KABANATA 9
MYSTERY GUYNARRATOR’S P.O.V.
MULA SA MALAYO ay may tatlong tao na nakatayo sa madilim na parte at nagmamasid sa lahat ng galaw ni James at ang babaeng kinababaliwan nito na si Gabriella.“Sa tingin mo ba, uuwi ba ang Lord kapag nawala sa landas ang babaeng iyan?” tanong ng isang may maarte at mataray na boses na babae. Isa ito sa tatlong taong nagmamasid na pare-parehong may suot na kapang itim.
“Sa tingin ko ay kamatayan lang ang maaaring makahantungan nito, Zia,” sabi naman ng lalaki na tila malamig ang katauhan at malamig pa ang pangalan.
“At bakit mo nasabi ’yan, Ice?” mataray na tanong ni Zia.
“Kung hindi n’yo nakikita, wala pang ibang nakakapagpangiti kay Lord. Kailan man ay hindi pa niya nagagawang ngumiti, ngunit ang batang babaeng iyon ay nagagawang pangitiin nang totoo si Lord na hindi pa niya ipinapakita sa atin,” sabi nito habang patuloy na nagmamasid sa dalawa na masayang sumasakay sa sakayang lumilipad sa ere na hindi nila alam kung ano ang tawag.
“At tingin ko rin, masasaksihan natin ang hindi natin gustong makita. Ang lumabas ang demonyo na nakapaloob kay Lord, na ayaw na nating masaksihan pa,” sabi naman ni William—ang happy go lucky sa kanila, pero sa oras ng panganib ay lumalabas ang pagkaseryoso.
“Tsk. Ano bang nagustuhan ni Lord d’yan sa babaeng iyan? Maliban sa mas bata sa kanya at mukhang lampa pa?” nanggagalaiti sa selos na pahayag ni Zia habang masamang nakatingin sa masayang si Gabriella.
“Hindi pa ba obvious, Zia?” pang-asar na tawa ni William kay Zia na masamang tumingin sa kanya.
“Che! Mas maganda at hamak na sexy naman ako kumpara d’yan.” Hindi niya matanggap na itong babae lang ang makakakuha sa matagal na niyang iniibig na si James.
“Zia, kahit siguro maghubad ka, hindi ka mapapansin ng Lord. Kaya ’wag ka nang umasa,” pang-aasar ulit ni William.
Habang patuloy na nagtatalo ang dalawa ay tahimik lang si Ice na nakamasid sa mga ito hanggang sa mapadako ang tingin niya sa isang tao na nagmamasid din kagaya nila.
Base sa tindig at kilos nito ay isa itong lalaki. Nahaharangan din kasi ito ng kapang itim.Hindi nagtagal ay humarap ang lalaki sa pwesto nila at ngumisi, naestatwa si Ice sa kanyang kinatatayuan.
Hindi maaari! Bakit? Paanong nangyari?
Maraming katanungan sa isip niya na naputol dahil sa pagtapik sa balikat niya. Nagulat siya at napatingin kina Zia na tila nagtataka sa ikinikilos niya.
“Hey, Ice. Are you okay?” tanong sa kanya ni Zia na nakakunot ang noo.
“O-oo, ayos lang a-ako . . .” nauutal na sabi niya. Hindi niya namalayan na tulala na pala siya mula sa pagtitig sa lalaking iyon. Tumingin ulit siya sa pwesto nito ngunit wala na ito roon.
“Ano bang nakita mo at tila ka tinakasan ng kaluluwa? Maputla ka pa,” tanong naman ni William na maging ito ay nagtataka sa ikinikilos iya.
“Wala. Wala,” pagkakaila niya sa mga ito. Hindi muna niya sasabihin ang nakita niya, gusto niyang makasiguro, baka kasi namamalikmata lang siya. Dahil kung totoo nga ang lahat, kinakabahan siya sa mangyayari.
BINABASA MO ANG
The Mafia Lord James Esteban (Self Published)
General FictionThe heartless, handsome, and the most powerful mafia boss-James Esteban. Sa edad na sampung taon ay niluklok na siya bilang pinakabatang mafia ng bansa. Nang dahil sa galing sa pakikipaglaban ay marami na agad ang natatakot na kalabanin siya. Batak...