LONELY BIRTHDAY

690 2 4
                                    

Dumating ang araw ng birtjday niya. 'Di siya nagpaparamdam.

"hApPy biRtHdAy MaMi!" bati ko.

3 minutes.. walang reply

...

10 minutes.. wala pa rin

...

1 hour.. wala pa rin

Hanggang sa dumating ang gabi. Nasa mall ako nun, umiinom ng McFloat at eating my favorite Crispy Chicken Sandwich.


*beebeebeebeep beebeebeep!*
tunog mula sa eskandaloso kong 3310.

1
message
received

Ayan na! Nagtext na ata siya! Hindi ako magagalit kung bakit di ka nagrereply. Birthday mo, eh. Pagbigyan.

"helo"text niya

"bKt D kA nAgtTxt mAmi? kMuStA bDaY mU?" tanong ko

after 15 minutes.. walang sagot

...

30 minutes..

"im sori ed." Ed? Bakit niya ako tinawag na Ed? Bakit hindi dadi? Galit ba siya sa akin?

"BkT mi? gLiT kB?" tanong ko/ wala talaga akong idea sa biglaang pagiging cold niya

"naaalala mo si fbchatm8? (itago na lang natin ang taong iyon sa pangalang fbchatm8) nagkktxt kmi" sagot niya

"O, anUnG prObLeMa? Text LnG pLa E" ako

"hndi k glt?" tanong niya

"Ndi. Txt LanG nMn Un E. mGGLiT aQ kUnG kAu" reply ko.

"kami na" mabilis niyang reply

Tila gumuho ang mundo ko sa nabasa. Pauli-ulit akong kumurap-kurap, nagbabakasakali na magbago ang nakasulat. Pero hindi, ganoon pa rin ang nakalagay 'kami na' - Aray ko! Ang sakit. Kinusot-kusot ko ang mata ko baka kasi nagkakamali lang ako ng nabasa. Sinubukan ko na ring i-powercycle (turn the phone off, ake the battery out for 5 secs, put it back then turn it on - basic troubleshooting) ang cellphone ko ng ilang beses pero pareho pa rin ang nakasulat 'kami na'.


Hindi ko alam kung paano o pa uubusin ang McFloat at kakainin ang paborito kong Crispy Chicken Sandwhich. Sinubukan kong kumagat pero parang wala nang lasa. Mula noon, itinigil ko na ang pagkain ng Crispy Chicken Sandwich.

Good Morning Stranger [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon