S-O

1K 3 0
                                    

Lumipas ang ilang linggo at buwan, hindi kami nagkatext ni Ja. Anu ba yun, literal na dumaan lang talaga siya.  Kumbaga sa pagkain e tinakam lang ako.  Wala namang nagbago sa pakikitungo ko kay A.  Pero namimiss ko si Ja.  Miss agad? Di ba pwedeng naaalala muna?

Buti na lang di ko binura ang good morning message niya.  Ibig sabihin, pwede ko pa rin syang itext.

"Hi! ZtA kNa?" text ko.  Sana magreply.

"eLow! Ed 2. bKa kC NbUrA mU n # Q", text ko ulit

*beep*

1

message

received

Kabado akong tinignan ang cellphone ko.  Nagreply kaya sya o si A lang ang nagtext? Sana si Ja.

"hi.. msta?" Grabe ang ngiti ko nang nakita ko na sa kanya galing ang message.  Kinamusta ako ni Ja.

"Ok nMn aQ.. bkT d kA nAgTtXt? bC kW?" napakafeelingero ko diba? Magtanung daw ba kung bakit di nagtetext? Boyfriend?

"nagtext ksi skin gf m. wg n rw ktang itxt"

Ganun?! Tinext talaga sya ni A?

"SeNxA n pU.. wLa N kMe. tXt2 tAu" anu ba naman tong pinagsasasabi ko.

"ah.. ok!" reply niya.  parang di naniniwala sa sinabi ko.

"kMusTa nMn? My Bf kN?", ambillis ata ng tanong ko.. Boyfriend agad?!

"actually.. oo!" Aw! May boyfriend na pala siya. Ewan ko pero parang nainis ako nung malaman ko na may bf na pala siya. E may gf naman ako.

"pro break n kme", text nya ulit.

Tuwang tuwa ako nang nabasa ko yun. Napangiti ako at agad na nagreply. "Ok LnG b N LiGwAn kTa?" lakas ng loob diba?

...

5 minutes..

...

Wala nanamang reply.

Umabot ng 30mins ang pag-aantay ko sa reply nya nang..

*beep!*

"sure k? Ni ndi p nga tau nagkkta e." Oo nga naman ano? Hindi ko pa nga alam ang hitsura nya at ganuon din naman sya sa akin.

"Ok LnG nMn CgUrO. LhAT nMn TaU aY gNwAnG mGndA. WLa nMn TaOnG pNgiT" defend ko. Tama naman diba?

"sbgay.." matipid niyang sagot.

After nun, walang tigil na ang pagtetext namin. Masipag siyang sumagot at mas masipag ako. Medyo nabawasan naman ang reply ko kay A which is okay lang naman para sakin. One week ding naging ganun ang eksena namin.

One morning..

"pwEdE bA kTanG mGing Gf?" text ko

"huh? seryoso ka? ambilis nman ata?" alam ko nagulat siya. Medyo naging mabilis nga ata ako. Sa text lami nagkakilala, sa text ko siya niligawan, di pa kami nagkikita at ngayon, one week after kong magpaalam na liligawan ko sya e tatanungin ko sya kung gusto ko syang maging gf?

I'm sorry A pero di pa kami nagkikita nitong si Ja, parang iba na yung nararamdaman ko sa kanya.. sabi ng isip ko. Isip ko ba talaga ang may sabi nito o ang puso ko? Ewan ko. Basta ang alam ko, ganun ang nararamdaman ko.

"iM sEriOUs. dUn diN nMn tAu pU2nTa diBa?" di naman makapal ang mukha ko noh?

"cge n nga!" hahaha! Anu ba yan, sige na nga lang ang reply. Parang napilitan lang. Pero ok lang. Atleast, kami na.

"TLgA? Yesss! sO.. tAu nA? Ü"

"oo"

Yes! Kami na! Bukod kay A, may iba pa akong gf!

Good Morning Stranger [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon