THIRTY SIX - THREAT

41.4K 961 21
                                    

GABRIELLA’S P.O.V.


NAGISING AKO DAHIL sa kalampag ng pinto. Kahit na inaantok pa ay bumangon ako at tinungo ito.
Pagbukas ko ay bumungad sa akin si Rose na hindi maipinta ang mukha.
“Ano ba ’yan, ang tagal mong buksan. Sabi ng señora, kumilos ka na raw at marami ka pa raw na gagawin,” maarte nitong sabi at nakairap pa. Aalis na dapat ito nang muli itong humarap.
“Oo nga pala, sabi ng señora, ’wag ka raw magtangka na magsumbong sa señorito, dahil lalo ka raw niyang hindi matatanggap.” Pagkasabi niya no’n ay umalis na siya. Nanlalata na isinara ko ang pinto at tinungo ang kama para gisingin si James. Ngunit napahinto ako nang walang James akong nakita sa kama. Lumapit ako sa table nang may makitang sulat.

Good Morning Sweetheart,

Maaga nga pala akong umalis, para sa gagawin naming operation. Kaya habang wala ako, kumain ka ng masustansya, ha? Wag na makulit at wag ka rin magpapapagod. 
Mga gabi na siguro ako makakauwi, kaya maaga kang magpahinga, ha?
I love you!

Your Handsome Husband, 
James.

Napangiti naman ako sa sulat nito at hinalikan. Ngayon niya lang ako sinulatan at talaga naman na kinikilig ako, napaka-sweet niya talaga.
Kaya ang kanina kong matamlay na pakiramdam ay sumigla. Nakangiti akong lumabas ng kwarto habang suot ang maid’s uniform. 
Pagbaba ko ay nagpunta ako sa dinning area dahil baka naroon si Nanay Nita. Kaya dire-diretso akong pumasok na siyang pinagsisihan ko, dahil ang nabungaran ko ay ang magulang ni James at si Stella. May iba pa silang kasalo sa hapag na hindi ko kakilala.
“Sino ’yan, kumare? Bagong katulong?” sabi no’ng babae na tingin ko ay mama ni Stella, kahawig niya, e. Nakita ko naman ang pagsenyas ni Mama Michelle sa akin, tila pinapaalis ako. Kaya nakayuko akong umalis at nagpunta sa sala. Nakita ko roon sila Marie na nagchichismisan. 
“Grabe ang babaeng iyon, nakatabi lang ang señorito sa kama, tinanghali na ng gising. Piling prinsesa!” sabi ni Rose na napapailing pa habang pinapagpag ang unan ng upuan.
“Sinabi mo pa! Buti pa nga Ms. Stella, laging maagang gumising. Siya pa ang nagluto ng agahan nila Señorito at mga kasama nito,” pagmamalaki ni Marie. Gusto kong manliit at magselos pero pinigilan ko. Ngumiti ako nang malaki at masayang binati ang dalawa.
“Good morning, Rose at Marie. Tulungan ko na kayo d’yan,” magana kong alok sa kanila. Nakita ko ang pag-irap nila at tinginan na tila may sinesenyas sa isa’t isa habang ako ay tumulong na magpagpag ng unan sa upuan.
“Ano nga pala ang pangalan mo?” nakangising tanong ni Rose at kumindat kay Marie. Ngumiti naman ako at humarap sa kanila saka sinabi ang pangalan ko.
“Gabriella Cruz, pwede rin na Ella na lang ang itawag n’yo para hindi mahaba,” nakangiti kong sabi. 
“Oh sige, Ella, ’di ba gusto mong tumulong?” may nakakalokong ngiti na sabi ni Marie. Tumango naman ako sa kanila at nagpatuloy sa pag-aayos.
“Kung gano’n, ikaw na ang maglaba ng mga damit nila. Kaunti lang naman iyon at pakilinis na rin no’ng tambak sa bodega,” pakiusap nitong sabi. Hindi ko alam kung papayag ba ako o hindi? Ngunit napangiti na sila nang tumango ako.
Aalis na sana sila nang pigilin ko, may gusto kasi akong itanong.
“ Ah, sandali!” pigil ko sa kanila na huminto naman. “Nakita n’yo ba si Nanay Nita?” Nakita ko naman sila nagkatinginan at sinagot ang tanong ko.
“Wala rito si manang, umuwi muna sa kanila.” Tumango naman ako at nalungkot. Sayang, marami pa naman akong itatanong kay Nanay. Nang makaalis na sila ay lumakad na ako papunta sa likod-bahay upang umpisahan nang maglaba.
Kinuha ko hose at nilagyan ng tubig ang batya, pagkatapos ay kinuha ko ang isang crits ng damitan at inilapit sa batya para madali ko itong maabot. Kinuha ko ang powder at bar na sabon. Umupo na ako sa bangkong maliit para maupuan ko. Huminga muna ako nang malalim bago simulan ang paglalaba.
Makalipas ang ilang oras . . . 
Pinahid ko ang pawis sa noo ko at tumigil sandali. Inabot na rin ako ng tanghali dahil sa bawat tapos ko ng pagsasabon ay siya namang dating ng maraming maruming damit. Buti at naisipan pa nila akong dalhan ng makakain? Pinapahirapan talaga nila ako, ha? Pwes. Hindi ako susuko! 

NARRATOR’S P.O.V.
SAMANTALA, MAGGAGABI NA nang makauwi sina James mula sa pagsugpo nila sa leader ng mga nagpupuslit ng droga. Hindi pa nila nahuhuli ito, ang nasa kamay pa lamang ng pulisya ay ang mga tauhan nito. Kaya bukas ay kailangan niya muling umalis, name-miss niya tuloy ang sweetheart niya. 
Pagparada ng sasakyan nila ay agad siyang bumaba. Tiyak siya na naghihintay na iyon sa kanya. Pagpasok niya ay walang tao siyang naabutan sa sala. May narinig siyang mga boses at tunog ng mga kubyertos sa dinning area kaya doon siya nagpunta at baka naroroon ito.
Nakasunod lamang kay James ang pito na napapailing dahil talagang mahal na mahal ng Lord nila si Gabriella. Pinipigilan nga nilang matawa, dahil tiyak na tatamaan sila. Paano, atat na atat na itong umuwi at hindi mapakali, dahil name-miss daw nito ang mag-ina niya. Inlalabo na talaga! Tingin nga nila ay under ito kay Gabriella.
Pagpasok ni James ay bumungad sa kanya ang kanyang magulang at ang pamilya ni Stella. Hinanap ng kanya mata si gabriella, ngunit napakunot ang noo niya nang wala ito roon. Kaya bumaling siya sa ina na nakatingin sa kanya.
“Ma!” mariin niyang tawag dito at kinausap niya ito gamit ng mata. Pinapahiwatig niya rito kung nasaan si Gabriella? Nakita niya ang paglunok ng mama niya saglit at sandali na dumaan sa mga mata nito ang kaba, ngunit inayos nito ang sarili at seryoso na sumagot sa tanong niya.
“Nasa room mo, anak. Halika sumalo kayo sa amin at nang makilala mo na rin ang magulang ni Stella,” anyaya ng ina na sinalungat niya agad.
“Team, sumalo na kayo sa kanila. Pupunta lang ako sa room ko,” sabi niya sa mga ito na nagtanguan at umupo na. Maglalakad na sana siya nang pigilan siya ni Stella.
“Samahan na kita, babe,” nakangiti nitong sabi habang kumakapit sa braso niya. Tinanggal naman niya ang kamay nito at hindi na pinansin. Tumuloy na siya sa paglalakad upang puntahan ang sweetheart niya.
Binuksan niya ang pinto at bumungad sa kanya ang madilim na kwarto, binuhay niya ang ilaw at lumipat ang tingin niya sa natutulog na si Gabriella. 
Nilapitan niya ito at naupo sa gilid nito, nagtataka siya habang pinagmasdan niya ito. Tumingin siya sa relo at nakita na hindi pa naman masyadong gabi? Hinaplos niya ang mukha nito na tila pagod na pagod. 
Ano kayang ginawa nito? 
Naramdaman naman niyang gumalaw ito at bumubulong.
“I-love-y-you, James,” bulong nito na ikinangiti niya. Hinalikan niya ito sa labi at sa noo, bago niya kinuha ang landline ng mansyon nila sa side table na malapit sa kanya.
“Pagdalhan n’yo ako rito ng makakain, at maghanda rin kayo ng gatas, dalhin n’yo rito sa taas,” utos niya sa kasambahay na nasa kusina. Tinatamad na siyang bumaba kaya dito na lang niya iyon kakainin. Pagbaba niya ng phone ay hinubad niya ang sapatos na suot at itinabi sa gilid. Tumayo siya at nagpunta sa banyo upang saglit na maglinis ng sarili.
Sinusuot na niya ang towel sa katawan nang marinig niya ang sigawan sa loob ng kwarto niya. Nagmamadali siya sa paglabas dahil baka may nangyari na kay Gabriella.
Paglabas niya ay bumungad sa kanya ang nagwawalang si Stella na sinasabunutan si Gabriella. Tinakbo niya ang dalawa at inilayo si Gabriella mula kay Stella. Niyakap niya ito at inupo sa kama.
“Okay ka lang, sweetheart?” nag-aalala niyang tanong dito at tiningnan kung may sugat ba ito. Umiiyak na umiling ito sa kanya. Napabuntonghininga siya at humarap kay Stella na nanggagalaiti sa galit.
“Anong ibig sabihin nito, ha? Bakit nasa kwarto mo ang babaeng iyan?” galit na sigaw nito habang hinahampas siya sa dibdib, umiiyak na ito habang tuloy pa rin sa paghampas sa kanya.
“Sumagot ka! At ikaw babae, inaakit mo siguro siya, ano? Napakalandi mo!” susugod pa dapat ito kay Gabriella pero pinigil niya ito.
“Enough! Alam ko na malaki ang kasalanan ko, pero sorry, dahil hindi ko na matutupad ang pangako ko sa ’yo.” Napapikit siya nang sampalin siya ni Stella at pinaghahampas.
“Napakasama mo! You liar! Hayop kayo! Akala n’yo magiging masaya kayo, ha? Hindi! Hindi! Dahil hindi ko kayo patatahimikin hanggang sa magsisi kayo sa ginawa n’yo,” galit at bantang sabi nito sa kanila bago tumalikod at tumakbo palabas ng kwarto. 


© MinieMendz

The Mafia Lord James Esteban (Self Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon