KABANATA 1
DEALNARRATOR'S P.O.V.
NAKATITIG SI KANOR sa natutulog na asawa at sa kanyang mga anak. Tinititigan niya nang matagal ang napakagandang mukha ng kanyang anak na si baby Gabriella.
Hindi na niya alam kung ano ang gagawin,. Ayaw niyang mawala sa kanya ang anak nila ni Martha, pero hindi niya rin alam kung ano ang gagawin sa mga oras na ito.
Kailangan nang maoperahan si Calvin ngayong Linggo ring ito."Mr. Cruz, kailangan n'yo nang maghanda. Hindi na natin pwedeng i-postpone ito dahil lumalala na ang sakit sa puso ng anak n'yo. Bibigyan ko kayo ng isang linggo para magdesisyon," sabi ng doktor sa kanya.
"Sige po. Gagawin ko ang lahat ng magagawa ko, basta po iligtas n'yo ang anak ko," nagmamakaawang sabi ni Kanor dito.
"Gagawin ko po ang makakaya ko, Mr. Cruz. Sige po, maiwan ko na kayo. May naiwan pa kong pasyente sa kabila," paalam na sabi ng doktor sabay tapik sa kanyang balikat.
"Mahal . . ." tawag ni Martha sa kanya na kagigising lang. Nagbalik siya sarili nang magsalita ang asawa niya.
"Ayos ka lang ba, mahal?" nag-aalala nitong tanong habang bumabangon sa pinaghigaan nito.
"'Wag ka munang tumayo, baka mabinat ka," maagap na sabi naman niya rito at inalalayan itong maka-upo.
"Sabihin mo nga Kanor, may ibang problema pa ba?" tanong muli nito sa kanya.
"Martha, hindi ko na alam ang gagawin. Mababaliw na ako kaiisip ng pwedeng solusyon," nahihirapan niyang sabi.
"Ano ba kasi iyon? Bakit hindi mo sabihin nang maunawaan ko?" naguguluhan nitong pagtatanong.
Huminga siya nang malalim at hinawakan ito sa dalawang kamay, "Kailangan na kasing maoperahan si Calvin, tapos hindi ko alam kung saan kukuha ng ipangbabayad natin dito sa hospital bill. Tapos ano . . ." sabi niya na hindi matuloy-tuloy dahil nag-aalangan siyang sabihin ang susunod.
"Tapos ano, Kanor?" nabibitin na pagtatanong ni Martha.
"May lumapit sa akin na lalaki kanina. Inaalok niya sa akin na bibilhin daw ng amo niya si Gabriela sa atin, kapalit ng pagpapagamot kay Calvin at iba pang bayarin," tuluyan niyang sabi at napayuko habang hindi mapigilan na mapaiyak.
"Ano?! 'Wag mong sabihing ipinagbili mo ang anak natin, Kanor?! Sumagot ka!" nanggagalaiting sabi Martha at hindi na mapigilang mapahagulhol din habang hinahampas ang asawa.
"Hindi—hindi ako pumayag. Pero Martha, saan tayo kukuha ng pera? Kailangan na rin ni Calvin na maoperahan. Kung hindi, baka pati siya ay mawala sa atin," naluluhang sabi ni Kanor.
Natahimik si Martha. Maging siya ay hindi niya alam kung saan kukuha ng pera.
Nabulabog sila ng isang katok mula sa pintuan ng kwarto nila. Pinuntahan ni Kanor ang pinto upang buksan para malaman kung sino ang kumatok, at ang bumungad sa kanya ay si Atty. Alfred na naman.
"Good afternoon po, Mr. & Mrs. Cruz," magalang na pagbati ni Alfred.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Kanor.
"Nandito po ako para tanungin kung ano na po ang naging desisyon n'yo?" balik na tanong ni Alfred.
Nagkatinginan ang mag-asawa at napabugtonghininga si Martha. Kahit mahirap at masakit para sa kanya ay kailangan niyang gawin ito para sa mga anak nila.
"S-sige . . . pumapayag na ako. Pero pwede bang humiling na bigyan n'yo muna kami ng pagkakataon na makasama hanggang sa magdalaga ang anak naming si Gabriella? Please, gusto pa naming makasama ang anak namin," nanginginig at naluluhang pahayag ni Martha.
Niyakap naman siya ni Kanor na naguguluhan dahil hindi siya makapaniwala na pumayag ito.
"Martha, a-ano? Pumapayag ka na?" hindi makapaniwalang sabi ni Kanor.
"Kanor . . . hindi ko gustong ipamigay ang anak natin. Bilang ina na nagsilang sa kanya, hindi ko matatanggap na mawala ang anak ko sa akin, pero ayaw ko rin namang mawala rin ang anak nating si Calvin," nanghihina at nasasaktang sabi ni Martha
"Excuse me. Sige po at tatanungin ko lang ho sandali ang amo ko sa desisyon n'yo. Maiwan ko na po kayo," pukaw ni Alfred sa mag-asawa, sabay labas ng kwarto.
Dinampot ni Alfred ang cellphone niya sa bulsa at nanginginig na dinial ang numero ng amo niya. Agad naman itong nasagot.
"L-Lord . . . pumapayag na po ang mag-asawang Cruz. Pero may kondisyon po sila . . ." Nanginginig ang boses ni Alfred habang sinasabi iyon.
"Spill . . ." malamig ang boses na sabi ng nasa kabilang linya.
"Kung pwede raw po bang sa kanila muna ang anak nila hanggang sa magdalaga raw po . . ." kinakabahang pagpapatuloy ni Alfred.
Bahagyang natahimik ang linya bago muli itong sumagot.
"Sige. . . pero sabihin mo sa kanila na 'wag nilang tatangkaing itakas si Gabriella, dahil hindi nila magugustuhan ang gagawin ko. Naiintindihan mo?" sambit ng kaniyang tinatawag na 'Lord' sabay baba ng tawag.
Napahingang malalim si Alfred at napatingin sa pinto ng kwarto ng pamilyang Cruz. Naaawa siya sa sasapitin ng pamilyang ito, lalong-lalo na ng batang si gabriella.
Dahil kahit maisipan nilang tumakas, tiyak na mahuhuli sila ng kanyang Lord at baka ikamatay pa nila iyon.
Copyrights 2015 © MinieMendz
BINABASA MO ANG
The Mafia Lord James Esteban (Self Published)
General FictionThe heartless, handsome, and the most powerful mafia boss-James Esteban. Sa edad na sampung taon ay niluklok na siya bilang pinakabatang mafia ng bansa. Nang dahil sa galing sa pakikipaglaban ay marami na agad ang natatakot na kalabanin siya. Batak...