KABANATA 8
JAMES DEVILGABRIELLA’S P.O.V.
HINDI KO MAPIGILAN ang ngumiti nang ngumiti. Hindi lang dahil excited ako na makapunta sa sinasabi niyang amusement park, kundi dahil napagtanto ko na hindi naman pala siya masamang tao. Si Mr. Esteban—I mean si James. No’ng una naiilang ako na hindi siya gamitan ng paggalang, kasi matanda na siya kumpara sa edad ko. Pero siya, James lang talaga ang gusto niya. Kaya iyon na talaga ang itatawag ko.Sinabi rin niya na gusto lang daw niya na may makasama siya sa buhay, dahil mag-isa lang daw siya sa malaking bahay. At dahil bigla akong nalungkot at napansin ko rin naman sa buong dalawang araw ko na nakatira sa bahay niya, maid at bodyguard lang ang lagi kong nakikita. Kaya in-assume ko na wala na siyang pamilya.
“Excited ka na ba, sweetheart?” pukaw niya sa akin. Mula sa pagtanaw sa bintana ay nilingon ko siya. Mga ala-una na rin siguro ng hapon. Paano kasi nag-love making pa kami—iyon ang sabi niya.
“Opo! Excited na excited na po,” sabi ko at nginitian ko siya, pagkatapos ay muli kong tinanaw ang mga nadaraanan naming mga bahay at iba’t ibang establisyamento na gusali.
Bigla ay naalala ko sila Nanay, Tatay, at Kuya nang mapadaan kami sa isang mall. Tuwing may birthday kasi ang bawat isa sa amin, lagi kaming pumupunta sa ganitong pamilihan at pasyalan. Kahit naman na mahirap kami, nagagawa rin naming makapunta rito upang kumain sa mga fast food chain at pagkatapos ay magtitingin-tingin lang. Parang window shopping.Bigla naman ay nalungkot ako dahil miss na miss ko na sila. Hindi ko naman magawang makapagsabi kay James na gusto kong nang umuwi, dahil baka magalit siya. Nakakatakot kasi siyang magalit, basta pinangangatugan ako ng tuhod sa takot at kaba.
“Sweetheart, may problema ba? Bakit bigla yatang lumungkot ang mukha mo? Naiinip ka na ba? Malapit naman na tayo,” sunod-sunod na tanong niya sa tono ng pag-aalala, hindi ko rin naman masabi kung ano ba talaga ang tunay na pinapadama niya dahil nalilito ako sa reaksyon ng mukha niya na laging blangko at malamig, pero iba naman ang sinasabi ng bibig at kilos niya.
“Ah, wala lang po ito,” pagkakaila ko. Umiwas ako ng tingin sa kanya at bumaling muli sa bintana.
“Spill it, sweetheart. Pangako, hindi ako magagalit,” malabing niyang sabi. Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at pinaglaruan ang mga daliri ko.
Nagdadalawang-isip pa ako kung sasabihin ko ba o hindi? Huminga ako nang malalim at mas napiling umamin sa kanya.“A-ano po kasi . . . gusto ko pong makita sila Nanay. Miss ko na po kasi sila,” kinakabahang pahayag ko habang ang kanang kamay ko ay kinukurot ang hita upang maibsan ang kaba ng nararamdaman ko.
Napansin ko ang pagtigil ng paglalaro niya sa kamay ko at paghinga siya nang malalim. Hinila niya ako palapit sa kanya at pinatong ang ulo ko sa dibdib niya habang nakaakbay ang braso sa aking balikat.“Sige, pagkatapos natin sa pamamasyal, dadalaw tayo sa magulang mo. Pero sa isang kondisyon . . .” Hindi ko mapigilang gumaan ang pakiramdam at ngumiti nang pagkalaki-laki dahil sa sinabi niya. Tumingala ako sa kanya at hinintay ang sasabihin niyang kondisyon.
“Gusto kong susundin mo na ako sa lahat ng gusto ko at hindi sumasaway sa mga pinag-uutos ko, maliwanag ba?” maawtoridad at may ngisi sa mga labi niya na tila may binabalak na plano.
Hindi ko na ito pinansin pa at masayang-masaya akong tumango sa kanya.
“Sige po, promise, hindi na ako magiging pasaway,” nakangiti kong sabi sa kanya habang nakataas pa ang kaliwang kamay na parang nanunumpa.
BINABASA MO ANG
The Mafia Lord James Esteban (Self Published)
General FictionThe heartless, handsome, and the most powerful mafia boss-James Esteban. Sa edad na sampung taon ay niluklok na siya bilang pinakabatang mafia ng bansa. Nang dahil sa galing sa pakikipaglaban ay marami na agad ang natatakot na kalabanin siya. Batak...