Di ko kinaya ang sakit ng ginawa sa akin ni Ja kaya naisipan kong magpakamatay. Di ko alam kung anong pagpapakamatay ang gagawin ko.. Tatalon ba ako sa ilog? Yuck, andumi non! Iinom ba ako ng lason? Kadiri naman yun, ampangit, mamamatay ako ng bumubula ang bibig ko? Ano kaya? Magsasaksak ako ng sarili? Masakit yun. Maglalaslas ako? Takot ako sa dugo, baka himatayin ako. Magpasagasa na lang kaya ako? Ay, wag na lang, ang pangit ko naman nun pag nilagay ako sa kabaong, basag-basag ang mukhako. Magbabaril ako? Wala naman kaming baril, eh. Hindi ko alam. Hanggang sa maisipan kong maghunger strike. Hindi ako kakain hanggang sa magsabong yung dalawang large intestine ko. Bahala na sila kung sino ang manalo sa kanila. Ang manalo, siyang panalo.
Di ko na kaya ang dipresyon. Ayoko na! Bakit nagawa sa'kin ni Ja ito? Parang gusto ko nang mawala sa mundo at hayaan siyang magpakasaya sa piling ng lalaki niya. Napabayaan ko na ang trabaho ko, Lagi akong absent, kung hindi naman absent ay late. Wala na'ng dahilan. Bakit pa ako magsisikap e iniwan na niya ako? Di lang trabaho ang napabayaan ko, maging ang aking sarili. Dati'y wala akong bisyo pero ngayon ay nagpapakalasing sa isang basong alak. Pinilit ko ring umubos ng isang kahang sigarilyo (isang pirasong yosi na nakalagay sa kaha) sa pag-asang makalimutan siya
Wala na Ja, sinira mo ang buhay ko! Sinira nyo ng lalaki mo! Bulong ko sa sarili Bulong na puno ng galit.
Kahit galit ako kay Ja, di ko maintindihan ang nararamdaman ko dahil gusto ko pa rin siyang makita, Gusto ko siyang makausap. Gusto kong humingi ng sorry. Pero baka hindi niya ako kausapin kaya gumawa na lang ako ng sulat. Kung di man niya ako kausapin, mababasa niya ang sulat ko. Sana lang ay basahin.
"Ja,mahal na mahal kita. Sana ay mapatawad mo ako sa mga pagkukulang ko.Patawarin mo ako kung hindi ako naging mabuting boyfriend sa'yo pero mahal na mahal kita, Ja. Sobra! Higit pa sa buhay ko. Thank you kasi dumaan ka sa buhay ko. Salamat at naramdaman ko kung paano ang mahalin at magmahal. Salamat.. - Ed"
Ito ang laman ng sulat na ibibigay ko kay Ja. Wala na akong pakielam kung 'di niya ako kausapin basta makarating sa kanya ang sulat ko.
Agad akong tumayo at nagbihis. (bihis agad?! walang ligo-ligo?). Nagpunta ako sa pinagtatrabahuan niya sa Makati. Matyaga akong nag-abang hanggang labasan niya. Tatlong oras din ako nag-abang nang makita ko na palabas siya ng building. Tinawag ko siya pero 'di niya ako narinig. Tinawag ko siya ulit pero parang kulang pa rin ang lakas ng boses ko.
"Jaaaaa!", sigaw ko nang buong lakas habang kinakawayan siya.
Nagpalinga-linga siya sa paligid nang makita niya ako. 'Di siya tumigil sa paglalakad kahit nakita na niya ako.
Agad akong tumakbo papalapit sa kanya nang.. Biglang dumilim ang aking paningin. Biglang naghiyawan ang mga tao. Biglang nanlamig ang pakiramdam ko at di ko mapigilan ang antok na nararamdaman ko.
*kkreeeeeekkkk! blaaaaaggg!*
Hindi ko namalayan ang pagdating ng isang pulang kotse sa sobrang excitment na aking naramdaman ng makita ko si Ja. Gustong gusto ko na'ng makarating sa kanya ang sulat ko. Mabuti na lang at naging mahigpit ang kapit ko sa sulat ko kay Ja. Sana mabasa niya iyon. Para malaman niya kung gaano ko sya kamahal.
Bukas na pala ang libing ng katawan ko. Paalam na sa'yo mahal ko. 'Di man tayo sa huli, sana ay maging masaya ka.
END.
**************************
** AUTHOR's NOTE **
- A friend suggested an ending. Sbi niya yung mamamatay daw yung bida para masaya. And this is it. -
BINABASA MO ANG
Good Morning Stranger [Completed]
Teen Fictiona lesbian love story "kung gaano kadali na nagng tayo, ganoon din ba kadali na magkakahiwalay tayo?"