NARRATOR’S P.O.V.
MAY TATLONG TAO na nakamasid sa dalagang si Gabriella na umiiyak sa puntod ng magulang nito at kapatid.
Nagkatinginan sila at tila pare-pareho ang naiisip.
“Tingin mo alam na kaya niya ito?” sabi ng maarte na boses ng isang babae, habang tinatanong ang dalawang kasama na tumingin ulit kay Gabriella na ngayon ay kaibigan na lang nito ang kasama. Umalis na ang mga tao matapos ihatid ang labi ng tatlong namatay.
“Tingin ko ay hindi pa. Dahil dapat ay nakauwi na ’yon. At hindi ko alam kung bakit nawala ang contact natin sa kanya,” sagot naman ng isang lalaki habang naninigarilyo at nakatingin kay Gabriella.
“At sa oras na nalaman niya iyan, tiyak na sa lupa uuwi ang may gawa n’yan. Ngayon pa nga lang, nakakaramdam na ako ng nakakakilabot na kamatayan para sa gumawa n’yan . . .” sabi naman ng isa pang lalaki habang nakasandal sa puno at pinagmamasdan ang dalagang si Gabriella.
“Kailangan natin na mapalapit sa kanya at bantayan siya. Siguradong lalong hindi natin magugustuhan ’pag ito na mismo ang nasaktan,” mariin na sabi pa ng lalaking humihithit ng sigarilyo.
“Ganon na nga,” sang-ayon naman ng babaeng kasama nila.MAY MGA KALALAKIHAN naman na busy sa pagsusugal, sa pag-iinuman, at may mga naglalampungan din sa isang tabi.
“Tang ina! Natalo pa ako ni gago!”
“Galingan n’yo kasi mga ulol!”
“Ahh! Shit! Grabeng putang—ito. Wild na wild. Ohh! Shit! Napakagaling mo!” sabi naman ng isa habang sarap na sarap sa ginagawa ng babae sa pagkalalaki niya.
“Tang ina! Kahit dalawa kayang-kaya ng putang ’to!” sigaw naman ng isang tila naka-drugs pa habang sabay sila ng isa pang lalaki na tinitira ang bayarang babae.
“Hoy! Magsitigil na kayo sa ginagawa n’yo, parating na si boss!” sigaw ng pinaka-leader ng mga ito.
“Puta! Hindi pa ako tapos.”
“Shit! Bitin!”
“Hoy! Magbayad kayo mga gaga!”
“Magsitigil na sabi!” sabi ng leader nila sabay kasa ng baril na pinaputok din agad habang nakatutok sa itaas.
Natahimik ang lahat at nagsiayos sa kani-kaniyang pwesto.
Yumukod sila nang marahas nang bumukas ang pinto at pumasok ang tinatawag nilang boss. Gwapo, Matangkad, Katamtaman ang puti at seryoso ang mukha.
Naglakad ito patungo sa sofa at naupo, kumuha rin ito ng basong may yelo at nilagyan ng alak. Inisang lagok lang nito iyon bago nagsalita.
“Nagawa n’yo ba nang maayos ang pinapagawa ko?” maawtoridad niyang tanong habang nagsisindi ng sigarilyo na nakalapat sa labi niya.
“Yes, boss. Malinis na malinis. Tiniyak namin na sa kanya mapupunta ang sisi,” sagot ni Dante, ang pinaka-leader sa lahat.
“Very good. Ganyan nga. ’Pag magaling kayo magtrabaho, tiyak na may paglalagyan kayo,” nakangising tila demonyong sabi nito.
“Sa ngayon, pabayaan muna ang babaeng iyon. Naiintindihan n’yo?” pagpapatuloy niya.
“Yes, boss,” sagot naman ng lahat.
“Oo nga pala, Dante . . . sabihin mo kay David na kumilos na, natitiyak ako na pauwi na ’yon.” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumayo siya at lumapit sa isang bayarang babae na hindi pa nagagamit. Sinabunutan niya ito at kinaladkad sa isang kwarto.
“Patay kang puta ka, sira ang pagkababae mo!” sigaw ng isang kasamahan nila.
“Tang ina! High na high na si chong.” Puro tawanan na ang maririnig.SAMANTALA, NAGISING NA mula sa pagkakatulog ang isang lalaki. Dahan-dahan niyang minulat ang mga mata at tumitig sa kisame. Kahit may sugat sa bandang dibdib ay hindi niya ininda ang sakit, walang mababakasan na kahit anong emosyon sa kanyang mukha.
Bumukas ang pinto nito at pumasok ang itinuturing niyang kanang-kamay. Nagulat ito nang makitang gising na siya. Agad na lumapit ito sa kanya at tila balisa sa sasabihin.
“What?” asik at naiinip niyang sabi rito.
“L-Lord, kailangan n’yo na pong makauwi ngayon . . .” kinakabahang sabi nito.
Dahan-dahan na tumayo ang lalaki na tila hindi nanggaling sa mahabang pagkakatulog.
Kumuha ito ng alak at ibinuhos sa sugat nito, napangiwi naman ang kanang-kamay niya na tila siya ang nasasaktan.
“Uuwi na talaga ako, tiyak ko na nag-aalala na siya. Ilang araw ba akong nakatulog?” tanong nito habang nagsasalin ng alak para inumin.
“Isang buwan at tatlong linggo na po . . .”
Takot at gulat ang naramdaman ng lalaki nang biglang basagin ng Lord niya ang basong hawak nito gamit ang kamay.
Humarap ito sa kanya nang madilim at galit ang mukha.
“Fuck! Si Gabriella? Tumawag na ba siya, ha?” sigaw nito at hindi mapakali na hinahanap ang cellphone. “Shit! Damn it! Where’s my goddamn phone?!” nagmumura nitong sabi habang hinalughog ang kama at pati ang laman ng box sa table, pero hindi nito mahanap.
“A-ah, Lord. ’Yong phone n’yo po, nahulog n’yo po ’ata . . .” Kinakabahan ito lalo’t ’pag nagtanong na ito kung ano ang kalagayan ng babaeng kinababaliwan nito.
“Tang ina! Bakit ngayon mo lang sinabi, ha? Tumawag ba kayo sa kanya? Sinabi n’yo ba na uuwi rin ako agad, ha?” sabi nito na paiba-iba ng emosyon at tila hindi alam ang gagawin. For the first time, ngayon niya lang nakita na tila hindi nito alam ang gagawin. Kilala niya ito na hindi natitinag ang emosyon . . . nagbago lang simula nang makilala ang babaeng mahal na mahal nito.
“Lord, patawad po. Pero simula nang nangyari sa atin, nawalan na tayo ng connection sa Pilipinas. Tila may humaharang na may malaman tayo, kanina lang ako nakabalita ng mga nangyayari doon,” pinagpapawisan at nakaluhod na nitong sabi.
“What do you mean? May tumarantado sa atin, ha?” mariin at malamig nitong tanong sa lalaki na namumutla na sa takot.
“Yes, Lord. At kakatawag ko lang kay Basty. Hindi po niya mahanap ang señorita. Nalaman ko sa kanya na patay na ang magulang at kapatid ni Señorita, pinatay po sila . . .” Pagkasabi ng lalaki ay tumingin siya sa Lord niya na itinuturing niya na tagapagligtas. At kung hindi dahil dito, hindi niya alam kung saan siya pupulutin. Sa mahabang panahon na naglingkod siya rito, kahit na hindi ito magpakita ng emosyon, alam niya na umiiyak ito ngayon at dahil iyon sa dalaga.
Tumalikod ito sa kanya at tumingin sa labas ng bintana habang nakakuyom ang mga kamay.
“Ihanda mo ang private plane, uuwi na tayo. Sa oras na malaman ko kung sino ang may gawa ng lahat ng ito, lintik lang ang walang ganti,” maawtoridad at malamig nitong sabi.
“Masusunod po,” sagot niya at lalabas na sana nang tawagin siya nito ulit.
“Nelson, tawagan mo ang Dark Tres. Sabihin mo na hanapin nila ang señorita mo. As soon as possible.” Pagkatapos niya pakinggan ang utos nito ay lumabas na siya ng silid na iyon.HABANG NAKATANAW SA malayo, kinuha niya ang litrato ng babaeng mahal na mahal at miss na miss na niya.
Natatakot siya dahil tiyak na nasasaktan ito ngayon dahil sa pagkawala ng pamilya nito.
“Patawarin mo ako kung bakit ngayon lang ako nagising. I’m sorry, sweetheart . . .” pagkausap nito sa litrato na kinuha niya habang natutulog sila. Napakaganda talaga nito kahit sa pagtulog. Napangiti siya at hiniling na sana ay nahanap na ng mga inutusan niya ito pagkauwi niya, dahil mababaliw siya kapag hindi niya ito nakasama, nakita at nahagkan.
Mula sa pagtatanaw ay napukaw siya ng isang katok mula sa pinto ng kinaroroonan niya. Pumasok ang kausap niya kanina at nagsalita.
“Lord, handa na po!” Nang sabihin nito iyon ay ngumisi siya habang may katagang ipinangako sa sarili.
“Get ready, assholes. Lintek lang ang walang ganti mga putang ina n’yo! Hindi ko kayo titigilan hanggang hindi ko naigaganti ang reyna ko.”
Lumakad na siya na bitbit ang pinangako niyang regalo dito . . .© MinieMendz
BINABASA MO ANG
The Mafia Lord James Esteban (Self Published)
قصص عامةThe heartless, handsome, and the most powerful mafia boss-James Esteban. Sa edad na sampung taon ay niluklok na siya bilang pinakabatang mafia ng bansa. Nang dahil sa galing sa pakikipaglaban ay marami na agad ang natatakot na kalabanin siya. Batak...