"Anak gising na!!" Rinig kong boses sa labas ng aking pintuan inikot ko yung ulo ko at tinignan yung cellphone ko..AMP..! 4:00 palang ng umaga si mama naman eh.
Wala naman din ako magagawa kasi nanay ko sya kaya kailangan ko syang sundin.
Bumangon na rin ako at pumunta ako sa banyo na nasa loob na rin ng malaki kong kwarto, nag hilamos na ako saka ako bumaba at pumunta sa dining room namin.
Umupo na ako sa kalagitnaan ng long table namin. As usual ang pagkain na inihahanda ng yaya namin is luncheon meat na may bacon.
Kumain nalang ako. Pagkatapos kumain saka ako pumunta sa taas ng kwarto ko para maligo sa sarili kong banyo at para na rin mag tooth brush.
Pagkatapos ko maligo sinuot ko na ang uniform ko. Parang pang anime nga eh pero nag susuot ako ng black hoodie hehe.
Sinuklay ko na ang maikli kong buhok.
Bumaba na ako habang naka-sukbit na sa mga dalawa kong balikat ang bag ko.
"Tara na po" sabi sakin ng driver namin. Sumakay na rin ako at nag drive na tong si Kuya Lando.
--
" ang pogi naman nya"
"Luh.. sino sya"
"Waa.. may crush na ata ako sakanya"Yun ang mga naririnig kong bulungan pagka-baba ko sa kotse anong meron? May bagong dating ba?
"Hm.. Tol ano meron?" Tanong ko isa sa mga tropa ko at yun ay si Joel.
"Ahh may bagong dating." Sabi nya. Pero bat parang napakamot sya nung naitanong ko yun di naman sya ganun dati.
"Eh sino naman sya?" Tanong ko naman kay Nash, "basta.. Ah eh? Di ko din kasi alam kung sino sya".
Pambihira.. anong klaseng sagot yan ha Nash? Meron talagang something ngayon eh.. Teka teka, paki-elam ko ba? Hay nako makapunta na nga lang sa klase ko sayang lang oras ko dito.
*BLAG!*
"Aray ko naman!! Sa susunod nga tignan mo yang dinadaanan mo kung ayaw mong suntukin ko sa mukha!" Ang sakit non ah! Sakit tuloy ng pwet ko amp.
Tinayo ako ni Joel at Nash. At pagka-angat ko ng ulo ko.
Bat parang ngayon ko lang toh nakita sya ba yung bago. Bat ba sya ganyan maka-tingin sakin.. Matutunaw ako nito eh.
"Anong tinitingin-tingin mo--" di ako nakapagsalita dahil nag salita sya.
"Woah miss.. baka nakakalimutan nyo na.. bago ako dito.. at isa pa gwapo ako kaya wala kang karapatan para salitaan ako ng ganyan.." sabi nya napa-lunok ako.. lumalapit sya sakin anong meron?
Inangat nya ung mukha ko dahil hinawakan nya yung baba ko kinakabahan nako problema nito?
"Hmm pero.. may itsura-" tinulak ko sya at sinampal ko sya ng malakas.
"Bastos.." sabi ko at naglakad na ko papalayo. Di ako katulad ng mga ibang babae na papatol agad.. So what kung gwapo sya? As if I care diba?
--
Pagka-pasok ko sa classroom ko as usual dedma sila sakin.. Umupo nalang ako sa upuan ko at nag basa ng libro.
Pagka-dating naman ni Ms. Daniela lahat na kami tumahimik.
"Okay class meron tayong new classmate.. pwede ka na pumasok" wag mong sabihin..
MAGKAKLASE KAMI NG SINAMPAL KO KANINA?!
"Okay iho.. please introduce yourself." Sabi ni Ms. Daniela sa bagong dating.. "Ako si Gian Evangelista.. Im 19 years old thats all" lintek kang demunyu ka tinignan mo pa ko at may pa-kindat kindat ka pang nalalaman eh kung sundutin ko kaya yang mata mo.
"Okay Gian. Ma-upo ka sa tabi ni Poleene at mag sisimula na tayo."
Kung mamalasin nga naman oh..
![](https://img.wattpad.com/cover/192051198-288-k994852.jpg)
BINABASA MO ANG
The Gamer's LOVE
RomanceSabi nila ang mga GAMER daw walang kwenta pag nag mahal dahil lahat ng attensyon nila nasa laro pero.. Nung nakilala ko sya.. Oo bad boy din sya pero nung kinilala ko sya.. kinilala nya rin ako hanggang sa nahulog na kami sa isa't-isa, kahit isa sya...