ni Ara at napapasinghot pa siya.

"Aawwiiieee!! Ang cute-cute mo talaga!!" Tili ni Gladys at mahigpit na niyakap ang kawawang si Ara.

"Pagkatapos mo kong saktan, lalambing lambingin mo ko? Hindi uubra sakin yan!" Reklamo pa ni Ara habang nakasimangot.

Ang dalawang lalaki naman ay napangiti sa nangyari, nagkukulitan ang dalawa na para bang sobrang close nila sa isa't isa.

Hindi naman aakalain ni David na sa sobrang kaartehan ni Ara ay magiging mabait ito kay Ate Bea niya.

Ang galing talaga ni Gladys makisama. Isa talaga siyang anghel sa buhay ni Alex.

You Are MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon