E-B

910 2 0
                                    

Lumipas ang mga segundo, minuto, oras, araw, linggo at buwan nang magdecide kami magkita ni Loves ay este ni Ja. Tutal e, enrollment naman nun, magkta nlng kami halfway.

9:00 AM

"kTa tAu s My LrT LeGaRdA - JaLibi afTeR mU NroL", text ko.

"cge, txt kta aftr ng enrollment", reply nya.

Medyo kabado ako na excited na parang nasusuka at napupupu na hindi ko maintindihan. Ano kayang itsura niya? Kaboses niya si Angel Locsin kaya sigurado, kasing ganda, kasing puti, at kasing sexy nya yun! Rawr! Excited na meee!

...

...

...

Tatlong oras ang nagdaan.. Di pa siya nagtetext. Kumapit na sa akin ang lahat ng alikabok sa kalsada ng Morayta at ang mga amoy ng kalameres, fishbol at kwek kwek, di pa rin siya nagpaparamdam. Iindyanin pa ata ako ng bruhang yun. Muka niya! Pag inindyan nya ko, bubutasin ko mukha nya! Choz! Kala mo kaya, e.

*beebeebeep beep beep beebeebeep!* (in special message alert tone volume level 5*)

1

message

recieved

Tandang tanda ko pa ang synchronized na tinginan skn ng mga tao sa paligid, mga traysikel drayber, sikyu, tindera sa master siomai, eggmess, potdog, samalamig at yosi. Sabay-sabay! As in! Eto naman cellphone ko, eskandaloso. Pero walang basagan ng trip, bingi ang lolo mo e!

Ayan na, nagtext na ata sya. Salamat naman..

"wat tym k mttpos? pnthan mq d2 s bhay" text ni A. Ano b yan, wala bng ibang magtetext bukod sa taong ito?

*beebeebeep beep beep beebeebeep!*

"26 Apr 00:10PM

Load Bal: P1.00

Free Txt to Smart/TNT/Sun: 0

Free Txt to Smart/TNT: 0

Free Txt to all networks: 0

UnliTxtExp: 27 Apr 09:20"  -Sincerely Yours, BUDDY

May iba ngang nagtext, buddy balance naman. Ano ba yan, Ja, ang tagal mo!

*beebeebeep beep beep beebeebeep!*

"bkt d k nagrereply? mtgl kpb?", ang kulit naman ng A na to!

"aLm M aNg ChULeT mO! Ndi nKo mTa2pOs d2. wG k mUnA ngAnG mGtXt!", ang mean ata ng reply ko. Ang kulit niya kasi, eh.. Di ko na nga nireplyan text pa ng text. Bahala na, malulusutan ko naman to mamaya e.

Isang oras at kalahati ang nakalipas, di p rin nagtetext si Ja. Nalipasan nko ng gutom at nagw-wrestling na ung mga bulate sa tiyan ko. Nakain na rin ng large intestine ang isa ko pang large intestine (wala akong small intestine, puro large. Joke). Parang gusto ko ng umuwi.

*beebeebeep beep beep beebeebeep!*

"d2 nq Jalibi. d n kta ntxt knina kc dmi tao lrt" txt ni Ja.

Bigla akong kinabahan. Bumalik yung pkiramdam na na-feel ko kanina. Parang kinakabahan na excited na parang nasusuka na napupupu. Parang gusto kong dumiretso sa isa sa mga cr ng LRT pero nahihiya ako ska nkakahiya kay Ja.

"cgE pNtA nQ!" reply ko.

Nagmamadali akong naglakad papuntang Jollibee pero kahit na anong bilis ko, parang napakabagal ko. At habang lumalapit ako sa aming rendezvouz, lalong lumalakas ang tibok ng dibdib ko.

Good Morning Stranger [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon