"Ok.. sO, i GueSs.. hAnGgAnG d2 nLnG tAu?" umabot ng ilang minuto bago ako nakapagreply. 'Di ko alam kung ano ang isasagot ko o ang dapat kong gawin. Mahal ko siya at ayokong mawala siya sa akin pero paano niya nagawa na lokohin ako. Hindi ko alam. Kasalanan ko rin naman. Nawalan ako ng time sa kanya and yun ang consequence.
Nagpalitan kami ng reply.. Nagsorry sa bawat isa until naayos namin ang aming relasyon. Oo, kami na ulit. Everybody deserves a second chance naman diba? Nagkamali na rin ako minsan at pinatawad niya ako. Kapal ng mukha ko noh? Di ko nilagay ang mga kalokohan ko. Many To Mention e.. Basta pagkatapos namin magbreak ni A, nagtino na ako kaya di ko na isasama pa yung mga yon.
Masayang masaya ako na nabawi ko pa siya at kami na ulit. Nagbreak na raw sila ni fbchatm8 at pinaniwalaan ko yun. Pero di pa rin nawala ang pagkapakielamero ko. Chinecheck ko pa rin ang fb niya nang di niya nalalaman.
"ja: fbchatm8, bakit hindi ka po nagtetxt?? nag aalala po ako sau fbchatm8.. hindi mo rin po cnasagot ang tawag ko..??"
Wow! Nag-alala siya sa unggoy na yun pero sa akin, never. Never niya akong sinabihan na nagaalala siya. Nasaktan nanaman ang lolo mo. Pero hindi naman nakokontrol ang emosyon diba? Kung nagaalala siya, edi nagaalala siya. Mapipigilan ba niya yun e sa yun ang naramdaman niya? So tuloy pa rin ako sa pagbabasa..
"ja: fbchatm8..kausapin mo naman ako oh.. please.. nagmamakaawa na ako sau..hindi ko na alam gagawin ko.. hindi ko kayang tiisin ang katahimikan mo.. fbchatm8.. please naman oh.. i need u... please fbchatm8.."
WTF?! Anu 'to? Sino ba yung walanghiyang yun at nagmakaawa pa si mami? Napaka-espesyal naman niya para pagmakaawaan niya. Never niya akong sinabihan ng ganoon. Mas madalas pa nga na ako ang nagsasabi non. She need him?! Why? E ako, di ba niya ako need? Mas masakit ang nabasa ko na 'to kaysa sa nauna. Parang sumisikip nanaman ang dibdib ko na hindi ko maintindihan. Parang gusto kong umiyak pero nahihiya ako. Baka makita ng nanay ko sabihin nababaliw ako. Itinuloy ko na lang ang pagbabasa..
"ja: fbchatm8, please magkita tau kahit sa birthday mo lang.. pagbigyan mo na ako please.. please fbchatm8.. kahit hindi mismong birthday mo,.. please.... gusto na talaga kitang makita fbchatm8.... pagbigyan mo na ako.... nagmamakaawa ako sau fbchatm8..."
'Di ko alam kung iiyak ba ako o tatawa. Ano ba 'tong ginawa niya sa akin. Ipinagpalit ko si A para sa kanya. Iniwan ko ang taong nagmahal sa akin para mahalin siya. Kulang pa ba yung mga oras na ibinibigay ko sa kanya? Yung pagtitiis ko na di matulog kahit magmukha na akong tagyawat na tinubuan ng mukha? Kulang pa ba yung eyebag o itim sa ilalim ng mata ko na kumalat na sa buo kong katawan? Ano pa ba ang dapat kong gawin? Bakit? Anong kulang sa 'kin? Oo alam ko na. Hindi ako lalaki.
Tinext ko ulit siya at pinagpaliwanag. Mahalaga naman sa lahat ang communication, di ba? So I let her explain her side. Tinanggap ko naman ang explanation niya. 'Yun ang sabi niya, eh. Paniniwalaan ko. Kaysa naman mawala sa akin ang kaisa-isang mahal ko.
BINABASA MO ANG
Good Morning Stranger [Completed]
Ficção Adolescentea lesbian love story "kung gaano kadali na nagng tayo, ganoon din ba kadali na magkakahiwalay tayo?"