11

8.1K 201 10
                                    

Hindi na niya alam kung anong gagawin niya, ang dami pang nakaharang sa daan niya

'Akala niyo mapipigilan niyo ko? Black belter ata to!' Sigaw niya sa isip at mabilis na sinuntok ang guard na humarang sa kanya.

Hindi kaagad nakaiwas ang guard dahil sa hindi nito inaasahang marunong palang makipaglaban ang maliit na babaeng ito.

Mabilis siyang tumakbo sa elevator at sunod-sunod na pinindot ang button.
Bumukas naman ito at mabilis na nakapasok, hindi naman siya naabutan ng guard.

"Merong nanggugulo dito. Paakyat na ang estudyanteng babae, over"

Mabilis namang nagkagulo ang mga guwardiya dahil lang sa kanya.

Pagkahinto sa top floor ay nagtanong-tanong pa siya kung nasaan si Alexander at sa kabutihang palad ay may mabait na nilalang na nagturo sa kanya ng daan.

Nasa meeting room.

May nakita naman siyang isang babae sa labas ng meeting room.

"Miss, nasa loob ba si Cloud at Alexander?" Nakangiting tanong niya pero tinaasan siya ng kilay ng babae.

"May kailangan po kayo ma'am? bawal pong istorbohin ang meeting" sabi naman ng babae

"Teka sino ka ba?!"sigaw ni Jenna sa babae

"I am Cloud's Assistant" proud pa na sabi ng babae

"Aba! Akala mo kung sino mag taray! Assistant ka lang pala? Di ka naman girlprend!" Sigaw niya sa babae at akmang bubuksan pero hinila siya ng babae.

"Bawal nga kasing istorbohin ang meeting!" Sigaw pa nito.

Sa inis ni Jenna ay hindi niya napigilang suntukin ang babae

Sa tunog na *bogsh* bumagsak ang babae sa sahig na dumudugo ang ilong.

Mabilis naman niyang hinila ang pinto pero kamalas malasan ay nakalock

Hindi niya alam ay napahinto ang presentation dahil sa paggalaw ng pintuan.

Palakas ng palakas rin ang hila ni Jenna

"Bumukas kang lintik ka!" Sigaw niya at sinipa ang pinto

Sakto namang binuksan ng lalaking manager ng isang branch ng kompanya.

Sa kanya tumama and sipa ni Jenna. Kaagad namang bumagsak ang lalaki habang dumudugo ang bunganga.

"Salamat bumukas din! Putek!" Sigaw pa ni Jenna at napahinto kasi tahimik ang buong kuwarto, nakatingin sa kanya ang lahat ng tao sa meeting room.

Hinanap kaagad ng mata niya si Alexander at biglang kuminang ang kanyang mata.

'Omygosh! Glandys wait for me!'

"Alexander Ramirez! Salamat at nahanap din kita!" Sigaw ni Jenna at naglakad palapit kay Alex na parang akala mo nahanap niya ang tatay niyang matagal ng nawawala.

Tumingin lang si Alex sa kanya. Inaabangan naman ng mga tao sa loob na pagalitan ang babaeng marahas na pumasok sa loob pero hindi man lang kumibo ang boss niya at hinihintay pang magsalita ang estudyanteng ito.

Maski si Cloud ay nagulat sa ginawa ng dalaga pero hindi niya rin maiwasang isipjn kung ano ang dahilan kung bakit napapunta dito si Jenna

"Alexander! Si Gladys---" hindi natapos ni Jenna ang sasabihin dahil nagsi-pasukan ang 4 na guwardiya ng kompanya.

Mabilis nilang hinawakan si Jenna pero hindi inaasahang sinipa niya ang mukha  isa kaya napa-atras agad ito.

Mabilis naman niyang inikot ang braso ng isa at sinuntok ang tiyan nito.

"Sandali!! Putek yan! May sasabihin lang ako sa boss niyo kaya lumayas muna kayo!aalis din ako!" Sigaw ni Jenna sa apat na guwardiya

Tumingin naman ang mga guwardiya kay alex at sinenyasan lang sila nito na lumabas.

Sumunod naman ang mga ito at kaagad na nanlaki ang mga mata ng mga tao sa loob.

"Alexander Ramirez! Hindi mo sinasagot tawag ko! Emergency to! E.MER.GEN.CY!"

"Speak" malamig na tugon nito pero balewala lang kay Jenna

"Si Gladys! Hinila ni Jamie papunta sa dating bahay ni Gladys! Ayaw niyang tawagan ka kasi baka mag-aalala ka lang. Hindi ko matiis! Nag-aalala na ako!" Mabilis na paliwanag ni Jenna.

Mabilis namang tumayo si Alex at naglakad paalis.

"Sir, about the meeting"

"Lets continue tomorrow" yun lang ang sinabi ni Alex at mabilis na naglakad paalis kasama si Cloud At Jenna.

Mabilis ang pag da-drive ng ni Cloud na parang aakalain mong nagka-karera

Nasa passenger seat naman si Jenna at kinakagat ang kuko sa pag aalala kay Glandys.

Si alex naman ay hindi mapakale at maya-maya ay tinatawagan ang number ni Gladys pero wala parin talagang sumasagot

Pagkahinto ng sasakyan ay mabilis na lumabas sa sasakyan ang tatlo at sa labas palang naririnig na nila ang pagmamakaawa ni Gladys sa kanyang auntie.

Nang marinig ito ni Alex ay pakiramdam niya nawawasak ang puso niya sa sakit.

Mabilis siya tumakbo papasok at marahas na binuksan ang pinto.
Doon niya nasaksihan ang pagmamaltrato ng ginang kay Gladys.

Sisipain na sana ng ginang si Gladys na nakahiga sa sahig pero mabilis na naitulak ni Alex ang ginang at inalo si Gladys na halos hindi na makahinga sa pag-iyak.

Nang makita ng dalaga si Alex ay biglang nagkaroon ng buhay ang mga mata nito at mas lalong lumakas ang iyak nito dahil pakiramdam niya nakahanap na siya ng kakampi.

Nakapasok na rin si Cloud at Jenna at nasaksihan ang eksena. Awang-awa ang dalawa sa kalagayan ni Gladys

Paano nila nagagawang saktan si Gladys gayong buntis ito? Wala ba silang awa?

Galit naman ang ginang dahil hindi niya naituloy ang sipa niya kaya kumuha siya ng vase na naka display at akmang ihahagis niya ito ng biglang hinila siya ni Cloud

Nagalit naman si Jamie dahil hindi pa siya kuntento sa sakit na nararamdaman ni Gladys kaya akmang susugod siya ng biglang hilahin ni Jenna ang buhok nito

"Bitch! Saan ka pupunta? Halika dito, tayo magsuntukan!" Sigaw ni Jenna at sunod-sunod na sinuntok ang buong katawan ni Jamie kasama ang mukha

Nanghihingi man ng tulong sa ginang pero hawak rin ito ni Cloud kaya wala siyang magawa

Malakas masyado si Jenna para sa kanya.

Tinigilan lang siya ni Jenna nang makita niyang dumudugo na ang ilong at labi nito.

"T*ngina mo!!" Sigaw ni Jamie pero nag middle finger lang siya sa kanya

"Dep*ta ka, pokpok!" Sigaw ni Jenna at sinampal pa si Jamie

"Pabaon ko yan sayo!" Sigaw ni Jenna at binitawan na si Jamie

Samantalang patuloy lang na umiiyak si Gladys sa dibdib Alex.

Hinahagod lang din ni Alex ang ulo ni Gladys.

"Just sleep and everything will be alright" para bang may mahika ang salitang yun ni Alex dahil kaagad na nakatulog si Gladys pero humihikbi pa rin

Binuhat siya ni Alex at tiningnan ang ginang at nakaramdam naman ng takot ang matanda sa mga tinging ipinupukol nito. Para bang warning ang ibig sabihin ng tingin ng binata sa kanya. Nakakatakot.

Pagkatapos ay umalis na kaagad ang 2 couple. Habang malamig ang temperatura sa paligid ni Alex. Galit siya, sobrang galit. Sisiguraduhin niyang magdudusa ang dalawa sa ginawa nila.

You Are MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon