HUMPS MOMENTS

750 2 5
                                    

Two and a half years din ang mabilis na lumipas when I decided to work. Syempre, panggastos na rin yun di'ba? Saka for a change. For sexperience este.. experience. Swerte naman na natanggap ako at naassign sa panggabi na schedule. Ang totoo niyan, panggabi naman ang lahat ng schedule ng account na yun. US based kasi.

Medyo mahirap para sa akin ang ganoon lalo pa't gustong-gusto kong matapos ang course na kinuha ko.. Anong course yun? OF COURSE! Medyo mababawasan na rin ang magiging oras ko kay Ja kasi bawal naman ang cellphone sa floor, panggabi pa ako. Kapag gising siya, tulog ako, at sa oras na tulog siya, gising naman ako.Medyo natatakot din ako na dahil sa wala na kaming time sa isa't isa, humanap siya ng iba. Grabe naman! :'(

At hindi nga ako nagkamali. Nangyari nga ang kinakatakutan ko. March 'yun, e. Nakikipagchat siya sa FB. (Chat lang pala, eh.) At ang sweet sweet ng mge usapan nila. Nilalanggam. Paano ko nalaman? Pakielamero ako, eh. Binuksan ko ang FB niya. Oo na masama na ako pero gusto ko lang makasiguro na wala siyang iba. Nangako kasi siya sa akin, e: 'kahit hindi mo ako paghigpitan ay magiging loyal ako sa'yo'. - yan, yan ang eksaktong sinabi niya. Gusto ko lang makasiguro dahil ako, wala naman akong kababalaghang ginagawa sa trabaho ko. Sa maniwala ka at sa hindi. Promise!

"fbchatm8: pnu ngng kau

ja: hindi ko nga rin alam e. naghahanap lang naman ako ng mapaglilipasan ng oras, hindi ko akalain na magtatagal"

So ganon? Pampalipas oras lang pala ako? Bakit di mo kaya subukang magpalipas oras sa kubeta nang lumabas lahat ng dumi sa katawan mo iwas pollution. Di ko alam ang mararamdaman ko. Parang sumisikip ang dibdib ko habang suot ang aking supporter (chest binder). Tinext ko siya.

"AnU tOng pNaGLa2LgAy u sA FB?"

"bkt po dadi? ano bng nkalgay s fb q?"

"EwN Q sAu! pMpLiPaS oRaS LnG pLa hA! AnG gLinG m RnG mGpLiPaS oRaS nO, 2yrS!" reply ko.

Tignan na lang natin kung paano niya palulusutan yan.

Galit na galit ako kahit wala akong karapatang magalit. Syempre, after all those years, pampalipas oras lang pala ako. Napakasakit Kuya Eddie! Di ko alam kung susulat ba ako sa MMK (Maalaala Mo Kaya) o MKM (MagpaKailan Man). Kung uso lang ang face to face no'n baka  araw-araw kaming guest. Seryoso.. Galit na galit ako. Pano ko magalit? Umuusok ang ilong! Grawr!

"dadi wla lng yan" reply niya. Mukha mo! Lagi naman ganyan ang sinasabi e. wala lang yan.. kaibigan ko lang yan! Pwede ba! Di ako pinanganak kahapon. Ano ako, uto-uto?

"wLa Lng yAn? AnO sA tNgiN mO? mNi2wLa Aq?" tanong ko

"oo. wla k nbng twala skn?" Oo raw, hehehe. Sige na nga maniniwala ako. May choice ba ako? Wala diba? mahal ko naman siya, e. Saka sabi niya wala lang iyon kaya sige, maniniwala na lang ako.

"sGe n NgA! oK!" reply ko na ang ibig sabihin, pinapatawad ko na siya.

"love u dadi!" text nya. Eeeee.. Kinilig naman ako.

"LovE yOu 2" reply ko.

Dahil sa nangyari, sinigurado ko na marami akong time para kay Ja. Ayokong mawala sya sa 'kin. 'Di ako natutulog kahit na may pasok ako sa gabi. Ok lang, may 1st at second break naman ako at 1 hour lunch e. Dun na lang ako babawi ng tulog. Nakakabawi rin ako sa biyahe kaya ok lang. Pwede namang mabawi ang tulog, e. E si Ja, ma\babawi ko pa ba pag nawala? Hindi na!

Naging back to normal na ang lahat hnggang sa dumating ang May. Anong meron sa May? Birthday niya, bakit?

Medyo lumalabo nanaman ang medyo malabo naming relasyon. Dahil nanaman kay fbchatm8.  Ano bang meron sa taong yon? Dahil ba sa pareho sila ng religion? Descrmination yan!

Simula ng mangyari yun, ayoko ng magfacebook. (facebook talaga ang lakas makasira ng relasyon.) Dinectivate ko na rin ang apat kong account duon. Tama bang sisihin sa facebook ang lahat? Oo! Tama lang yon! Ok naman kami dati e, kaso nang matuto siyang magfacebook, nagkandalabo-labo na!

Good Morning Stranger [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon