Eto talaga ang tunay na nangyari.. Echos lang yung kanina..
Mula noon, pinangako ko kay Ja na magtitino na ako. Na 'di na ako makikielam. Mahal na mahal ko siya kaya I'll do my best para maayos ang aming relationship. I can't afford to lose her.
After ng mga eksenang yun, smooth sailing na ulit ang relationship namin. Kung may nawala mang tiwala, naibalik na. Lahat ng sinasabi niya, pinaniniwalaan ko, Pinilit ko rin na ibigay ang time ko sa kanya. Gaya ng dati, di ako natutulog sa araw kahit panggabi ako. Pinipilit yayaing gumala para magbonding kahit karamihan di natutuloy.
Umabot ng isang taon ang ganoong eksena. Akala ko perfect na ang lahat pero nagkamali ako. Remember, marami ang namamatay sa maling akala. Umiral nanaman ang pagiging pakielamero ko. Ginalaw ko ang bag niya at hinanap ang cellphone na ni anino nito e di ko pa nakikita. Oo, di ko nga mahawakan ang cellphone niya, eh. Alam ko personal na gamit niya yun pero bakit niya itinatago? Whatever. May cellphone naman ako, yun na lang ang titignan at hahawakan ko.
Masokista ako, eh. Tila gusto ko pa na nasasaktan ako. Funny pero parang lumalabas eh.. totoo.
Alam ko, mali ang ginawa ko. Di ko dapat pinapakielaman ang personal niyang gamit. Eh masisisi ba niya ako?
Chineck ko ang sent items. SENT ITEMS talaga ha!
"bhe, mghlfday lng aq. alis k nlng ng maaga jn s ofiz m pra d k mtrafik. ingat k ha" message niya kay fbchatm8.
'Di ko na alam kung anong sakit pa yung naramdaman ko. Ewan ko pero parang naiimmune na ako. Parang balewala na lang sa 'kin ang sakit. Kinompronta ko siya at tinanong.. CONFIRMED - sila ulit.
May yun, magb-birthday siya. Biniro kong pupunta ako pero sabi niya, hindi puwede. Ayos ano? Birthday ng GIRLFRIEND ko, di ako pwedeng pumunta. Ako na tom-BOYFRIEND. Ok, granted, di kami legal pero sana manlang ininvite niya ako diba? Di naman talaga ako makakapunta kasi nga, DI KAMI LEGAL.
Nagkapatong-patong na yung sakit. Nasumbatan ko siya kahit alam kong hindi dapat. Bakit ganoon? Oo, mabilis na naging kami. Sa text lang naging kami pero minahal ko siya(sobra!). Parang ang bilis naman yata na ipagpalit niya ako, sa taong (tao ba talaga?) nakilala lang niya sa facebook. Bakit paulit-ulit niyang binabalikan yung fbchatm8 na yun? Mahal ba niya talaga 'yun? That I don't know.
Pinilit kong alamin ang dahilan kung bakit niya nagagawa yun. Tinatanong ko siya pero wala siyang sinasagot. Hindi ko na pinilit dahil mapapagod lang ako. Oo, pinatawad ko siya at naging kami ulit. (di na natuto?)
Dahil sa nangyari, ipinangako (As in promise!) ko na di na ako magagalit. (And yes, di na talaga ako nagagalit) Na di ko na siya kukulitin sa text (Yes ulit, tinetext ko lang siya kapag nagtext siya) at di na ko makikielam sa FB niya. Wala na rin akong fb account (ay may isa pa pala). Minsan, kapag may sinasabi siya, di ako naniniwala pero alam ko dapat kong paniwalaan yun dahil yun ang sinabi niya at siya ang may sabi 'non. Kahit sa isang good morning lang kami nagkakilala, minahal ko siya ng sobra.
Di ko talaga kayang mawala siya kaya humingi ako ng sorry. Alam ko kasi na kasalanan ko. Kung wala akong pagkukulang, di niya magagawa yun. Sabihin na nila ang lahat ng gusto nilang sabihin pero iintindihin ko si Ja. Dito lang ako hanggang kailangan niya ako. At iintindihin ko siya hanngang kaya ko. Humingi ako ng two years para buuin ang sarili ko at paghandaan ang aming paghihiwalay. Masakit pero atleast, handa na ako.
END.
**************************
** AUTHOR's NOTE **
This is MY true story. Kung may pagkakahawig man sa inyo sa pangalan o pangyayari, ayaw nyo nun, pareho tayo? :p
'Di rin po lahat dito actual na nangyari. Medyo nadagdagan at nabawasan kasi di naman lahat pwede kong ilagay dito.:)
Yes, kami pa rin ni Ja. At sana tumagal pa.
If you have question, ayan sa baba yung comment box. Leave a comment. Kung LIKE nyo. Ayan yung vote button sa kanan.Click lang
Please take time to read some of my works too.. :)
http://www.wattpad.com/story/4929218-best-friend%27s-letter

BINABASA MO ANG
Good Morning Stranger [Completed]
Teen Fictiona lesbian love story "kung gaano kadali na nagng tayo, ganoon din ba kadali na magkakahiwalay tayo?"