just got home

867 2 0
                                    

"iNgAT pO.. TeXt2 pA RiN tAu aH!" text ko.

Honestly, kinain ko yung mga sinabi ko kanina. (Anong lasa? Masarap! Matamis! Try mo!) Sabi ko, makikipagkita lang ako saka ako uuwi. Pero.. Iba ang nangyari, e.  Hanggang ngayon, kinakabahan pa rin ako, mabilis pa rin ang tibok ng dibdib ko, parang nahihirapan akong huming (baka High Blood na ko?) parang napupupu na nasusuka na hindi ko maipaliwanag.

Iba man ang nakita ko sa ineexpect ko, hindi ko mailrawan ang naging saya ko. Lalo na ng tumingin sya sa mga mata ko at sabihin niyang.. "may muta ka o! sa kaliwa.. sige, meron pa.. ayan wala na" at nung dahan-dahan niyang hinawakan ang pisngi ko.. Tapos binulungan niya ako.. "mukhang ang dami mong gutom ah! may lakad ka?" Eeeehhh... Promise nakakakilig.

Para akong baliw na ngingiti ngiti sa loob ng LRT.  Di ko alam kung kinikilig ako o natutuwa ako. Basta, masaya ako. Yun ang alam ko.

"san kn? sori n knina.. pnta ka ba dito sa bhay?" - text ni A.

Oo nga pala, may A pa pala ako. Di ko na siya naalala, si Ja lang ang naging laman ng isip ko.

"Di AqO pNtA. MsMa PkrMdM Q..wG kMunA tx, bYaHe Q" reply ko.

Hindi naman talaga masama ang pakiramdam ko. Sa katunayan, ang saya saya ko nga e. Pero ayoko muna makita si A. Ayoko muna siyang kausap. Fresh na fresh pa yung eksena namin ni Ja at ayoko masira ang mga eksenang yun sa pag-iimagine ko.

Masunurin naman si A at hindi na nga siya nagreply hanggang sa makauwi ako sa bahay. Medyo late na rin yun, 8PM kaya kumain ako ng kaunting dinner (kaya manaba, e) at nahiga na.. (KATUGA - KAin, TUlog, GAla ang drama ko diba?)

"NkAuWe nKo.." text ko kina A at Ja. GM ito?

"M22Log NQ. MsMa tLgA pKrMdM Q. wG kN rEpLy" text ko kay A. Baka kasi sumagot pa e. Panira ng moment.

Past 9:30 na nun pero di pa rin nagtetext si Ja. Kamusta na kaya siya? Baka kung ano ng nangyari sa kanya? Nasaan na siya?

"Ja, Sn kN?" text ko.

"d2 nq bhay knina p" agad naman niyang reply.

Bakit di siya nagtext kanina? Di rin siya nagreply sa text ko kanina. Di naman ako pangit a! Marami ngang nagsasabi, kamukha ko raw si Aiza Seguerra. Wala lang akong tatts. Di ba niya ako nagustuhan? That, I don't know. Ewan ko pero parang nagtampo ako so di na rin ako nagreply. Di ko na lang inalala ang mga eksena kanina sa Jollibee. Malulungkot lang ako lalo.

Sinilent ko ang itim kong 3310. Di naman siya magtetext, eh. 'Di na 'ko aasa na magtetext siya. Pero 'wag ka, maya't maya naman ang tingin ko sa screen ng cellphone ko, baka may magtext e. baka magtext siya.

Paulit-ulit ang pagchecheck ko sa phone ko na walang Ja na nagtetext, hanggang sa makatulugan ko ang ganoong eksena.

Good Morning Stranger [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon