15: Tournament

0 1 0
                                    


Poleene's POV

BEEP! BEEP! BEEP!

Nagising ako at ng mai-off ang alarm clock ko at tinignan ko yung orasan.

"4:00... aish.." bulong ko sa sarili ko at bumalik ng pagkakahiga yung ulo ko sa unan ko.

Pinikit ko yung mga mata ko para bumalik ng saglit sa pagkakatulog.

Shit!

Bigla ko minulat yung mga mata ko at napatayo sa kinahihigaan ko.

Ngayon na ang tournament..

Naglakad ako papunta sa banyo ng kwarto ko para mag sipilyo at para na din maligo.

Pagkatapos ko maligo nag bihis na ako civilian lang naman ang susuotin eh kaya nag black wripped jeans nalang ako at polo na white.

Kinuha ko na yung mga gamit ko at bumaba.

Pagka-baba ko..

SI ACE NASA SOFA?!

Ang aga aga naman dumating netong manliligaw ko na ito sagutin ko na kaya ito... Wahaha aga aga pa para humarot joke lang yun.

Kumuha nalang ako ng tinapay tas pumunta sa living room.

"Ohh Goodmorning Ttal." Sabi ni mom at tumango nalang ako.

"Goodmorning my beautiful queen." Shet Ace bakit ganyan ka nakakatunaw.

"G-Goodmorning din" sabi ko at bakit nag stutter ako? Aish.

"Mauuna na po kami tita" sabi ni Ace at nanlaki yung mata ko.

Oo nga pala araw araw na nya raw ako susunduin.

"Ah sige ingat kayo, bye my ttal saranghaeyo" sabi ni mom at ngumiti ito.

"Bye Umma saranghae." Sabi ko at inakbayan ako ni Ace sa bewang ko ng ikinatayo ng mga balahibo ko at sabay kami naglakad palabas ng bahay ko.

Binitawan ako ni Ace ng ipinag-bukas nya ako ng pintuan ng kotse nya ngumiti nalang ako at sumakay sa loob.

Pagka-sakay nya as usual sya maglalagay ng seat belt ko. Hays parang nahihiya na ako galaw galaw din kasi self.

"Hayaan mong ako maglagay ng seat belt mo para paglumapit ako sayo maririnig mo ang tinitibok ng puso ko para sayo." OMG napalakas at ako ng pagsasabi sa sarili ko nun ano bayan kinikilig na naman ako aigoo..

"H-ha?... W-Wala naman ako sinasabi ah?" Sabi ko at tumawa ito ng mahina at pinaandar na ang kotse nya.

"Your cute." Sabi nya at nagsimula na sya mag drive at natihimik nalang ako.

Pagkadating namin sa school bumaba na ako kaagad baka ano pa mangyari at kinatuluyan kong matunaw.

Bumaba na rin si Ace at lumapit sakin.

Palapit.... Ng palapit.. At..

Hinalikan ako nito sa pisngi.

"See you later when the tournament starts." Sabi nya at kumindat at naglakad palayo.

Naiwan ako dito ng naka-tanga at bigla ako tumalon ng tumalon parang baliw.

Alam kong OA lang pero di ko na kaya eh kinilig na talaga ako.

Sumisigaw rin ako ng medyo mahina habang tumatalon.

"Huy!"

"Ay kabayo ka!" Natigilan ako ng makita ko si Nash at Joel.

"A-Ahh... Hello?" Sabi ko at napakamot ako sa ulo.

Bigla sila tumawa pareho ng malakas at sinamaan ko sila ng tingin at pinaghahahampas sila sa braso.

The Gamer's LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon