THIRTY FIVE - TRUST

42K 953 8
                                    

GABRIELLA’S P.O.V.


PAGSARA NG PINTO ay humarap sa akin si Mark na akala mo ay tumakbo ng malayo dahil tagaktak ang pawis. Napunta naman ako sa upuan na malapit sa gawi ko. Nanghihina kasi ako at parang ang sama ng pakiramdaman ko kaya hindi ko maunawaan ang nangyayari.
“Señorita, ’wag ka sana magagalit kay Lord,” nababahalang sabi ni Mark na nakadaop-palad pa ang mga kamay.
Tumango naman ako sa kanya bilang tugon dahil wala akong ganang magsalita.
“K-asi . . . ano . . .” Huminga muna siya at nagpatuloy sa pagsasalita. “Kasi ’yong babaeng nakakapit kay Lord, ’yon si Stella.” Napanganga ako sa sinabi niya. 
Stella? Siya ba ’yon binabanggit ng mama ni James? 
“Sabi niya kasi fiancée raw niya si Lord,” nag-aalangan nitong sabi na ikinatango ko. Hindi ko naman kailangan magalit dahil magtitiwala ako kay James kahit anong mangyari.
“A-ayos lang sa iyo ’yon?” nagtataka niyang tanong na tinanguan ko lang ulit at tumayo na. “Wait! Saan ka pupunta?” pigil nito sa akin.
“Sa kusina, nagugutom kasi ako,” mahina kong tugon dahil feeling ko talaga ay magkakasakit ako.
“Ah, gano’n ba. O sige, halika . . .” Inakay na ako nito palabas ng kwarto.
Inalalayan niya rin ako pababa dahil ako man ay hirap maglakad dahil sa bumibigat ko nang tiyan.
Pagbaba namin ay naabutan pa rin namin sila na kumakain. Niyuko ko lang ang ulo ko dahil nahihiya ako sa pagtingin nila. Inakay na ako ni Mark sa upuan na katabi niya at katapat ni James. Hindi ko na lang siya tiningnan at tumingin na lang sa plato. Kukuha na sana ako ng kanin nang sabay kinuha ni James at Mark ito. Gusto kong matawa pero pinigil ko, baka sabihin na tuwang-tuwa pa ako sa nangyari. Nakita ko ang masamang tingin ni James kay Mark na nanigas na yata sa upuan niya at namutla. Kaya kinuha ko na lang kay James ang kanin at hindi na lang siya pinansin.
Tunog ng plato, kutsara’t tinidor lang ang maririnig sa paligid at tila nagkailangan ang lahat. Naputol ang katahimikan nang magsalita ’yong Stella gaya ng sinabi sa akin kanina ni Mark.
“Babe, dito ako matutulog, huh? Tabihan mo ako . . .” pagpapa-cute nitong sabi na kinaubo ni James. Bahala nga sila d’yan, wala akong gana na pansinin sila.
Ramdam ko ang tingin ni James sa gawi ko, ngunit hindi ako nag-angat ng tingin. 
“Ah. Stella, hindi pwede. Kung gusto mo talaga dito, sa ibang room ka na lang,” sabi ni James na umiinom ng tubig. May naramdaman akong paa na tumatama sa paa ko. Tumingin ako kay James na parang tanga. Akala niya siguro galit ako. Tumingin kasi ito na tila may ipinapahiwatig. 
“Ayoko, gusto ko na katabi ka!” nagmamaktol nitong sabi. Para na naman itong bata kumilos, nasa twenties na ito at isip bata pa kumilos.
“Ano ba! Ang kulit mo! Gusto mo bang paalisin kita rito o sa ibang room ka na lang matutulog?!” galit na sigaw ni James na tumayo kaya bumagsak ang upuan na kinauupuan nito. Nagulat ang lahat dahil talagang galit na ang mukha nito. Para namang napahiya si Stella kaya napayuko ito.
“Ano ba, son. Bakit mo naman sinigawan si Stella? Hija, okay ka lang ba?” nag-aalalang sabi ng mama ni James na hindi niya ginawa sa akin.
“Okay lang po, Tita . . .” mahina nitong sabi at humarap kay James. “Doon na lang ako sa ibang room, babe. ’Wag ka lang magalit,” pagpayag nito kay James na nakakuyom ang kamao bago huminga nang malalim. Bumaling siya kina Nelson na tila walang nangyari.
“Team, pumunta na lang kayo sa office ko pagkatapos n’yo d’yan,” bilin nito sa pito at bumaling sa akin na ikinayuko ko lang. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain dahil kulang talaga ako sa kain simula kaninang tanghali.

BINUKSAN KO NA ang pinto ng kwarto at pumasok. Hindi ko na binuhay pa ang ilaw at nagpahinga muna sa kama. 
Ipipikit ko na sana ang mata nang may naramdaman akong dumampi sa labi ko. Dumilat ako sa gulat at napabuga ng hangin na si James pala iyon. Naka-lean siya sa akin habang nakatukod ang mga kamay sa kama. 
“Sweetheart, galit ka ba?” maamo niyang tanong na kinailing ko lang at hinaplos ang mukha niya. Napapikit naman siya at napangiti. Hinawakan niya ang kamay ko na nakahawak sa mukha niya at hinalikan ito. Nahiga siya sa gilid ko at hinamas ang tiyan ko. 
“Napagod ba kayo nila baby, hmm?” malambing niyang sabi habang humahalik sa balikat ko.
“Hindi naman, ayos lang kami dito,” nakangiti kong sabi. Tinaas niya ang braso ko hanggang sa ulo ko. Pumikit naman siya at siniksik doon ang mukha na kinakiliti at kinahiya ko.
“Ano ba, James. Nakikiliti ako . . .” natatawa kong sabi na ikinatawa niya rin. Hinalik-halikan niya pa ito na lalo kong kinatawa nang malakas.
“James, tama na!” natatawa kong sabi na tinigil naman niya. Sunod-sunod ang paghinga ko dahil sa ginawa niya. Kinurot ko nga sa tagaliran niya na kinaiwas naman niya. 
“Ang bango-bango mo kasi, sweetheart. Amoy baby,” nakangiti at pilyo nitong sabi. Tinalikuran ko na lang siya at pumikit dahil kulang din ako sa tulog.
“Oo nga pala, sweetheart. May pasalubong ako. ’Yong ice cream mo nasa refrigerator, at ito nga pala . . .” may ipinakita siya sa akin na libro na tungkol sa mga baby. Tuwang-tuwa ko itong kinuha at humarap ako sa kanya. 
“Wow! Ang cute naman nito, akin talaga ito?” nakangiti kong tanong habang inumpisan na buklatin. Tumagilid siya ng higa at tinukod sa ulo ang kaliwang kamay.
“Syempre sa ’yo ’yan, sweetheart. Sabi na at magugustuhan mo,” nakangiting sabi niya habang tumitingin din sa libro.
“Gustong-gusto ko talaga ito,” tuwang-tuwa kong sabi, narinig ko naman ang pagtikhim niya kaya lumingon ako.
“Wala ba akong welcome at thank you kiss, sweetheart?” nagpaparinig nitong sabi na ikinangiti ko. Kinurot ko siya sa pisngi niya at hinalikan nang dalawang beses.
“Ang bilis naman!” pagrereklamo niya. Kinurot ko nga ulit sa tagaliran.
“Ikaw talaga!” Nilapag ko ang libro sa table na nasa gilid ko tsaka ako humarap sa kanya at yumakap sa baywang. Tinitigan ko siya sa mata at inilapit ang labi ko sa labi niya. Dadampian ko lang sana nang hilahin niya ang batok ko at malalim akong hinalikan. Sumabay na lang ako sa galaw ng labi niya at lalong yumakap sa kanya. Hindi nga lang mahigpit dahil baka maipit ang tiyan ko.
Nauubusan ako ng hangin na bumitiw at ngumiti sa kanya, ngumiti rin siya at nilagay ang ulo ko sa dibdib niya.
“Sweetheart, sana kung ano man ang marinig o malaman mo sa ibang tao, ako lang ang papakinggan mo, ha?” nahihintakutan niyang sabi kaya tumingala ako sa kanya.
“Bakit, ano ba ang dapat kong marinig?” nalilito kong tanong sa kanya. Bumuga muna siya ng hangin at seryosong tumingin sa akin.
“’Di ba nakilala mo na si Stella?” tanong niya na tinanguan ko. “Kaya niya sinasabi na fiancèe ko siya, at kaya niya sinabi na papakasalan ko siya, dahil iyon sa naipangako ko na labag sa loob ko.” Napakunot noo ako dahil sa sinabi niya. Pinangakuan niya ng kasal ito? Humiwalay ako sa kanya at napaupo. Nanginginig ang kamay ko dahil sa sinabi niya at nangingilid ang luha.
“Hey, sweetheart, don’t cry. Please! Let me explain first, okay?” natataranta nitong sabi at umupo habang hinawakan ako sa balikat para iharap sa kanya.
Pinunasan niya ang luha ko at tumitig sa mga mata ko.
“Nagawa ko lang iyon dahil nasusura na ako sa kanya. Bigla na lang kasi siyang nagwawala. Sampung taon lang ako no’n, at doon din siya nag-aaral sa school na pinapasukan ko. Nakakasura na kasi ang pagsunod at pagkakalat niya na papakasalan ko siya kaya nasabi ko iyon para tumigil siya sa pag-iyak. Hindi ko naman alam na seseryosohin niya iyon,” sunod-sunod niyang paliwanag na talagang pinaiintindi niya talaga sa akin. Tumango naman ako at ngumiti. 
“Akala ko kasi iiwan mo ako dahil sa pinangako mo. Sabi kasi ni Nanay, dapat daw ang pangako ay tinutupad,” nakayuko kong sabi at pinagsiklop ang kamay.
“Sweetheart, tama naman ang sinabi ng Nanay mo. Pero ang kinaibahan lang, ’yong buong puso mo na pangako ang dapat na tinutupad. Pero kapag nag-aalangan ka at hindi mo kagustuhan, pwede mo rin na hindi tuparin,” paliwanag niya sa akin na ikinangiti ko na. 
“Thank you, James. Dahil inamin mo agad sa akin ang lahat ng ito, nalilito rin kasi ako kanina . . .” malambing kong sabi sa kanya habang yumakap sa baywang niya.
Tumahimik naman siya at tila may iniisip. Naramdaman ko siya na bumuntonghininga at tila nahihirapan.
“Sweetheart, may dapat pa akong ipagtapat sa ’yo. Sana mapatawad mo ako kung sa tingin mo ay nagkamali man ako sa ginawa ko,” nag-aalala niyang sabi na ikinatingin ko.
“Ano ba iyon?” tanong ko. Huminga muna ulit siya nang malalim at pumikit bago inumpisahang sabihin sa akin ang lahat-lahat.


© MinieMendz

The Mafia Lord James Esteban (Self Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon