"nka-black na t-shirt ako, pedal n maong, sling bag ska naka-pony tail lng"
Tuloy-tuloy akong naglakad hanggang sa makarating ako ng Jollibee. Sabi niya, naka-black daw siya na t-shirt, tapos naka-tokong, may sling bag at nakapony. Nasaan na kaya siya? Nagpalinga-linga ako at nilibot ang paligid ng buong Jollibee nang makita ko ang babaeng naka-pony tail, nakasuot ng black na t-shirt, pedal na maong at may dalang sling bag. Parang may dalawang dagang naghahabulan sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko maipaliwanag kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko.. This is it. Makikita ko na si Ja.
"sN k bNdA?" text ko.
"d2 q sa tpat." agad niyang reply. Siya nga! Siya nga ang katext ko.
Aaminin ko, medyo nadisappoint ako sa nakita ko. Masyado akong nagexpect. Kabaligtaran sa tipo kong babae ang nakita ko. Maliit, maitim, kulot at chubby. Hindi na sana ako sisipot pero hindi ko naman kaya na mang-indyan. Siguro makikipagkita ako sa kanya tapos uwi na. Magpapakilala lang ako tapos nun, sasabihin ko pinapauwi na ako ng nanay ko. OK, good idea! Atleast nakipagkita ako.
"Hi! Ikaw ba si Ja? A-ako nga pala si Ed" Nakangiti at nahihiya kong tanong. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Alam ko sa sarili ko na makapal ang mukha ko pero bakit iba na nang nakaharap ko si Ja?
"uhm.. oo, ako nga si Ja. Kamusta?" Nakangiti rin niyang sagot.
"Halika, kain tayo!" Parang bigla kong binawi ang naisip ko kanina. Sabi ko, magpapakita lang ako saka ako uuwi pero ngayon, niyaya ko pa siyang kumain. "Anong gusto mo?"
Umiling lang siya. Kumain na raw kasi siya kanina. Kunyari pa, nahihiya lang siya e. Pero ayos din, atleast, nakatipid ako. Umorder ako ng spaghetti saka hamburger Umupo kami sa may gilid at saka ako kumain. Pinanood lang niya ako. Bahala ka kung ayaw mo. Sabi ko sa sarili. Umaarte ako na parang sarap na sarap sa kinakain. Hehehe.. Para mainngit siya. "Hmmm.. Sarap! Ang sarap naman ng kinakain ko!Ayaw mo? Di ka ba naiinggit?" tanong ko. Ngumiti ulit siya at umiling. Si boy iling ba 'to? Panay ang iling e.
blah.. blah.. blah..
...
...
blah.. blah.. blah..
...
Natapos akong kumain, di 'sya humingi. Marami kaming napagkwentuhan pero parang kulang pa rin ang araw. Ang sarap niyang kausap. Ang dami niyang kwento, daig pa si Lola Basyang.
"So pa'no, Ed? I guess I have to go. Natext na ang mama ko, eh. Pinapauwi na ako. Nice meeting you, by the way." Nakangiti niyang paalam.
So, ganun na 'yun? Uwian na?
"Pwede bang mamaya na? Pa-extend ng 1 hour?" Pigil ko. Parang computer shop lang e, noh..
"Sorry, baka pagalitan ako ng mama ko,eh" si Ja.
"Ganun ba? See you next time, Ja. Ingat!"
Nginitian lang ko ni Ja, at saka umalis.
"i - i love you!" Bulong na pahabol ko. Narinig kaya niya? Sana Oo.
"iNgAT pO.. TeXt2 pA RiN tAu aH!" text ko.

BINABASA MO ANG
Good Morning Stranger [Completed]
Teen Fictiona lesbian love story "kung gaano kadali na nagng tayo, ganoon din ba kadali na magkakahiwalay tayo?"