FIFTEEN - HURT

50.7K 1.1K 20
                                    

GABRIELLA’S P.O.V.


SA BAHAY AY tulala ako na nakatingin sa buong kwarto habang inaalala si James. Mahigit isang buwan na, pero hindi pa siya tumatawag or mag-text man lang. Iniisip ko nga baka nakalimutan na ako no’n, pero pag iyon naman ang sumasagi sa isipan ko ay parang dinudurog ang puso ko. 
Kapag nasa school naman ako ay hindi ako nakakapag-concentrate sa mga itinuturo. Idagdag pa ang minsan na pagsama ng pakiramdam ko. Balak ko sana magpatingin sa doktor at baka may malala na akong sakit. Pero kasi parang wala akong gana sa lahat ng bagay.
Bago pumasok sa school ay pinuntahan ko muna sila Nanay para kamustahin. Masaya ako at nasa mabuti silang kalagayan. At pasalamat na rin kahit papaano ay nawala sandali ang napakarami kong iniisip. 
Nanlalata ako na naglalakad sa hallway ng school. Marami na rin ang nakakasalubong ko na estudyante na mabilis na nagsisipasukan dahil malapit na rin mag-time.
Kahit na nanlalata ay binilisan ko na lang ang paglalakad dahil baka ako pa ang ma-late.
Pagpasok ko sa room ay naroon na ang mga klase ko na ang iba ay busy sa pagkekwentuhan, ang iba naman ay busy sa pangongopya ng assignment. 
Hindi ko na ito inabala pang pansinin at umupo na lang sabay subsob ng mukha sa armchair. Pero hindi pa man nagtatagal ay pumasok na rin ang teacher namin kaya umayos na ako ng upo at tumingin sa unahan.
“Good morning, Class!” bati niya sa amin habang nilalapag ang gamit niya sa desk.
“Good morning, Ma’am,” ganting bati naman namin.
“Before we proceed, I want to introduce the transfer student from Sacred School. And please be kind to her,” sabi at paalala sa amin ni Ma’am bago siya bumaling sa pinto. “Please, come in, Ms. David,” sabi ng teacher namin kaya napatingin din kami sa pinto nang pumasok na ang transferee daw.
Pero gano’n na lang ang gulat ko nang mapansin na kahawig na kahawig ko ang babaeng transferee. Maging style ng buhok, pati kulay ko ay katulad ng kanya, ang naiiba lang ay ang magara niyang pananamit. Maging ang mga classmate ko ay nagulat, pero napalitan din ng paghanga nang ngumiti ito sa kanila. 
“Hi! I’m Sarah David, from Sacred Exclusive School. Sana ay maging magkaibigan tayong lahat,” maikli niyang sabi habang nakangiti. Tumingin ito sa akin at tila nagulat din, pero kalaunan ay ngumiti rin.
“Okay, Ms. David. Please seated infront of Ms. Cruz.” Itinuro ako ni Ma’am para malaman nito kung saan uupo. 
Bakit tila iba ang pakikitungo ni Ma’am dito sa Sarah na ito? Tila ginagalang niya?
“Thank you, Ma’am,” nakangiti nitong sabi habang nagpunta na sa upuan niya. 
Nginitian niya ang mga kaklase namin na nakatingin at nakangiti rin sa kanya. 
Ang swerte naman niya at gusto agad siya ng mga kaklase ko. Hindi tulad ko na hanggang ngayon ay mga nilalait pa ako, pero nagtataka talaga kung bakit kami tila magkamukha? Pwede kaya magkaroon talaga ako ng kamukha? Nakibat-balikat na ako at nag-concentrate sa tinuturo ni Ma’am.
Matapos ang ilang oras . . .
Tapos na ang klase namin at nag-aayos na kami ng gamit habang ang iba ay palabas na ng room para umuwi.
“Hello, girl! I’m Ivy lopez,” narinig kong pakilala ni Ivy kay Sarah na nagliligpit na rin ng gamit.
“Oh, hi. I’m Sarah,” nakangiti nitong pakilala ulit.
“I know, ang ganda-ganda mo. ’Di ba ikaw ’yong nasa sikat na magazine? Balita ko may fiancé ka na raw? It’s that true?!” maarte at tila gulat na sabi ni Ivy. 
Teka, may pakakasalan na siya? Masyado pa siyang bata, ’di ba?
Gabriella, ikaw nga nawala na virginity mo at may boyfriend ka pa kay bata-bata mo pa rin.
“Yes, it’s true. Paano n’yo nalaman?” humahagikhik at nakangiti niyang pagkumpirma kina Ivy na nakangiti rin sa kanya. 
“Ano ka ba, girl. Usap-usapan na kaya kayo ng fiancé mo sa newspaper at ibang social media site. At balita ko bigtime daw ang fiancé mo, sino ba siya?!” kinikilig pa kunwari si Ivy. Plastic talaga, oh. 
Tumayo na ko at maglalakad na sana nang marinig ko ang sinabi niya na kinapako ng paa ko sa sahig. Tila namanhid ang mga binti ko at hindi ako makahinga dahil sa sinabi niya. 
Totoo ba ’yon? Hindi! Hindi! Nagsisinungaling lang siya! Pero bakit alam niya kung nasaan ito? 
Lumuluha na tumakbo ako palabas ng room. Pinahid ng nanginginig kong kamay ang luha ko na hindi matapos-tapos sa pagtulo. 

The Mafia Lord James Esteban (Self Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon