THIRTY EIGHT - BLOOD

51.6K 1.1K 29
                                    

GABRIELLA’S P.O.V.

“HOY! BABAENG MALANDI! Bumangon ka na raw at marami ka pang gagawin!” yugyog ni Marie sa akin kaya nanlalata ako sa pagbangon dahil pakiramdam ko ay magkakasakit ako.
“P-pwede bang pass na lang muna ako ngayon? Masama kasi ang pakiramdam ko . . .” mahina kong sabi at balak na sanang bumalik sa higaan nang hatakin niya ang braso ko. Napangiwi ako sa sakit dahil bumabaon ang kuko niya.
“Napakatamad mo, isusumbong kita kay Señiora!” pagbabanta nito at umalis na ng kwarto. Humiga ulit ako at nagpatuloy sa pagtulog, hindi ko talaga kaya, parang umiikot ang paningin ko kapag tumatayo ako.

MICHELLE’S P.O.V.
HUMIHIGOP AKO NG tsaa habang may binabasa na business magazine. 
“Señiora si Gabriella po, ayaw raw po niya ng pinapagawa n’yo sa kanya. Matutulog na lang daw po siya kaysa gawin ang pinapagawa n’yo,” sunod-sunod na sumbong ni Marie sa akin na kinabigla ko. Binaba ko ang tasa ng tsaa tsaka ko ito hinarap.
“Sigurado ka ba sa sinabi mo?” naniningkit ang matang tanong ko. 
Aba! Sayang at matatanggap ko na sana siya dahil wala rin naman na akong magagawa. Pinag-utos ko kasi kay Marie na tawagin si Gabriella para ayain na mag-shopping para sa gagamitin ng mga apo ko.
“Opo, Señora. Naku, sinungitan pa nga po ako, dahil natutulog daw po siya tapos aabalahin ko pa raw po,” nagsusumbong na sabi ni Marie. 
Tumayo ako at inis na pinuntahan ito. Akala ko pa naman na mabait talaga ito at walang itinatagong kamalditahan—humanda siya sa akin.
Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko nga na mahimbing itong natutulog.
“Babae, gising! Disyomiyo! Anong oras na?! Ganyan ka ba talaga katamad? Aba, kawawa ang anak ko sa ’yo,” gising ko rito na humahangos sa pagtayo. Nakita ko na tila maputla ito at nanlalata, pero hindi ko na pinansin dahil baka mamaya ay mamihasa pa.
“Wala ka na ngang ginagawa rito sa bahay kundi matulog. Hindi ka ba naaawa sa anak ko na ginagabi sa kakatrabaho?” sermon ko dito na tahimik lamang. Pansin ko na nakasuot pa ito ng maid’s uniform at tila nakalimutan na palitan. Tumingin ako kay Marie upang itanong kung bakit ito nakasuot ng ganito.
“Bakit siya nakasuot ng maid’s uniform?” mariin kong tanong. Nakita ko na lumunok siya at tumingin kay Gabriella.
“Ah . . . eh . . . Señora, siya po ang may gusto n’yan. Nanghiram po siya sa amin, dahil type niya raw po,” tugon nito na ikinatango niya. Lalakad na sana siya nang biglang mag-ring ang cellphone niya. Sasamahan sana niya Gabriella para kumain at makaalis na sila, dahil kailangan niya siguro pag-aralan ang ugali nito. 
“Yes, hello?! Oh kumare, yes? Really? Okay, sige, pupunta na ako. Bye!” nakangiti niyang sabi sa kabilang linya at binaba. Humarap siya kay Gabriella at Marie na tahimik lang.
“Marie, ikaw na lang muna ang bahala sa kanya, aalis lang ako saglit,” bilin niya rito bago binalingan si Gabriella na pipikit-pikit pa, napailing na lang siya at tumalikod upang umalis. 

GABRIELLA’S P.O.V.
PUNAS DITO, WALIS doon. Pagkatapos kong linisin ang kwarto, kusina, maging ang sala, office, at library nitong mansyon ay pagod na pagod ako. 
Nanlalata akong napahiga sa sofa habang pinatong ang kanan kong braso sa parteng noo at mata. Tumulo na ang luha na pinipigilan ko. Hindi ko kasi alam kung magtatagal ba ako sa pinapagawa nila? Napapagod na ako sa mga pinapalinis nila, lahat ng parte ng bahay este mansyon na ito ay mag-isa ko lamang nililinis. Lahat kasi ng katulong bigla na lamang naglaho, kaya kahit sino ay magsasabi na pinagawa nila sa akin ang dapat na trabaho nila. Ganito ba talaga nila ako kinasusuklaman? Wala naman akong ginawa sa kanila para ganituhin nila ako?
“Gabriella, anong ginagawa mo d’yan?” naputol lamang ang aking pag-iisip ng magsalita bigla ang mama ni James. Kaya kahit hinang-hina na ako ay bumangon ako.
“Doon ka nga sa—” Hindi ko na ito pinatapos magsalita dahil lumuhod ako sa harap niya.
“Please po, hindi ko na po kaya. Gusto ko lamang po magustuhan n’yo ako para sa anak n’yo, pero pagod na pagod na po ako. Kung hindi pa rin po sapat lahat ng ito ay aalis na lang po ako . . .” umiiyak kong sabi habang kumakapit ako sa mga binti nito. Hinawakan niya ako sa balikat para sana itayo ngunit hindi ko siya sinunod.
“A-ano bang pinagsasabi mo? Tumayo ka na riyan at—DIYOS KO! DUGO? Nita! Nita!” Hindi na nito natapos magsalita at natatakot itong dumalo sa akin. Nanlalabo na ang paningin ko at sumasakit na ang tiyan ko. 
“Ahhhh! Ang s-sakit! Ang mga anak ko!” umiiyak kong hiyaw habang namimilipit sa sakit na napahiga sa sahig. Kinakapos na rin ako ng hininga dahil sa sobrang sakit.
“Diyos ko! Bilis! Tumawag tayo ng ambulance!” Iyon na lamang ang narinig ko bago mawalan ng malay.

The Mafia Lord James Esteban (Self Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon