FOURTY ONE - TWINS

18.4K 423 12
                                    

Fourty One


Gabriella's POV

Nakapalumbaba akong nakatitig sa natutulog na mga anak ko, ang gwapo nila. Pero nakakainis! Puro kay james nakakuha ng itsura, wala man lang ata nakuha sa akin.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto at kahit hindi ko lingunin, alam kong si james yun. Nakakatawa, dahil dahan-dahan talaga nyang binubuksan ang pinto.

"Sweet heart, hindi pa ba tayo matutulog? Tulog naman sila baby." ungot ni james sa akin, huminga ako ng malalim at tumayo. Inayos ko muna ang kumot nila at lumapit sa kama namin.

Paghiga ko ay ipipikit ko na sana ang mata ko ng maramdaman ko na humalik sa akin si james, dumilat ako at yumakap sa bewang nya.

"Good night, Hubby.." inaantok kong sabi sa kanya at pinikit ang mata, napangiti ako ng marinig ko syang napamura at tila nahihirapang huminga.

Hindi ko nalang pinansin iyon at natulog na.

-

Samantala

Hindi naman makatulog si james, dahil naakit sya sa suot ng asawa.
Akala nya makakascore na sya, pero tinulugan lang sya.

Sinuklay-suklay nya ang buhok nito, pero napahinto sya ng marinig nyang tumatawa ang kambal.

Maingat syang umalis sa higaan, para hindi magising si gabriella. Tinungo nya ang kambal at napangiti sya dahil tila nananaginip pala ang dalawa.

"Mga baby ko.." rinig nyang ungol ni gabriella. Natutuwa sya sa nakikita dahil tila magkakausap ang mga ito sa panaginip, kinuha nya ang video cam at vinideohan ang mag-ina nya.

"Hello, mga anak. Si daddy ito. Manang-mana kayo sa akin ng mukha, pero sa mommy nyo naman kayo nagmana ng kabungisngisan." natatawa nyang sabi sa camera.

"Mahal na mahal ko kayo. Alam nyo ba mahal na mahal ko ang mommy nyo? Alagaan natin sya, ha? Wag matigas ang ulo nyo paglaki nyo." Hindi nya alam bakit lumalabas sa bibig nya iyon.

Nagulat sya ng pumalakaw ang mga ito ng iyak.

"Uwahh!! Uwahh!! Uwahh!!"

"Shhh. Tahan na Jam at Gab, baka magising ang mommy nyo." Bulong nyang pagpapatahan sa kambal, huminto naman ng iyak ang mga ito. Ngunit naroon parin ang bakas ng luha sa pisngi ng mga ito kaya pinunasan nya ito at humalik sya sa noo ng mga ito.

Nahiga sya ulit sa tabi ni gabriella at niyakap ito ng mahigpit at hinalikan sa noo.

-

Gabriella's POV

Paggising ko ay wala akong katabi sa higaan, maging ang mga bata ay wala rin sa higaan nila.

Tumayo ako at nagpunta sa banyo para maghilamos at magsipilyo, pagkatapos ay nagpunta ako sa closet at kumuha ng pamalit na damit.

Pagbaba ko ng hagdan ay wala rin sila sa sala, nagpunta ako sa dinning area ngunit wala rin. Nakita ko si manang gloria at tinanong kung nakita ba nya ang mag-ama ko.

"Naroon sa hardin, Señorita." nakangiti nyang sabi kaya ngumiti ako rito at nagpasalamat.

Nakita ko na nilalaro ni james ang mga bata habang parehas nyang bitbit. Hindi kaya sya mangawit?

Nakangiti na lumapit ako sa kanila, ngunit napawi din ng may tumayo na babae na sexy, maganda at halata mong mayaman.

Nakita ko ang pagdikit nya kay james at kunwari na nilalaro pa ang kambal ko.

Nagbaba ako ng tingin at napakuyom ng kamao. Sino ba yung babaeng ito?

"About sa proposal ko sayo, magkita nalang tayo mamayang gabi." mapang-akit nitong sabi at humawak pa sa balikat ni james.

The Mafia Lord James Esteban (Self Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon