dadi - mami

829 3 7
                                    

10:30AM, ginising na ako ni nanay. Tanghali na raw, eh. Ang lakas maka-batugan ng gising ko. Agad kong chineck ang telepono ko, baka may magtext, eh. Di naman ako nabigo.

"hi ed! gud morning! :)" - si Ja! nagtext si Ja!

"gUd mOrNiNg sUnShiNe! hOw's Ur mOrNiNg? nAgbfAsT kN?" reply ko.

Nagkapalitan kami ng messages. Masipag na ulit siyang magreply and still, mas masipag ako. Pakiramdam ko, ang ganda-ganda ng gising ko. Ganado akong sumunod sa mga utos ng nanay ko at dedma sa sermon ng tatay ko na text daw ako ng text. Basta ako, katext ko na si Ja.

"bKT d K nGtXt kGb? kLa Q d Mu nQ iTtXt, eH" tanong ko na medyo tampo pa rin. Tampo pa rin, e nagtext na nga yung tao, di ba?

"sori po, inutusn po kc agad aq ni mama kya d nq nkpgtxt," defend niya sa sarili. Alright. Give her the benefit of the doubt. Yeah, at nagtext na siya so ok na.

Nagtuloy-tuloy ang pagtetext namin. Dumaan ang mga araw, nagpasukan na, natapos ang first sem, nagsecond sem, magkatext pa rin kami. Nabawasan naman ang time ko kay A without her knowing - o.. pinapalagpas lang niya dahil sa sobrang bait niya? Whatever.  Basta ako, I have Ja, and I'm happy, we are happy!

"AnU gStO mOng TwGaN N10?" tanong ko. Ang tagal-tagal na namin, wala pa kaming tawagan.

"gs2 q mami ska dadi"

Wow! Mami and 'DADI'. Ayos 'yan. Tawagan ng mag-asawa. At naging mami na nga ang tawag ko sa kanya since then at di naman siya pumapalya sa pagtawag sa akin ng 'dadi'.

Good Morning Stranger [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon