KABANATA 12 - LEAVING HER

68.7K 1.4K 10
                                    

KABANATA 12
LEAVING HER

GABRIELLA’S P.O.V.


LUMIPAS ANG MGA araw para sa amin ni James at mas nakilala namin ang isa’t isa. Naging masaya kaming dalawa lalo na at sweet at maalaga siya. Lagi niya rin akong sinasabihan ng ‘i love you’. Hindi ko rin malaman sa sarili ko kung bakit ang bilis kong bumigay pagdating sa kanya.

Simula nga no’ng may nangyari sa amin ni James, lagi na siyang nakadikit at lagi na niya akong ginagalaw. Minsan nga, kahit pagod at hindi pa ako nakakatulog ay hindi niya ako pinagpapahinga at tinatantanan. 

Natatakot ako sa maaring mangyari, pero sabi niya mahal niya ako. Kaya iyon ang panghahawakan ko. Pero siguradong magagalit sila Nanay sa oras na malaman nila ito.

Kabilin-bilinan nila na ’wag daw akong magpapagalaw kapag hindi ko naman asawa pa, kaso bumigay agad ako. And worse, I like it.
Babalik na nga pala ako sa eskwelahan, pinayagan na niya ako. Pero may bantay raw ako. Gusto ko nga umangal, kaso baka bawiin pa niya. 

Sayang naman at kailangan ko rin iyon para may maipagmalaki naman ako sa hinaharap. Napag-iiwanan na rin kasi ako ng mga dati kong classmate. Hindi ko pa natapos ang huling grading period dahil nga hindi na ako pinapapasok ni James. Kaya ang nangyari ay bumagsak ako. Nalaman ko rin na sa kanya pala ang eskwelahan na pinapasukan ko. Sabi nga niya ay kahit hindi na raw ako pumasok, sa kanya naman daw ang eskwelahan na iyon. Pero ayoko ng gano’n. Gusto kong paghirapan ang bawat grado na nakukuha ko.

“Señorita, pinapatawag po kayo ni Lord sa office niya,” pukaw sa akin ng isang katulong sa labas ng pinto. 

Tumayo ako mula sa work table niya rito sa kwarto. Nag-a-advance reading kasi ako dahil sa susunod na linggo na ang pasukan ko.

“Sige po, Ate. Susunod na po ako,” pasigaw na sagot ko kay Ate Gloria para marinig niya ako. Nakabisado ko na rin ang ibang pangalan ng katulong. Yung iba ay hindi pa dahil hindi ko naman sila laging nakikita.

Niligpit ko muna ang lahat ng kalat ko at pati mga libro na ginamit ko. Nakakahiya naman kasi sa kanya, ang linis-linis lagi ng kwarto niya, tapos dudumihan ko lang. Pagkatapos ay lumabas na ako papuntang office niya. Hindi ko alam kung bakit ako nito tinawag pero mukhang importante dahil mas madalas na siya mismo ang pumupunta sa akin.
Nakarating na ako at kumatok ako nang tatlong beses upang malaman niya na narito na ako.

“Come in!” rinig kong sabi niya. Binuksan ko na nga ito at pumasok. Sinara ko ang pinto at hinanap ng paningin ko kung nasaan siya.
Nakita ko siyang nakaharap sa malaking salamin ng bintana ng opisina niya. Lumapit ako nang kaunti sa lamesa niya.

“Bakit mo ako pinatawag, James?” tanong ko sa kanya. Narinig ko siyang bumuntonghininga bago siya humarap sa akin.

Lumapit siya sa pwesto ko at nagulat ako nang yakapin niya ako nang mahigpit.

Yinakap ko rin siya pabalik kahit na naguguluhan ako sa kinikilos niya.

“Bakit, James? May problema ba?” takang tanong ko rito. Para kasi itong hirap na hirap.

“Hayaan mong yakapin muna kita, sweetheart,” bulong na sabi niya at hinalikan ako sa noo kaya pinabayaan ko na lang muna siya.

Ilang sandali lang ay bumitiw rin siya sa akin ng yakap, hinawakan niya ako sa balikat at hinarap sa kanya. Titig na titig siya sa mukha ko, tila kinakabisado ang bawat anggulo nito.
Huminga muna siya nang malalim at tiningnan ako sa mga mata.

The Mafia Lord James Esteban (Self Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon