bye x

4.3K 15 2
                                    

"SoRi.. D N kTa mhL. My iBa n aQng GuS2. Ndi, Ndi Q Xa Gus2, mHaL Q Xa. MhaL N MhaL -Ed PoGi"

Ito ang 2nd to the last message ko kay A, ang ex ko na napakabait, at understanding. Anlakas maka-jejemon diba? Di pa uso ang jejemon nun pero level 1 jejemon na ako magtext. Tandang tanda ko pa ang effort ko sa pagpapalit palit ng size ng letters. Capitalized, then maliit tapos capitalized ulit saka maliit.

Ayos din noh? Nakuha ko pang dugtungan ng salitang pogi ang pangalan ko. Ok lang yun, pogi talaga kaming mga obit. Obit? Tibo ibig sabihin non. Sige, basahin mo pabalik ang tibo - o-b-i-t! Oo, tibo ako! At pogi ako *feeling pogi*

Bakit ayoko na kay A? Simple lang.. Napakabait nya kasi e.. Saka kasi nga, may iba na 'kong mahal.

"ndi aq mani2wla hangga't d m cnsb skn yn ng personal. mkpgkta k skn."

Aba, at gusto pang makipagkita sa'kin ng hitad. Sabi ng ayoko na nga eh.

"iM sOri,bUt i dNt wNt 2 c U ENimOr. tNx 4 evRyTnG. gUdbyE!" Reply ko na consistent sa pagiging L1 Jejemonster.

ayan, napalaban tuloy ako ng Ingles. Kulit kasi eh.

"kpal ng muka mu! pgktpos ng lhat. gnyan ggwn m skn!"

"wla kng kwenta!" text nya

"mlandi k kc!" sya ulit

"ndi k mkkakila2 ng iba kng ndi k lumandi" sya nanaman

"bwct k tlg!" at sya pa rin

Wow! Infairness, gamit na gamit ang unlimited ng SMART sa kanya. At ang Nokia 3310 ko, kung makatunong sa special message tone eh wagas! Daig ko pa ang kasali sa clan.

"ibalik m skn lhat ng mga bngay ko sau!"

Bakit ko ibabalik yun? Binigay na nga sya sa kin yun diba? E di akin na yon! Manigas ka! Wala kang mababawi sa kin cause these are all mine! Bwahahaha!

"hoy Ed, alas 9 na, ang ingay ng cellphone mo! Matulog ka na! Walang kwenta yang text text na yan!" Sigaw ng tatay ko na cellfonlergic, cellularfonlergic o CPlergic. Basta! CP+alergic = alergic sa CP.

Makatulog na nga lang! Medyo antok na rin ako, eh. Makikita ko lang ang mga text ni A. Wala pa namang SMS blocker tong itim na 3310 ko.

Good Morning Stranger [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon