NARRATOR'S P.O.V.
PABABA SI JAMES sa hagdan ng eroplano niya habang nakaantabay sa baba ang mahigit singkwenta kataong tauhan niya sa matataas na mga posisyon. Hindi pa kasama ang nasa ibang bansa at ibang probinsiya na hawak din niya.
Pagkababa ay pinahawak niya sa isa sa mga ito ang kaniyang attaché case, ngunit hindi ang pasalubong niya para kay Gabriella. Ayaw niya na may ibang hahawak nito.
Naka-black shades siya habang suot ang black business suit niya, white stripe necktie with black leader coat na lalong nagpagwapo sa kanya.
Nagsimula na siyang maglakad papalapit sa magara niyang sasakyan. Pinagbuksan siya ng isa niyang bodyguard at agad na pumasok matapos hubarin ang suot na black leader coat.
"Sa masyon tayo, Mark," maawtoridad niyang sabi sa driver niya ngayon. Pagkasabi niya no'n ay pinasibat na ni Mark ang sasakyan habang ang ilang tauhan ay nakasunod naman.
Pagkalipas ng mahigit isang oras, palapit na sila at paliko na sa kanto ng lupain niya nang may makita siyang naglalakad. Hindi siya maaaring magkamali, sa hubog ng katawan nito ay alam niya na si Gabriella niya ito. Nagmamadali niyang pinahinto kay Mark ang sasakyan at agad siyang bumaba.
Inilang hakbang niya ang pagitan nila ng babaeng naglalakad na tila pinagbagsakan ng langit at lupa.
Hinawakan niya ito sa balikat at pinaharap sa kanya. Nakita niya na may luha sa mga mata nito kaya niyakap niya ito nang mahigpit. Naramdaman naman niya na yumakap ito nang pabalik.
"Tahan na, sweetheart. Narito na ako, hindi na kita iiwan pa," pagpapatahan niya rito. Napansin niya naman na tumigil ito sa pag-iyak kaya nakahinga siya nang maluwag. Hinarap niya ito sa kanya at pinahid ang luha na lumandas sa magkabila nitong pisngi.
Ngumiti ito sa kanya, pero bakit tila walang epekto ang ngiti nito? Hindi nito nagawang pabilisin ang tibok ng kanyang puso.
Ngumiti siya nang pabalik at inaya na ito sa sasakyan niya. Bago siya lumakad ay malalim na napaisip siya.
Nagkibit-balikat na lang siya at sumunod dito habang inaalalayan ito sa paglalakad.
Pagpasok nila sa sasakyan ay yumakap ito sa braso niya at humalik sa pisngi niya. Kailan pa naging sweet ito sa kanya?
"Saan ka ba nagpunta, sweetheart? Bakit tinakasan mo ang bantay mo? At ikwento mo nga kung anong nangyari sa pamilya mo?" sabi niya rito na ikinatigil nito sa paghahalik sa kanyang pisngi.
"P-wede . . . mamaya ko na lang sabihin. Na-miss kasi kita . . ." paglilihis nito sa usapan. Hindi niya alam pero naiirita siya. Epekto kaya iyon ng mahaba niyang pagkakatulog? Dapat kasi ay natutuwa siya dahil naging clingly na ito sa kanya na hindi naman nito gawain.
"Okay . . ." Bumuntonghininga siya at sinenyasan si Mark na ipagpatuloy na nito ang pagmamaneho.
Pagdating sa mansyon ay sumalubong ang mga nakayukong katulong at nakahilerang ilang bodyguards na naiwan.
Bumaba si James at humarap sa mga taong naglilingkod sa kanya. Seryoso niya itong tiningnan at sinenyasan si Basty na lumapit na tila gulat pa dahil hindi nito alam kung paano sasabihin na nawawala ang señorita niya.
"I told you to looked for her, ha? Bakit siya nakaalis?" mariin at may bahid na galit ang boses niya.
"L-Lord, patawad po. Pinuntahan ko po ang señorita sa hospital, kaso hindi niya ako pinatuloy. Sabi niya kinabukasan na lang po ako bumalik, kaya nang balikan ko siya nang maagang-maaga ay wala na siya sa hospital." Natatakot man ay nagawa nitong magpaliwanag kahit tiyak na mapaparusahan siya.
"Fuck!" mura ni James at sinikmuraan si Basty sa tiyan na kinaubo at kinaluhod nito sa lupa.
"Tonta! Bakit mo naman sinunod!" giit niya at hinawakan sa kwelyo si Basty at iniharap sa kanya.
"Patawad po, Lord. Pangako po hahanapin ko po ang señorita," nakangiwi at kinakabahan nitong sabi.
Pabalya siyang binitiwan ni James at inayos ang nagusot na suit.
"No need," asik ni James at binuksan ang pinto ng kotse kung saan naroon ang babae na tila tuwang-tuwa sa nangyayari. Nang makita nito na bubuksan na ni James ang pinto ay binalik niya sa sweet na Gabriella ang kilos niya.
Nakangiti niyang sinalubong si James at bumaba, kumapit pa siya sa braso nito na tila isang tuko. Matagal na niyang inaasam na mapasakanya ang isang James Esteban, mabuti at siya ang kinuha nito.
Pagbaba ni Gabriella ay napasinghap ang lahat maging si Basty na hindi makapaniwala.
"S-Señorita . . ." bulong ni Basty na tila nalilito.
"Pasalamat ka at ako ang nakakita sa kanya, dahil oras na may nangyari sa kanya, hindi ko alam kung saan ka pupulutin," sambit ni James at tinawag si Nelson. Sinenyasan niya ito na itayo si Basty.
"Sige, magsibalikan na kayo sa ginagawa n'yo. At 'wag n'yo muna akong iistorbohin," mariin niyang utos sa mga ito.
"Yes, Lord!" sabay-sabay na sambit ng kanyang tauhan.
Lumakad na siya kasabay ni Gabriella na umirap sa mga kasambahay.
Pagpasok nila ay inutusan ni James ang kasambahay na dalhin si Gabriella sa guest room.
Nagtataka ang dalawang kasambahay na laging nag-aasikaso kay Gabriella kung bakit sa guest room ito patutuluyin?
"Babe, bakit sa guest room? Do'n na lang ako sa room mo, please," malambing nitong sabi, pero sinalubong siya ni James ng nakakunot ang noo. "Babe?" mariin na sabi niya. Ang alam niya ay James ang tawag sa kanya ni Gabriella?
"A-ah kasi . . . 'di ba, mas sweet kung babe ang itawag ako sa 'yo?" palusot na sabi nito. Huminga naman nang malalim si James at tumango. "Okay . . ." maikling sabi James, "pero doon ka muna sa guest room," pagtutol nito sa gusto ni Gabriella. Humarap ito sa dalawang katulong.
"Dalhin n'yo na ang Señorita n'yo sa kwarto," utos niya rito at umalis na sa harapan ng mga ito.
Pagpasok niya sa opisina ay umupo siya sa recliner at hinilot ang noo, tila sumasakit ang ulo niya kakaisip. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit wala siyang gana na makasama ito? Kung bakit ayaw niyang patuluyin ito sa kwarto? Pakiramdam niya ay nagtataksil siya kapag pinatuloy niya ito doon. "Lord?!" tawag ni Nelson mula sa labas ng pinto. "Come in . . ." sabi ni James na sumandal sa sandalan ng inuupuan niya.
Bumukas ang pinto at pumasok si Nelson.
"Lord, tinawagan ko na po ang dark tres at-" Hindi na natapos ni Nelson nang pigilan siya ni James.
"Tell them to stop what they're doing, sabihin mo sa kanila na nakita ko na si Gabriella," sabi ni James na hinihilot ang noo.
"Pero, Lord, pakinggan n'yo muna ako, mahalaga po ito. Sabi nila, hindi raw-" pagpapatuloy ni Nelson, kailangan nitong masabi na hindi si Gabriella ang kasama nila, ngunit pinigil siyang muli ni James.
"Fuck! Get out! Sinabi na 'wag akong istorbohin," mariin at inis na sabi ni James kay Nelson habang nakaturo sa pinto.
Bumuntonghininga muna si Nelson at napipilitang umalis. Nababahala siya dahil tila sarado pa ang isip nito, matitiyak niya na kasama ang nagpapanggap na señorita niya sa mga kalaban nila.
Paglabas ni Nelson ay kumuha si James ng baso na may yelo at nilagyan iyon ng alak. Kinuha niya rin ang telepono at tumawag kay Carey na leader ng Assasination.
"Hello, Mr. Devil Esteban? Himala at tumawag ka sa gwapong katulad ko?" mayabang na sabi ni Carey sa kabilang linya. Nagsalubong naman ang kilay ni James tanda na nasura na agad sa kausap nito.
"Asshole!" inis na sabi ni James na tinawanan lang ng nasa kabilang linya. Ang hilig talagang mang-asar nito, kung hindi niya lang kailangan ito ay hindi niya ito tatawagan.
"Okay, Okay . . ." pagsuko nito. "Ano ba'ng atin?" seryoso nitong tanong at hinintay ang sasabihin niya.
"Gusto kong hanapin mo ang pumatay sa magulang at kapatid ni Gabriella ko," seryosong utos ni James.
"Nice, loverboy ka na pala ngayon? Maganda at sexy ba ang chic mo?" Napapikit nang mariin at ibaba na niya dapat ang tawag nang pigilan siya nito.
"Wait! 'Wag mong ibababa. Okay, gagawin ko na. Syempre kailangan ng gasolina ito, Mr. Esteban," swapang nitong sabi.
"Okay," maikling sabi lang ni James.
"Wait! Ipadala mo pala litrato ng chic mo," nang-aasar nitong sabi na kinainit ng ulo niya.
"Fuck you!" mura niya rito dahil sa inis. Ibinaba na niya ang tawag at hinagis sa table na nasa harap ang phone.
© MinieMendz
BINABASA MO ANG
The Mafia Lord James Esteban (Self Published)
General FictionThe heartless, handsome, and the most powerful mafia boss-James Esteban. Sa edad na sampung taon ay niluklok na siya bilang pinakabatang mafia ng bansa. Nang dahil sa galing sa pakikipaglaban ay marami na agad ang natatakot na kalabanin siya. Batak...