hu u?

1.2K 4 0
                                    

Isang umaga este tanghaling kagigising ko lang - 10:40AM

Agad kong tinignan ang cell phone ko para icheck kung may nagtext.

8

messages

recieved

Lahat yun galing kay A. Di ko na binasa. Alam ko na ang mga laman non. Gud morning, kain kn bfast, mishu! luv u! kaumay!

Eee.. Bakit di nagtext si +63918...? Di ko alam kung sadyang malandi ako at nagtetext na nga ang gf ko e iba pa ang hinihintay kong magtext.

"Hi! MgNdA kP s UmAgA! DiS iS Ed. Sn M nkUhA nO. kO?" text ko kay +63918... Di na ko nakatiis kaya tinext ko na. Kakastress kayang magisip!

"hi! i'm ja! nkuha q no. m ky jlyn"

"hA! jLyN?! UnG tGa SaN ViCeNtE? bOy kB o GirL? kC LesBiAn aQ eH. FYI"

"yes po, sya nga. girl ako nu! at alm q n lesbian k"

Hanep rin ah! Di ko personal na kilala yung Jlyn na yun pero nagawa niyang ipamigay ang number ko. Pero ok lang. Atleast may iba pa akong katext bukod sa gf ko na boring at alam niya na obit ako.

"my gf knb ed?" text nya ulit

Hala! Tinanong nya kung may gf ako. Ayokong sabihin na meron pero baka tinext nga sya ni A kagabi.

"wLa pU! SiNgLe aQ. iKaW b?" nakupo! bakit ba ito ang nareply ko?! Bahala na! Malay mo, makalusot.

After 5 mins..

*beep!* galing s cellphone ko.

Ayan na! Nagreply na! Anu kayang sabi nya?

" Ur registration to SMART 258 Text has expired. Thank you." -Love lots, 258

Anak ng..! Daig ko pa ang nakulangan ng tatlong bentsingko s PhP8.00 na pamasahe, ang mabalian ng toothpick habang tinatanggal ang kanin na sumingit sa malalim na butas sa ngipin o ang maapakan ang hinlalaking na-marder ng becking manikurista. Ganun ako ka-badtrip!

Naku.. wala akong load! Baka magtext si +63918.. a.k.a Ja. At wala rin akong panload.

"Nay! Pengeng 30!" ako 

"At bakit?" si nanay 

"Papaload ako. Dali na nanay!" 

"Gravity ka naman! Papaload ka pa! Wala akong pera!" si mudra 

Aba! Susyal! Gumagravity c mother lily! Becky na! 

"Susyal kayo nay ha! Gumagravity gravity na kayo ha! Dali na nay! Cge Kinse na lang" pangungulit ko.

Nabuwisit ata sa ingay ko, ayun, binigyan ako ng kinse. Pang 1day unli.

Good Morning Stranger [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon