KABANATA 10 - JEALOUS

62.3K 1.2K 22
                                    

KABANATA 10
JEALOUS

GABRIELLA’S P.O.V.


PAGKAUWI NAMIN SA bahay ay nakita ko ang mga bodyguard ni James na mga may pina-pack na gamit. Nagtataka ako dahil puro armas iyon. May giyera ba?

“Ah, James. Para saan ang mga iyan?” takang tanong ko rito. 

“Mga order kasi ang mga iyan, sweetheart,” sabi niya kaya tumango na lang ako.

Naglakad na ako papasok nang may makasalubong akong babae. Maganda siya at sexy—sexy ang damit. Naiilang ako sa suot niya, litaw kasi ang dibdib niya na tila kasinglaki ng papaya.

Tiningnan ko ang dibdib ko na normal ang laki. Kahit seventeen pa lang ako ay malaki na ang dibdib ko, pero doble ang laki ng kanya. Tapos sa skirt naman, siguro ay pagyuko nito, kita na ang puwet at panty. Grabe.

Nagtitipid ba siya ng tela? Bakit ako, kahit mahirap may pambili pa naman ng maayos na damit?

Sinundan ko kung saan ito pupunta at nagulat pa ako nang pumunta ito sa gawi nila James at napansin ko na may hinulog siya para makayuko.

Grabe talaga! Sa tapat talaga ni James yumuko?

Tiningnan ko si James at hindi ko alam kung bakit naiinis at nagagalit ako. Parang gusto kong sabunutan ang babaeng iyon. At ito naman si James, tumitig pa talaga! Kasama ang mga nagngingisihan na sina Kuya Nelson na may kasama pang sipol. 

Nang mapadako ang mata ni James sa akin ay inirapan ko siya at tinalikuran, pero bago ako umalis ay nakita ko ang nagtataka at tila nabahala niyang mukha nang makita ang reaksyon ko.

Pagpasok ko sa loob ay dumiretso ako sa kusina upang uminom ng tubig. Sa bawat kasambahay na nadadaanan ko ay umiiwas ng tingin sa akin. Siguro ay napansin nila ang masamang aura na bumabalot sa akin. 

Nang mapadaan ako sa kusina ay nagulat ako nang makita ang isang gwapong lalaki na nagluluto. Maputi, singkit, matangkad, at medyo malaki ang katawan. Napatingin siya sa akin, pakiramdama ko naman ay namula ang mukha ko.

“Sino po kayo?” tanong ko rito at kumuha ng tubig sa refrigerator.

“Señorita, ako po si Boreng. Bagong chef ni Mr. Esteban.” Nang sabihin niya ang pangalan niya ay natawa ako nang malakas.

“Señorita, bakit po?” takang tanong niya. Nagpunas ako ng nangilid na luha ko sa mata dahil sa katatawa.

“Ang gwapo-gwapo mo, tapos Boreng ang pangalan mo? Boring ka pala.” Natatawa talaga ako habang sinasabi iyon.

Nakita kong pumula ang mukha niya at napakamot ng ulo na animo’y tila nahihiya.

“Señorita, ang ganda n’yo pong ngumiti. Pasensiya na po sa pangalan ko, iyon kasi ang pinangalan sa akin,” sabi niya habang namumula na nakayuko ang ulo. Ang cute niya.

“What’s the meaning of this, ha? Gabriella?” Nagulat ako sa dumadagundong na sigaw ni James sa buong kusina. Natakot ako sa madilim at galit na galit na mukha niya. 

“Nag-uusap lang kami,” mahina kong sabi at yumuko upang hindi makita ang nagbabaga niyang tingin.

“Tsk. Nag-uusap? Bakit mo siya nginingitian, ha? At ikaw! Kay bago-bago mo lang, nilalandi mo na agad ang Gabriella ko. YOU’RE FIRED!” Nagulat ako sa biglang pagtanggal ni James sa trabaho kay Boreng. Nakita ko ang pagyuko at malungkot na mukha ni Boreng.

“Ah, James. Hindi naman siya ang nginingitian ko, kinekwento kasi kita sa kanya kaya ngumingiti ako,” malambing kong sabi sa kanya at lumapit para kumapit sa braso niya.
Nakita ko naman ang paglambot ng mukha niya. 

“You! Get Out! Hindi ka pwede dito, doon kita ia-assign sa hotel ko,” galit pa rin na sabi niya kay Boreng. Yumuko lang ang huli at umalis na rin.

“James, bakit ka ba ganyan? Wala naman siyang ginagawa sa ’yo?” mahina kong sabi, kahit naiinis na ako.

“Tsk. Ikaw babae, bakit ka ngumingiti sa kanya, ha? Sa akin nga, hindi ka man lang ngumingiti. Tapos siya na kakakilala mo lang, nginingitian mo na,” nakabusangot at salubong ang kilay na sabi niya.

“Asus. ’Di ba nga, ikaw ang kinekwento ko sa kanya. Sinabi ko kasi sa kanya na kahit masungit at lagi kang galit ay mabait ka, maalaga, at gwapong-gwapo pa,” pang-uuto ko pa sa kanya. 

Gabriella, go to hell!

Napakasinungaling mo na.

Nakita kong namula at umaliwalas ang kaninang busangot niyang mukha.

“Uy, kinikilig siya! Kinikilig si Mr. Esteban,” tukso ko pa sa kanya. 

Tinalikuran niya lang ako kaya napangiti na lang ako habang tinatanaw siya.

NARRATOR’S P.O.V.

NAKARATING NA SILA ni Gabriella sa bahay. Naunang bumaba sa kanya si Gabriella. Susundan niya sana ito nang makita niya ang mga pinapalabas niyang mga gamit. 
Pinahinto niya sila Xesar sa paglabas ng gamit.

“Xesar, ibalik n’yo na ’yan,” maawtoridad niyang utos dito na kinataka nila Nelson at Xesar, maging ang iba nilang kasama.

“Bakit, Lord? Bakit nagbago ang plano n’yo?” takang tanong ni Nelson.

“Hindi nagbago ang plano,” malamig niyang sabi sa mga ito. “Matutuloy pa rin ang plano, hindi nga lang ngayon. Dahil hindi ko pa maiiwan si Gabriella nang mag-isa rito,” sabi niya habang tinatanaw si Gabriella na huminto sa paglalakad.

“Gano’n ba. Sige, Xesar. Ibalik n’yo na ’yan,” sabi ni Nelson sa mga kasama.
Habang isa-isang binabalik ang mga ito sa warehouse, dumaan sa harap nila si Christina. Yumuko ito na tila may inaabot.

‘Bitch!’ ani ng isip niya. Halatang sinadya nitong ipakita ang puwet at panty nito sa ikli ng skirt na suot. 
Nagsingisihan at sipulan sina Nelson at tila tuwang-tuwa sa view na nakikita nila.

“Lord, gusto yata magpatira sa inyo. Mukhang hindi pa nadala sa amin,” natatawang nakangising sabi ni Mark na sinisilip ang singit ni Christina.

“Tsk. Kung si Gabriella siya, baka ako pa mismo ang lumapit. Christina, bumalik ka na sa tinitirahan mo. Tatawagin na lang kita ’pag oras na para bantayan mo si Gabriella,” maawtoridad na utos niya rito. Nakita niya ang pagkuyom ng kamay nito, pero tumalikod na rin agad.

Dahil nasabi na niya ang pakay niya kina Nelson ay pinuntahan na niya si Gabriella. 

Nang mapadaan siya sa sala ay nakita niya si Manang Ising. Tinawag niya ito at tinanong kung nasaan ang señorita nito. Sa kusina raw ito dumiretso.

Nagtataka siya kanina nang irapan at talikuran siya nito. Wala naman siyang ginagawa rito?

Nang malapit na siya sa kusina ay na rinig niya ang tawa nito kaya napangiti siya at tuloy-tuloy na pumasok sa kusina. Ngunit, ang ngiti niya ay napalitan ng galit at selos.
Nakangiti kasi ito sa bago nilang chef. Nagsisi tuloy siya na kinuha niya pa ito, mukhang nakapukaw ang itsura nito sa dalaga na hindi niya matanggap. Gusto niya na siya lang ang ngingitian nito. Gusto niya ay siya lang ang nakakakita ng ngiti nito. At gusto niya na siya lang ang nakikita nito.

Kaya hindi niya napigilan ang sumigaw sa sobrang galit at selos. 
Pero napawi ito nang lambingin siya ni Gabriella, pero hindi siya madaling maloko at alam niyang nagsisinungaling lang ito. Pagbibigyan niya na lang muna dahil ayaw niya na magkagalit sila. 


©MinieMendz

The Mafia Lord James Esteban (Self Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon